The reason behind why my Father does not want my Mom to find a job

9 2 0
                                    

"The reason why my Father does not want my Mom to find a job"

[WARNING: This story is long and have some bad words in it.]

"Leandra! Asan ang pera rito sa cabinet?!" rinig kong sigaw ni papa, nasa kwarto kasi ito kakarating niya lang galing sa sabungan. Kita kong nagmamadaling pumasok si mama sa kwarto. "Ubos na ginamit ko kanina, wala na kasi akong pera" sagot ni mama.

"Anong ubos na? At ano sinabi mo wala kanang pera?! Saan mo ginagastos yung pera? Huh Leandra!"  "Binili ko ng mga kinakailangan dito sa bahay at para sa pagkain natin, yung pera nandyan kinuha mo yun kahapon yun ang ginamit para bumili ng alak na pinainom mo sa mga barkada mo" mahinahong pagsasalita ni mama.

"Amputcha! Ako na nga nagpapakain sa inyo hindi nga kayo makakain kung hindi ako nagtatrabaho. Yang suot mong damit! Hindi mo yan masusuot kundi hindi dahil sa'kin!"

Pak!

Yumuko na lamang ako ng marinig ang isang malakas na tunog na nanggagaling sa kwarto.
~~
"Ma, maghanap ka nalang kaya ng trabaho ng sa ganun hindi ka na pagsasalitaan ni papa ng ganun" pagbabasag ko sa katahimikan na nangmamayani sa hapag kainan, samantala kasi kaming kumakain ngayon. "Hindi papayag ang papa mo Lea, alam mo yun simula pa lang."

"Edi palihim kang magtrabaho total at umaalis naman si papa at sa gabi na umuuwi." pagsusuwestyon ko gustong gusto ko ng magkaroon si mama ng trabaho, para hindi na siya pagsasalitan ni papa ng kung hindi sa kanya hindi kami makakain at walang masuot na damit.

"Wala ng tatanggap sa'kin Lea matanda na ako, ang mostly hinahanap ngayon ay mga bata" "Hindi yan Ma, tutulongan kita"

Ilang araw ang lumipas at nakahanap ako na pwedeng pagtatrabahoan ni mama, sa isang karenderya malapit sa'min isa siyang kusenera dun. Hanggang 3pm lang ito ng tanghali, kaya hindi nalalaman ni papa.
~~
"Leandra! Leandra! Lea! asan ang mama mo?" Kunot noo at pawisan na tanong ni papa sa'kin. Nangingibaw pa ang amoy ng alak na nanggagaling sa kanya "Nasa kusina po nagluluto" dali dali itong naglakad papuntang kusina, dun ko lang narealize ang maaring gawin ni papa kaya agad ko 'tong sinundan.

Pagkapasok ko sa kusina ay bumungad sa'kin ang eksena kung saan mahigpit na nakahawak si papa sa buhok ni mama, samantalang namumula ang pisnge ni mama at pilit tinatanggal ang pagkakahawak ni papa sa buhok niya. "Abat! Tangina ka! May trabaho ka pala at pinahiya mo pa ako sa mga barkada kong pota ka!"

"Tama na Roell! Pagod na pagod na ako sa ugali mo mabuti pa at maghiwalay na tayo!" PAK! "Hindi! walang maghihiwalay! Umalis ka sa trabaho mo o ako mismo ang magpapatanggal sa'yo!" Mahigpit parin ang pagkahawak ni papa sa buhok ni mama, pilit ko mang lapitan at tulongan si mama pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Na para bang naestatwa ako ilang beses ko na itong nasasaksihan pero, bakit hindi parin ako sanay?

"PAPA! TAMA NA!" Lumapit ako rito at pilit na tinatanggal ang pagkahawak niya sa buhok ni mama. "Huwag kang makialam rito Lea!" Sigaw nito pero hindi ko siya pinansin at pilit paring tinatanggal ang pagkahawak niya sa buhok ni mama.

"Sabing wag kang makialam!" "Lea!" agad akong napaupo ng sampalin ako ng napakalakas ni papa may natikman akong parang kalawang, kinapa ko ang aking labi at napagtantong dumudugo pala ito.

"Gago ka Roell!" Napalingon ako sa direksyon nila at hinahampas ni mama si papa, ngunit ang kasunod na pangyayari ang siyang ikinalaki ng mga mata ko. Nagsibagsakan ang aking mga luha sa ginawa ni papa "Pota ka! Sabing umalis ka sa trabaho mo!" Sinasaksak ni Papa si Mama sa tagiliran na parang isang karne lamang ito, na parang wala itong halaga sa kanya. "Papa tama na!" Natigilan lamang ito sa sigaw ko at agad na nabitawan ang hawak na kutsilyo.

"L-Leandra! Leandra mahal gumising ka!" yakap yakap nito si mama at umiiyak hindi ko alam pero hindi ko magawang lapitan sina Papa lalo na at apakaraming dugo na kumakalat sa sahig. "Hindi ko 'to ginusto nadala lang ako sa galit, patawarin mo ako L-Leandra. G-gusto ko lang naman na ako yung naghahanapbuhay sa'tin at ikaw a-ang mag-aalaga sa anak natin. Gusto ko lang na magkaroon ka ng maginhawang buhay at mapatunayan na kaya kitang buhayin at ang anak natin. Mahal na mahal kita, p-patawad mahal patawarin mo 'ko sa nagawa ko" pagtatapos ko sa aking kwento.

"His love was so selfish that it became the reason why his wife died" huli kong sinabi sa aking mga estudyante bago dinismiss ang klase, bibisitahin ko pa ang puntod ni mama at papa. What happened in the past caused me a lot of traumas in life, and si papa? He died, pagkatapos ng sinabi niya ay nagsorry siya sa'kin at walang pag-alinlangang nagsuicide sa harapan ko.

THE END
This is only work of fiction and did not happened in real life. Thank you for reading and sorry for those inappropriate words that I've used, also you can critique my work I would be happy to received one so I could improve my writing skills.

______
I hope you guys enjoyed the first chapter of this book, also you can communicate with me in my facebook account Scarlet Altarejos.
-Aste

A Short Story To TellWhere stories live. Discover now