SAKRISTAN

4 0 0
                                    

"Arcilee gising! Ano ba malapit na magsimula 'yong misa!" Panggigising sa'kin ni mama. Aattend kasi kami ng simbang gabi at ngayon ang ikaapat na araw.

Tiningnan ko ang alarm clock at lalong kumunot noo ko ng makitang 2AM palang, ito talaga si mama napakaexcited eh 4 pa magsisimula.

"Hindi ka pa tatayo dyan!? Tapos na magbihis mga pinsan mo aba!"

"Ito na tatayo na!" Pabalik kong sigaw kay mama at hinanda ang susuotin ko bago pumasok sa banyo.
-----
Sa kadahilanang gusto ni mama makaupo sa unahan, ito tuloy kami at parang tanga naghihintay sa labas dahil 4 am pa magsisimula 'yong mesa. Buti nalang at nakabukas na 'yong simbahan marami rami narin kaming naghintay rito.

"Arcilee!" Tumitiling pagtawag sa'kin ng hin(.) kong pinsan. Tiningnan ko naman ito at may tinitingnan ito kasama ng iba ko pang babaeng pinsan.

"Ano problema mo? Ba't ka tumitili dyan!?" Mahina ngunit may diin na tanong ko. Hinila niya naman ako at pinaharap yung ulo ko sa mga kalalakihan na nagkukumpolan sa gilid.

Bigla na lamang nagsibilogan ang mga mata ko sa nakita, kaya pala tumitili dahil nakakita ng gwapong mga sakristan. Mas lalo pang bumilog ang mata ko ng makita ang crush kong sakristan na si Dastan.

"Gaga! Ba't di mo agad sinabi?" Tinawanan lang ako nito at patuloy na tinititingnan sila eh syempre papahuli paba ako? Edi tinitigan lang namin sila para pa kaming nagstaring contest.

Ang gwapo talaga ni Dastan kahit anong suot o porma, kahit maging basurero siya ang gwapo parin. At kung sakaling maging basurero siya handa akong maging basura mapulot niya lang ako hshshshs.

Natigil lang ako kakatitig kay Dastan ng maglakad sila papalapit sa'min. "Hoi! Hin(.) kung pinsan itulak niyo ko pagmalapit na si Dastan tapos itutulak ko rin kayo sa crush niyo na sakristan" pagnenegetiate ko sa kanila at sumang ayon naman ang mga gaga.

"Papalapit na sila, e ready niyo na pagtulak sa'kin pero wag----" bigla na lamang namilog ang mga mata ko ng biglaan akong itulak ng malakas ng mga pinsan ko.

"Aray!" Naiinis na tiningnan ko ang aking mga pinsan ng marinig ang tawanan nito. Pano ba naman kasi may pa pikit pikit pa akong nalalaman tapos di pala ako sasaluin ni Dastan. Ayan tuloy nasugatan ang makinis kung balat ghad!

Naiinis na tumayo ako sa pagkadapa at pinagpagan ang damit ko, buti nalang talaga at walang nakakita sa katangahan ko except sa mga pinsan ko.

Napatigil ako sa pagpag ng suot ko ng may naglahad ng panyo sa harapan ko "Here, ipunas mo sa tuhod mo dumudugo kasi" tiningnan ko 'to at palihim akong ngumiti ng mapagtanto si Dastan ang nag offer ng panyo.

"Eh enebe weg kengeng genyen" pabebeng ani ko sa kanya na may kasamang mahinang paghampas. Kumunot naman ang noo nito "Uh what did you just said? Hindi ko kasi narinig ng maayos"

"Ah wala hehe" ngumiti naman si Dastan at biglang humalik sa pisnge ko "Nag away lang tayo kagabi nagkaamnesia kana. Here clean your wound baby, mamaya kana magpabebe sa'kin. Una muna kami malapit na magsimula ang misa love you" inilagay pa nito ang panyo sa kamay ko at nagsimulang maglakad papasok sa loob.cOo nga pala jowa ko na pala si Dastan hshshs.

Hinarap ko naman ang mga pinsan ko na nakaawang ang mga bibig "Ah oo nga pala, Ako lang to! ang pinsan niyong may bebe sa pasko at sakristan pa hahaha" natatawang pang iinis ko sa kanila.  Bago pa ako makapasok sa loob ay nakita ko pang inirapan nila ako HAHAHA.

And lastly,

Ikaw lang yan ang walang jowa na
sakristan sa pasko! HSHSHSHS

-END

A Short Story To TellWhere stories live. Discover now