Happy New Year

0 0 0
                                    

[WARNING: Violence and also its quite long]

Kumunot ang noo ko ng biglaang magrefresh ang nf ko may binabasa pa ako eh!

"The prettiest smile hides the darkest secret" pagbabasa ko sa isang shared post, napangiti na lamang ako nito.

"Andrea! Tumulong ka nga rito!" Agad kong binaba ang cellphone ko at pumunta sa baba, nakita kong hinahalo ni mama ang spaghettie.

"Ano po matutulong ko ma?" Inangat niya ang tingin niya at bigla akong binato ng sandok saktong tumama ito sa noo ko. "Anong maitutulong mo?! Hindi mo ba nakikita na marami pang gagawin rito! Oh yan lutuin mo cellphone ka nalang ng cellphone wala ka nang silbi sa bahay na'to!"

Napayuko ako sa sinabi nito at pinulot ang sandok na nahulog pagkatapos niyang ibato sa'kin, kinuha ko ang lumpia at dinala ito sa may gas rangre namin ito muna lulutuin ko. Nakangiti ko itong niluluto.
---------
"Ma magsisimba ako ngayon kasama mga kaibigan ko" pagpapaalam ko rito matagal narin kasi simula nung nakasama ko magsimba mga kaibigan ko kaya ito na ang chance para makasama ko sila total new year na naman mamaya.

Pansin kung kumunot ang noo nito at inis na tiningnan ako "Dun ka sa papa mo magpaalam, nakakaistorbo ka" mahina ngunit may diin na salita nito. "Ok po"
---------
"Oi wala si Angel?" Tanong ni Christine kay Jasper, kasama ko sila ngayon dahil magsisimba kami actually nasa simbahan na kami at hinihintay nalang na magstart yung misa. "Wala hindi pinayagan ng parents niya baka gumala ulit" sagot ni Jasper kay Christine.

"Ay bakit? Sayang naman ang tahimik tuloy ng groupo natin" malungkot nitong pagsasalita at kinalabit si Kathy "Ba't pa kasi sumama yan rito?! Ang malas kapag sumama siya sa atin laging may minamalas. Sama sama pa kasi eh hindi na naman welcome dito sa group natin" bulong niya kay Kathy hindi siya bulong talagang gusto niya lang marinig ko.

Tumingin naman silang dalawa ni Kathy sa'kin at sinuklian ko sila ng isang matamis na ngiti, ramdam ko rin na hindi na ako parte ng groupo na'to simula noong hindi ako pinayagan gumala.
--------
"Bakit ang tagal mong umuwi? Gumala ka na naman noh?!" Bungad na bulyaw sa'kin ni mama sa'kin.

"Hindi naman po, naglakad lang kasi kami pauwi" nakangiting pagsagot ko at nagmano sa kanya. Naglakad ako palapit kay papa at nagmano rito pati sa mga tita at tito ko.

"Ngayon lang kayo dumating?" Tanong ko kay Ane pinsan kung babae sa father side. "Oo, wait! Yan ba yung binili mo na sapatos?" Sabay turo sa sapatos na suot ko.

Ngumiti naman ako rito at tumango tsaka proud na pinakita sa kanya "Ang pangit, ang cheap mo psh" malditang sabi nito at inirapan ako sabay alis sa harap ko.
--------
"Bbrrrrrrr"

Agad akong nagmulat ng mata ng maramdaman ang vibration ng cellphone ko. Hindi ko man lang na malayan na nakatulog na pala ako kakaintay magtwelve, inopen ko ang phone ko at inislide pa left ng makita ito pala yung alarm na sinet ko.

It's already 11:59, I need to message Aki my boyfriend syempre egregreet ko siya ng Happy new year. Inopen ko ang messenger ko at nakitang online siya sakto at twelve na it's already new year.

-convo with Aki-

Me: Happy New year Aki!!! I love you so much have a wonderful and safe new year looking forward for the upcoming years with you love.

Aki: Andrea let's break up

Napatigil ako sa pagngiti ng mabasa ang reply niya, sa isang iglap mabilis na nagbagsakan ang mga luha ko.

Me: Bakit? May nagawa ba ako? Kulang ba ako sa time sa'yo? I'm sorry hindi ko sinsadya yun magbabago ako, wag lang tayo magbreak Aki

Aki: It's not about that Andrea! I feel out of love I'm sorry goodbye.

Pagkatapos niyang esend ito ay hindi na ako makareply. "You can't reply to this conversation" pagbabasa ko sa convo. Mapait akong napangiti he blocked me.

Mahina akong natawa habang lumuluhang nakatingin sa labas, nagsasayahan silang lahat without informing me at all. This is indeed a happy new year, a sad new year to start.

"Happy new year self! First day of new year with loneliness and heartbreak"

-THE END

----
A big thank you to my friend Aki Lhandrious for letting me use your name. Also you can read this in my writer account https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=235236074788464&id=100049062188786

A Short Story To TellWhere stories live. Discover now