BITSIN

1 0 0
                                    

"Wassup mga pinagpalit, iniwan at ghinost, welcome back to my vlog! Its me Clorine, so for todays vlo-"

"Clorine! bumaba ka nga rito!"

Ito talaga si mama kahit kailan laging sinisira intro ko hmp.

"Mama naman eh, nagvl-vlog ako rito oh!"

"Napaka ilusyunada mo talaga bata ka! Wala ka namang youtube channel, kaya bumaba ka na rito bago ko mabato 'tong tsinelas ko sa'yo!"

Ay hehe oo nga pala wala pala akong youtube channel. Pagkababa ko ay nakita kong nag-uusap si Mama at Aling Marites my future mother in law. Panigurado pinag-uusapan na nila ang future namin ni Kezo my labs ehe enebe.

"Hi Aling Marites, kamusta ka na po?"

Humarap naman ito sa akin at ngumiti, uwu wag kang ganyan future mother in law feel ko tuloy pinaplano niyo na kasal namin ni Kezo.

"Ok lang ako iha, ikaw?"

Ey enebe concern si future mother in law sa akin.

"Ito po maganda parin, at ready na po akong magpakasal kay Kezo oo na agad no need proposal ehe"

"Ang hilig mo talaga magbiro iha hahaha"

Hala! Akala ata ni mother in law joke lang yun ghaad no way

"Ay hindi po ako nagbibiro future mother in law"

Agad naman ako nakatanggap ng batok galing kay mama, ang sakit nun feel ko natanggal ulo ko.

Hindi pa ako makamura baka ma-minus 10 ako sa langit.

"Ang landi mo talagang bata ka, oh eto singko ibili mo ng pake ni Kezo este bitsin"

Ay sus si mama kunyare pa eh support niya naman ako kay Kezo my labs.

Lumabas na nga ako at pumunta sa tindahan nina Aling Marites, habang papunta ako dun napansin kong nagchi-chismisan naman ang cctv ng baranggay dito. Panigurado may bagong hain na naman na chismis.

"Tao po! May tao po ba rito? Yung tao sana na kaya akong ipaglaban"

"Tch. Walang tao rito na kaya kang ipaglaban, ano ba bibilhin mo?"

Holy baby! Si Kezo mylabs ang nagbabantay ng tindahan.

"Ah bibilhin ko yung pagmamahal mo, magkano ba?"

"Hindi mo na kailangang bilhin ang pagmamahal ko, kaya ko namang ibigay sa'yo ng libre"

Enebe 'wag kang ganyan my labs. Bumabanat na pala si my labs ngayon syempre di rin ako papatalo.

"Alam mo Kezo, hindi naman ako mahilig sa keso pero nung makilala kita I know you're the one keso that I'll love. Boom kilig!"

"Oh, tapos?"

Ay bwesit ang sungit, sarap hampasin ng pagmamahal ko.

"Sabi ko nga mais yung sinabi ko, oh ito singko bibili ako ng bitsin at ibubudbud ko sa'yo baka sakaling maging sweet ka"

Kiligin ka pwease, amp! ngumiti lang. Pero bakit ganun? Kinakabahan ako sa ngiti niya.

"Oh ito na ang bitsin pinsan, landi landi ka pa ha. Susumbong kita kay tita hahaha"
Sabi na eh yang ngiti na yan, ngiti ng isang demonyo.

At oo nga pala magpinsan kami, It re@lLy hUrtz aNg m@Gm@H@L nG GaNiTo huhu.

Ayiiiee relate yung nagbabasa, na fall kasi sa pinsan niya HAHAHAHA

-END

A Short Story To TellWhere stories live. Discover now