CHAPTER 4

23 4 0
                                    

Upon arriving at the Romero's hospital, inintertain na agad kami ng mga nurses pagkakita nila sa amin. And they even greet Vene, mukhang suki na siya ng hospital na ito. May agad na babaeng nurse ang lumapit sa amin at aasikasuhin sana ako nito ng nagsalita si Vene.

"Nurse Jean, where's James? Gusto kong siya ang mag asikaso sa kasama ko. Nabalian yata siya ng mga buto dahil sa padalos-dalos niya kung kumilos" he said while smirking. As if di kasalanan ng kapatid niya kung bakit ako nabalian. And the last time I know, nabali rin nila kanina mga buto-buto sa kamay ko, tapos ako pa ang padalos-dalos. Seriously?

"Nasa office niya po siya Sir Venedict, kasama niya po si Dra. Patricia." the nurse replied, while nagpapa-cute. Di naman kagandahan, mukha nito!

"Thank you, pupuntahan ko na siya" at hinila na naman ako ni Vene. Sinulyapan ako ng nurse na parang naiirita sa akin, pinagtaasan ko naman siya ng kilay, kala nito!

"Why are your brows looking like that?" He then chuckled while pointing at my brows. Hindi ko namalayan na huminto pala siya at sinilip ang mukha ko. Hindi ko naman siya pinansin at nagtuloy na sa paglalakad, ako na mismo ang humila sa kaniya habang hawak-hawak niya parin ang kamay ko.

Habang lakad kami ng lakad hindi siya umiimik, ako naman hanap ng hanap sa office ni Dr. James. Napapansin ko rin na sumusunod lang siya sa akin, I wonder if tama ang tinatahak kung daan. Napansin ko rin na halos mabali na ang leeg ng mga babeng nurses, at halos lahat ng mga pasyenteng naroroon ay sa kaniya rin ang paningin. Nagtatampo na talaga ako, maganda naman ako bakit siya lang ang tinitignan! Well, I admit that Vene is the type of man na lilingonin mo talaga pag naka-salubong mo. The problem sa mga good looking.

As we continuously walk, natanaw ko na ang isang malaking office with cream color at may mga halamang naka-design sa may pintuan nito. Nasa labas rin ang sa tingin ko ay secretary ni Dr. James. Pero ang mas naka-agaw ng pansin ko ay ang paghigpit ng hawak ni Vene sa kamay ko.

"Ahem! Parang ginaganahan na tayo sa paghawak ng kamay ko ah" Agad naman itong napalingon sa akin at binitawan ang kamay ko. May nilingon siya sa likuran ko at parang may sinabi ito ngunit diko narinig kung ano.

"I was just...hinihilot ko lang ang kamay mo" sabi nito at nauna ng pumasok sa office ni Dr. James matapos nitong kuma-usap sa babeng secretary. Papasok na rin sana ako ng may mga lalaking sa tingin ko'y intern na nagtutulakan palapit sa akin. Dalawa lang sila at masasabi kong may ibubuga rin naman ang mukha. They look so shy.

"Ahh, Ms. can I know your name?" Sabi ng isang lalaking itinulak ng kasama niya papunta sa akin. This guy has deep sets of dimples. It suits him.

"I'm Sha-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang akong hinila ni Vene sa loob. Akala ko ba nauna na siya?

"Could you please stop telling those strangers kung sino ka? Are you out of your mind? Akala mo ba isa ka lang ordinaryong tao sa Pilipinas? Milford ka! My goodness!"mahabang sermon niya sa akin bago sumalampak ng upo sa kulay gray na 3 seater sofa ni Dr. James. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa harap nila.

"Can you please control your emotion Venedict! It's not good for your health! At ikaw naman babae ka, pwede ba kung stressor ka ni Venedict layuan mo siya!"sigaw sa akin ng babaeng matangkad, maganda, chinita at mahaba ang buhok. I guess this is Dra. Patricia. Pero diko nalang siya pianatulan. Inirapan ko nalang ito.

"Pwede ba kung magsisigaw-sigaw lang din kayo ay sa labas nalang kayo ng ospital! Di niyo na nirespeto ang may-ari! Andito ako oh, sa harap niyo! Gwapo lang na naka-upo!" Sabat ni Dr. James na kahit sobrang presko ay bakas naman ang pagka-inis.

"Shut your mouth James! Give me my tumbler. Venedict needs to drink his meds."turan pa nito at nagsimula ng magkalikot sa kaniyang bag.

"At nang-utos pa nga. Pasalamat ka ate kita" tugon ni Dr. James at sinunod naman ang inutos rito.

MR.SHEWhere stories live. Discover now