CHAPTER 9

12 2 0
                                    

NOTE: ERRORS AHEAD

"Puta dude! Nababasted pala ang ganiyang kakapal na mukha?haha?" Tanong ni James kay Chase na ngayon ay pikon na pikon na at di makatingin sa kaibigan kong mukhang naiilang na din.

"Tumigil ka nga diyan James kung makapag salita ka parang di iniistalk ang isa diyan sa social media accounts nito ah!" Tinakpan naman ni James ang bibig ni Chase tatawa-tawa naman kaming nakikinig sa kanila.

"Naku, pag gipit talaga ang tao sa buking kumakapit!" Sabat ni Kent, panggagatong sa mga kaibigang nag-aasaran.

"Sino kaya diyan ang nang-iwan nong grade 3 pa sila tapos ngayon di naka-move on? O ano? Tikom bibig natin dude?"Pang-aasar ni James, tatawa-tawa naman si Chase at tikom lang ang bibig ni Vene si Dra. naman ay sumasabay sa tawanan pati ang mga kaibigan ko.

Tinapunan naman ako ng masamang tingin ni Kent. Kaya ba galit na galit siya sa akin dahil doon? Diyos ko naman, sineryoso niya yon?

"May past pala kayong lahat? Ako lang pala at itong si Venedict ang walang past" ngiti-ngiting sabi ni Dra.

"Naku hindi mo kami maloloko Pamelita, anong walang past-past ka diyan. Diba nga patay na patay ka kay Venedict pero naka-ilang beses ka nang nareject haha. Kawawang Pamelita."gatong naman ni Kent. Pigil namin ang aming tawa habang seryoso naman si Vene sa kakatingin sa akin. Problema nito. When I look at Dra. ay nagblush na ito. At mukhang sasabog na dahil kay Kent.

"Isang malaking Putangina ka Kent Rivas! Ilang beses ko bang itatatak sa UTAK mo na PATRICIA ang pangalan ko at hindi Pa...pa ewan!" Naluluhang pagtutol ni Dra.

Di na namin napigilan ang tawa at sumabog na ang tawa naming lahat even Vene chuckled while looking at me. Agad niya namang hinawakan ang pang-ibabang labi nito while looking at me with his signature lazy looking eyes.

"Ahh..pasensya na kayo pero, saan namin pwedeng ilagay ang mga gamit namin? Medyo mabigat-bigat din kasi ang mga dala namin" sabat ni Aeijan na nagpahupa sa tawanan namin.

"Yeah, right. Doon sa Gray na tent ang sa inyo girls. Pero pang dalawahan lang ang tent eh, I suggest na isa sa inyo ay kasama ni Ate Patricia sa tent niya." James

Nagkatinginan kaming tatlo, at sa tinginan palang ay alam na namin sa isa't isa na ayaw naming maghiwalay.

"It's okay kung ayaw niyo talagang maghiwalay tatlo, pwede namang sa tent nalang ako ni Venedict matulog." PATRICIA said, nakakawalang galang!

"At isa pa sanay narin naman akong katabi si Venedict matulog."she said at isinabit ang braso sa braso ni Vene.

"SANAY?" agad kung sabi napatingin naman ang lahat sa akin. Vene look at me with an amused look tila ngayon lang ako nakitang gulat. While the others chuckled.

"Ehem, babe why sound so shock? Diba marami ka ring katabing guys sa States?" Sabat ni Cresia with a smirk smile.

"What?!" Now Vene look mad. Problema nito.

"Sige na Venedict, doon na ako sa tent mo magututulog please." Tusukin ko mata ng Doktor na 'to.

"Okay" yon lang ang sinabi ni Vene at umalis na. Magpo-protesta pa sana ako pero hinawakan ni Aeijan ang braso ko.

"BGF, let's just prepare our things para makapag pahinga si Cresia"tumango naman ako at nagpadala na sa hatak ni Aeijan patungo sa tent na tutuloyan nila. Ako naman ay sa tent ni Patricia.

Huminga ako ng malalim pero paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang sinabi ni Patricia.
"AT ISA PA SANAY NA RIN NAMAN AKONG KATABI SI VENEDICT MATULOG". Ahhh...bakit ko ba pinoproblema yon? Bakit ba parang nasasaktan ako pag naiisip ko yon?

MR.SHEWhere stories live. Discover now