Dahil nga one week si Listee na magsisilbing KAMAY ko kuno ay nagplano kami ng mga bagay na gagawin namin sa loob ng isang linggo. Nagulat nga ako kasi wala talaga siyang pinagkaka-abalahan sa buhay niya.
Sa unang gabi na sa condo siya ay hindi kami natulog. Nanuod lang kami ng cartoons tapos tinuruan ko siyang mag make up. I also taught him how to dress. Sobrang nakakahiya kasi kung paano siya magsuot ng damit pambabae.
At siya naman ay pinagluto ako, lahat ng iniutos ko ay sinusunod niya. Nagrereklamo na nga siya dahil nagmumukha na daw siyang yaya.
"Anong gagawin natin dito beh? Magmununi-muni? Sad girl ka na ngayon beh?"naiinis nitong turan sa akin habang pinipitas yung mga bulaklak sa may mini garden ng Rivera Units. Nasa plano namin kasi na gumala sa kahit saang garden. Pero, tinatamad akong mag bihis kaya dito ko nalang siya niyaya.
"Gaga ka bakla! Tinatamad lang akong magbihis, dito na lang tayo. Fresh naman hangin dito diba? At tigilan mo nga ang pagpitas ng mga bulaklak diyan!"
"Ang boring kasi dito beh! Ano ka ba! Anong gagawin ko rito sabayan ka sa pagka-lutang mo? Magpapaka-sad girl na rin ba ako? Di ko yan peg beh!"asik nito at umupo sa gilid ng pool saka nilublob ang paa dito.
Ngiti-ngiti naman siyang parang baliw. Anong nasa isip nito? Kaya naman dahil sa kapilyuhan ko ay may pumasok sa isip ko. Nilapitan ko siya at tinulak sa pool. Tawa naman ako ng tawa habang siya ay galit na ngayon na nakatitig sa akin.
"Bat mo ako tinulak beh? Nababaliw ka na ba? Alam mo namang wala akong ligo ng dalawang araw kasi ang lamig ng panahon!"turan nito habang umaahon sa pool. Nilalamig daw kasi siya kaya di pa siya naliligo. Shit! Nakalimutan ko!
"Sorry Listee"at nag peace sign ako. Nagsimula naman siyang maglakad patungong elevator na naka kunot ang noo at naka-cross arm.
"Bakla sorry na oh."sabi ko at bahagya ko siyang tinusok sa may tagiliran ng makapasok na kami ng elevator. Hindi parin siya umiimik at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Bigla siyang umubo ng umubo! Naku lagot!
"Listee okay ka lang?"nag aalalang tanong ko pero di siya sumagot. Bagkus ay nauna itong lumabas dahil bumukas na ang elevator. Ano ba tong nagawa ko? Nakokonsenysa na talaga ako.
"Bakla, ayos ka lang ba? Sumagot ka naman. Nag-aalala na ako."sabi ko habang sumusunod parin sa kaniya.
"A-ayos lang naman ako. Buksan mo nalang ang unit mo beh, nilalamig na ako eh."sabi nito sabay yakap sa kaniyang katawan. Sinunod ko naman ito dahil nag-aalala na rin ako sa kaniya. Bigla kasi siyang nagseryoso, hindi ako sanay.
Dumiretso naman siya agad sa isang kwarto na inilaan ko sa kaniya. Ako naman ay sumalampak lang ng upo sa sofa.
When afternoon came, naalimpungatan nalang ako ng makarinig ako ng may nabasag sa kwarto ni Listee at narinig kong nagsisigaw siya na parang may iniinda. Kaya naman dali-dali ko itong kinatok.
"Listee? Are you okay?" Ngunit di parin siya sumasagot at tumigil naman ang tunog ng parang basag na mga gamit.
I went back to sit on the sofa, while sobrang nag-aalala. Ano bang nangyayari sa baklang yon? Is he okay? Medyo natatakot narin ako sa mga ideyang pumapasok sa isip ko na baka nagpa-practice siya para patayin ako. Para mabura ang mga iniisip ko ay pumunta muna akong dining room para makakain ng lunch.
As I seat on the chair, at simulan na sanang kumain ay bumukas ang pinto ng kwarto ni Listee at pumunta ito sa kinaroroonan ko. Umupo siya sa harapan ko na pawis na pawis at namumutla. Ano ba pinagagawa nito sa kwarto niya? Itinigil ko ang pagkain at kina-usap siya.
"Listee..."akward kong tawag sa kaniya, nahihiya kasi aking itanong yung nasa isip ko. I maybe straight forward pero may limitasyon naman ako.
Tumingin naman siya sa akin with an intense look. That look, it reminds me of Vene. Hindi naman pwedeng si Vene to diba?
YOU ARE READING
MR.SHE
Science FictionSYNOPSIS: THERE WAS THIS BOY WHO HID FROM HIS FAMILY IN ORDER TO HAVE HIS FREEDOM. THERE WAS THIS GIRL WHO RUN AWAY FROM HER FAMILY TO REFUSE HER OBLIGATION AND TO PROVE TO HER FAMILY THAT SHE CAN BE INDEPENDENT. AND THERE WAS THIS ANOTHER BOY WHO E...