Chapter 2

36 2 0
                                    

(Tyler's POV)

May class na naman. Ayaw ko talagang gumigising ng maaga, gusto ko pa ulit matulog. Hayy

Dating gawi. Ligo, bihis, kain, toothbrush, ayos ng buhok, text text habang hinihintay service.

Mga 10 minutes ay dumating na service ko.

As always naman, wala pa din akong kibo.

Bigla naman kaming huminto. Oo nga pala, ka-service ko na sina ate Rachel.

Agad ko namang binuksan yung pinto para makapasok na sila agad.

"Good Morning" bati ni ate Rachel. Nginitian ko lang siya.

9 minutes later, nakarating na kami sa school.

Nauna na ako sa kanila. Wala naman akong paki sa kanila eh.

"Tyler! Wait!" alam ko na kung sino yun kahit hindi na ako lumingin. Kung wari wala akong narinig.

"Uy, sabi ko sayo, wait mo ko eh" napa-hinto ako dahil hinawakan niya yung likod ng uniform ko.

"Chel!" napatingin kaming dalawa dun sa sumigaw. Agad naman niyang binitawan yung pagkakahawak niya sa uniform ko at humarap ng tuluyan dun sa babae.

"Iwan ko na" -isip ko.

Naglakad na ako, sa hindi ko inaasahan. Nasalubong ko yung crush ko at nagkatinginan kaming dalawa at bigla siya nag-smile.

Kaya nung naka-punta na ako sa classroom namin, para akong baliw dahil ngiti ng ngiti.

"Ganda ata nung umaga mo ha" baling ng atensyon sakin ni Jaylin.

"Hahaha. Syempre" sabi ko naman.

"Bakit?"

"Nakita ko crush ko"

"Hahaha. Mukha kang baliw" nandito na pala si Jerome.

"Wag mo nga siyang ginaganyan" pagtatanggol sakin ni Jaylin.

Pinuntahan na namin yung barkada at nakipag-kwentuhan na.

"Goodbye and Thank you Ms. Dela Vega" sabay sabay naming sabi ng mga classmates ko.

"Tara! Recess!" sigaw ni Leo.

"Geh!" Rain

Pumunta na kami sa canteen at bumili na ng pagkain, at naghanap na din ng upuan.

"Grabe, nakakainis talaga yang Math na yan" naiinis na sabi ni Xayn.

"Oo nga eh. Nuko! Ilan kaya ako dun sa quiz" hirit ni Leo.

"Bakit kasi may Math subject pa? Nakakamurit!" nagtawanan kami sa sinabi ni Xayn.

"Ty, crush mo oh" bulong ni Jaylin, tinignan ko naman kung saan yung tinuturo niya.

Nandun nga siya... pero kailan pa sila naging close ni ate Rachel?

Napatingin naman si ate Rachel sakin at nag-wink.

Sometimes was bothering me. Ewan ko kung ano.

Oh well. Tinuloy na lang namin yung pag-uusap hanggang sa mag-bell.

"Ano kasing next subject natin nyan?" tanong ng seatmate ko na si Pie.

"Filipino" sagot ko naman.

"Tas?"

"Conputer"

"Ah. Thanks" ngumiti lang ako as response.

Dumating na yung teacher namin at grineet na namin siya.

"Sa araw na 'to, magkakaroon kayo ng role play (agad naman kaming nag-react dahil medyo ayaw namin ng role play role play na yan) project niyo na yan this quarter. So ang role play na ito ay about love dahil february. Sa Next next, teusday kayo magpe-perform sa ground floor, so mahaba ang time niyo para magpractice. Ilan ba kayo sa class?"

"30 po" sagot ng mayor namin.

"So each group, magkakaroon ng sampong member. Now mag bilang kayo ng one to three" nagbilang na kami ng one to three.

"Group one, tayo" tumayo naman sila.

"Jessy, ikaw yung magiging leader. Umupo na kayo"

"Group two"

"Dency, leader ka. Upo"

"Group three" pati ako tumayo.

"Gail, ikaw yung leader. Maupo na"

"Sa lahat ng leader, isulat niyo sa 1/4 yung mga members niyo and ipass niyo sakin. Marami pa tayong time. Wala pala si Mr. Nicolas, so 2 hours ang filipino niyo, ang gagawin niyo lang ay magpa-practice"

"Group three, dito tayo" sabi ni Gail.

"So anong gagawin natin?" tanong ko.

"Hmmm... About sa babaeng pinipigilan niya yung nararamdaman niya sa bestfriend niya tas naghanap siya ng lalaki para makalimutan niya yung nararamdaman niya sa bestfriend. Eh yung bestfriend naman niya mahal din siya. So yung huli, masasagasaan yung babaeng bestfriend niya pero niligtas siya ng bestfriend niya kaya, yung bestfriend niya yung nasagasaan at yun din yung pagco-confess nila sa feeling nila" ah. Maganda din naman pala eh.

"So mamamatay yung lalaking bestfriend?" tanong ni Steve.

"Hmm. Ewan ko, yung confession kasi yung ending eh" -Gail.

"Ah, so sino yung mga cast?" tanong ko.

Maysinulat muna siya.

"Ikaw Tyler, ikaw yung bestfriend, Steve, ikaw yung lalaking pinag-substitute, Ako naman yung magiging girlfriend ni Tyler, Ian ikaw yung makakasagasa kay Tyler, Felix and Rain, kayong dalawa ang magiging kaibigan ni Tyler, Natalie, ikaw yung bestfriend ni Steve at ---" inunahan ko na si Gail.

"Si Kelly yung bestfriend ko?!" hindi pwede to, magiging awkward kami nyan.

"Yep" nagka-tinginan kami ni Kelly pero mabilis lang yun dahil agad naming inuwas tingin namin.

"Kayong dalawa naman ang bahala sa pagsara at pag-bukas ng kortina" sabi ni Gail kina Paulo and Erick.

"Ako ng bahala sa script natin" -Gail.

At the right timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon