(Tyler's POV)
Uwian na naman. Sasakay na naman ako sa service, to be honest, hindi man ako kumikibo sa service namin. Uso sakin yung word na ALONE. Kasi lagi naman ako mag-isa sa service at walang kausap, tahimik lang ako pero kapag sa loob na nung school maingay ako dahil nandun yung mga friends ko. Hindi kami sikat ng mga kabarkada ko.
"Geh, bye na" paalam ko sa mga friends ko. Nandyan na kasi yung service ko.
"Ty, dun ka nalang sa pangalawang likod, may uupo pa dyan" sabi nung driver.
Sino naman? Eh, nandito na lahat ng mga ka-service ko ah, pero, bakit nandito yung grade 7? Eh hindi ko naman to ka-service ha.
"Ah. Ilan po ba yung uupo dito?" sabay turo ko dun sa uupuan ko, yung grade 7 lang naman yung naka-upo eh.
"Isa lang" isa lang pala, papa-alisin pa ako dito sa inuupuan ko.
"Dito nalang po ako, ayaw ko ng lumipat" malaki naman yung space eh.
Mga ilang minuto pa ay may dumating.
"Sorry po, nahuli ako" sabi nung babae. If I'm not mistaken, grade 9 siya. Kapatid niya 'tong katabi kong grade 7.
Agad akong umalis sa inuupuan ko. Umupo naman siya, katabi yung kapatid niya tas umupu na din ulit ako sa tabi niya.
Ano kasing pangalan nito? Hmmmm... Rachel ata yun... Ang alam ko, nakalaban namin sila sa badminton, yung doubles tas kasangga niya nun ay si Kuya Niel.
Sinarado ko na yung pinto nung van at dating gawi, hindi na naman ako kikibo.
Yung mga ka-service ko naman ay ang ingay-ingay, nagkuwentuhan, tas yung iba pinipilit na pumunta sa Mcdo, pumayag naman yung driver kaya ngayon, mas lagong tatagal ang hindi ko pag-kibo.
Hayyy. Nakaka-boring naman.
"Psst" dinig ko. Hindi ako tumingin dahil alam ko naman na hindi ako yung tinatawag.
"Pssst" ulit pa nung nagsalita. Nakatingin lang ako sa bintana at pinag-mamasdan yung mga tao tsaka yung mga tanawin, minsan naman ay yung mga ulap.
Habang nakatingin ako sa labas, may biglang kumalbit sakin. Tumingin naman ako, si ate Rachel pala.
"Diba kasama ka dun sa badminton doubles nung intrams?" tumango na lang ako. Hindi kasi ako sanay na magsalita sa service eh.
"Kinabahan ka ba nun?" tinignan ko siya ng "saan look".
"Nung nakikipag-laban ka" nakangiti niyang sabi.
"Medyo po" tipid na sagot ko.
"Ang tipid mo namang sumagot" ngumiti lang ako at tumingin ulit sa labas.
Isipin ko na lang yung crush ko si Zariyah. Grade 7 din siya. Classmate ng kapatid ni ate Rachel.
"Bakit pala kayo natalo samin?" napatingin ulit ako sa kanya.
"Kasi po hindi ako sanay na maraming nanunood samin habang naglalaro" mas kinakabahan kasi ako kapag marami nanunood samin, finals na kasi nun kaya madami yung mga taong nanunuod.
"Ah" Si ate Rachel at kuya Niel kasi yung champion tas 1st runner-up kami ni Lien tas 2nd runner-up naman yung forth year.
Huminto na yung van at nasa Mcdo na kami.
Binuksan ko na yung pinto at pina-una ko muna sina ate Rachel at inusog na yung chair ko para maka-labas yung iba kong ka-service.
Nauna akong pumasok sa Mcdo, bibili na ako at mag-hahanap na ng place ko.
BINABASA MO ANG
At the right time
RomansaKung mahal mo talaga ang isang tao, gagawin at gagawin mo ang lahat para lang magkita kayo ulit. Gagawin mo ang lahat para lang mapasaya siya.