(Rachel's POV)
Nagising nalang ako ng marinig ko yung alarm ng cp ko.
"6 am pa pala" isip ko.
"Good Morning, Chel" bati ng kaibigan ko.
"Morning" walang ganang bati ko.
Naalala ko na naman yung nangyari nung sunday, parang gusto ko na namang umiyak. Pero ayaw ko na, pagod na pagod na kong umiyak.
Nung kasing natapos yung gabing yun, iyak na ako ng iyak tsaka hindi ko mafocus yung isip ko sa pagdi-discuss ng prof namin. Lagi nalang akong wala sa sarili.
"Ang bitter mo! Hindi porke wala kang lovelife ngayong Valentine's eh bitter ka na din sa mga friends mo. Pare-parehas lang din tayong walang lovelife noh" malungkot na sabi ni Jenny.
"Oo nga naman, Chel. Hayaan mo, tayong apat nalang nina Micka yung magde-date mamaya" nakangiting sabi ni Cassy.
Napangiti naman ako sa mga kaibigan ko, lagi silang nandito sa tabi ko kapag kailangan ko sila.
Mga ilangang minuto pa ay may biglang kumatok sa pinto.
Binuksan to ni Jenny at iniluwa yung nito si Micka.
"O? Ang aga aga pa ah. Bat nandito ka na?" Oo nga, ang aga aga pa eh, ang alam ko mga 6:45 siya pumupunta dito.
"Mga bakla!" Kinikilig na sabi nito.
"Hoy Micko! Hindi kami bakla nohh, ikaw lang kaya ang bakla samin" mataray na sabi ni Cassy.
"Ayy, okay fine. Hmmm... Ang pinunta ko lang naman dito ay si Jenny at ikaw eh" at hindi ako sinama?
"Oh. Eh pano naman ako?" nagda-dramang sabi ko.
"Ay nako! Mamaya ka na. Maligo kana. Ikaw nalang yung hindi pa naliligo ohh. Naaamoy na kita" Abat ng! Ito talagang baklang to oh.
Ay teka nga! Bat ang aga atang naligo nina Cassy?
Hayy never mind. Makaligo na nga.
•••••
"San ba tayo pupunta ha" inis na sabi ko kina Cassy.
Hinihila kasi nila ako eh, ni hindi man nila sinabi kung san kami pupunta.
"Basta sis" sabi ni Jenny.
Napadpad kami ngayon dito sa garden ng school.
"Chel, wait ka lang dito ha. May kukunin lang kami" ngingiti ngiting paalam ni Cassy at umalis na sila.
Hayyy, iniwan nila ako, pwede naman kasi nilang kunin yun kanina eh, bago nila ako dalin dito.
Umupo muna ako dun sa bench.
Ang ganda talaga dito sa garden.
"Oh My. Bakit ngayon pa umulan?" sabi ko.
Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko ng may nagpayong sakin.
Pinaka-tignan ko kung sino.
"Anong ginagawa niya dito?" -isip ko
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya. Hindi ko inaasahan na tatango ako.
Umupo siya sa tabi ko.
"Sorry" naka-yuko niyang sabi "Sorry sa lahat ng ginawa ko, akala ko kasi gumagawa ka lang ng dahilan. Hindi ko sinasadyang gawin at sabihin lahat ng mga nagawa at nasabi ko. Sorry dahil hindi muna kita hinayaang mag-explain. (This time, umiiyak na siya) Sorry dahil iniwan kita noon ng hindi manlang nagpapaalam. Kaya ako umalis ng walang paalam o pasabi man lang dahil nasaktan ako, nasaktan ako dahil akala ko na kayo na ni Gelo, akala ko sinagot mo na siya. Nung day na yun, dapat, sasabihin ko na sayo na gusto kita kaso lang ayun nga, kala ko sinagot mo na siya" umiiyak pa din siya, alam ko dahil nakikita ko yung patak ng luha niya kahit na nakayuko siya tsaka medyo basa na din yung pants niya.
"Sorry dahil nasaktan kita, nasaktan ko feelings mo. Sorry dahil---" hindi ko na siya pinatuloy dahil agad kong hinarap yung mukha niya sa mukha ko at hinalikan siya.
Hinalikan naman niya ako pabalik.
Humiwalay na kami sa paghahalikan.
"Isang sorry , okay na. Hindi mo kailangang magsorry ng maraming beses. Kung sincere ka na dun sa isa, okay na yun" nakangiti kong sabi sabay punas ng luha niya.
"I love you, Rachel" sabay hug niya sakin.
"I love you too, Tyler"
"AYIEEEE!!!" napatingin naman agad ako dun sa mga sumigaw.
"Nagpatulong ako sa kanila na dalhin ka dito"
"Tara" napabitaw naman ako sa pagkakayakap.
"San naman tayo pupunta?" takang tanong ko.
"Basta, halika na" agad naman niya akong hinila. Wala na siyang paki sa ulan ha.
Masaya kaming sumugod sa ulan kahit hindi ko alam kung san kami pupunta, masaya na ako dahil magkasama na kami ngayon and I promise that I will never ever let him go...again
~TheEnd~
Sorry guys kung lame ha...
BINABASA MO ANG
At the right time
RomanceKung mahal mo talaga ang isang tao, gagawin at gagawin mo ang lahat para lang magkita kayo ulit. Gagawin mo ang lahat para lang mapasaya siya.