Chapter 3

21 2 0
                                    

(Tyler's POV)

Uwian na. Hayy, nakakabwisit, bakit sa dinami-dami ng pwedeng maging bestfriend ako pa. Pwede namang ako yung friend.

"Dude, ayos ka lang?" tanong ni Leo.

"Yeah" wala talaga akong gana ngayon. Tsk.

"Sige guys, una na ko" hindi ko na sila hinantay magsalita dahil agad na akong umalis papunta sa service. Gusto ko munang mapag-isa.

Mali pala ako, meron na din palang tao.

"Uy" masaya niyang bati.

"Hello?" sabay kaway niya malapit sa mukha ko, tinignan ko naman siya.

"Ate, pwede bang wag mo muna ako kausapin?"

"Bakit naman? May nagawa ba akong masama? Masama ba kung nakikipag-close ako kay Zariyah dahil alam ko na gusto mo siya?" what?! Pano niya nakilala yung crush ko?

"A-ah. A-ate, pano mo nalaman na gusto ko siya?"

"Kanina kayang umaga, iniwan moko. So sinundan kita papunta sa classroom mo. Tatawagin sana kita eh, kaso ngingiti-ngiti ka na parang may nangyari, so inisip ko muna kung bakit tas naalala ko na nasalubong mo si Zariyah. Siya lang kasi yung nasalubong mo eh"

"Ate, wag kang maingay. Secret lang natin yang nalaman mo ha"

"Okay ikaw bahala. Hmmm. So para sa kanya yung song na ginawa mo?" tumango lang ako.

"Ayieee!" sigaw niya. Agad ko namang tinakpan yung bibig niya.

"Shhh"

•••••

Mga 2 weeks na din kaming nag-uusap ni ate Rachel. Close na nga kami eh tsaka minsan magkasama yung mga barkada namin.

Oo nga pala, medyo close na din kami ni Zariyah dahil kay ate Rachel. Hmm. Iba na yung feelings ko kay Zariyah eh, para bang hmm... ewan, di ko masabi pero parang hindi ko na siya gusto. Ay basta

Today na pala yung role play namin. Medyo okay na ko dahil sa sinabi ni ate Rachel.

"Hey hey! Ready na ba kayo?" tanong ni Gail.

"Yes" sabay sabay naming sabi with salute pa.

"Tayo na nyan katapos nila" by the way, marami ding nanunood, yung mga grade 7, yung section ni Zariyah, yung mga ka-batch naming grade 8 tas pati yung grade 9 pero hindi sina ate Rachel.

(Rachel's POV)

Nanunuod ako ngayon ng role play nina Tyler, nag-excuse ako sa teacher ko na sa clinic muna ako magi-stay kasi hindi maganda pakiramdam ko, pero ang totoo, manunuod lang ako.

Wow! His like a pro. Nakaka-amaze talaga 'tong lalaking 'to. Marami siyang talent na hindi pinapa-kita.

This time umiiyak na yung babae, nasagasaan kasi si Tyler, niligtas niya yung babae eh.

"Tyler, b-bakit mo ko niligtas?" umiiyak na tanong nung babae.

"Ha-ha-ha. Ang t-tanga mo talaga b-bestfriend" natatawa at nanghihina niyang sabi sabay pisil ng pisngi nung babae " N-natural bestfriend k-kita at higit sa l-lahat, mahal kita" sabay punas niya ng luha nung babae.

Grabe, nakaka-iyak 'tong role play nila.

"Mahal din kita, simula palang nung nakita kita, gusto na kita, kaya nga lahi kitang kinaka-usap" hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak yung babae.

"Im g-glad that you feel the same" eiiii, naiiyak na ko.

"Tyler, wag mo akong iiwan ha"

"Basta ikaw, malakas ka sakin eh, kaya please wag ka ng umiyak. L-love you"

At the right timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon