(Tyler's POV)
Nung Sunday, kahapon, napag-isip isip ko na din yung feelings ko kay ate Rachel. Oo positive, gusto ko nga siya. Kaya ngayon ready na akong aminin yung nararamdaman ko para sa kanya.
Naglalakad ako ngayon papuntang classroom nila para sabihin yung nararamdaman ko.
"Bakit parang andaming tao?" -isip ko.
"Rachel, 8 months na akong nanliligaw sayo, so ngayon pwede ko na bang malaman ang sagot mo?" tinignan ko naman kung sino yung nagsasalita.
Si Gelo at... bigla siyang lumuhod.
"Rachel, will you be my girlfriend?" nakangiti niyang sabi.
"Please wag, wag kang papayag" -isip ko
Okay lang kung tawagin niyo akong selfish pero gusto ko rin siya eh.
"Yes" that word broke my heart.
Bakit? Bakit niya siya sinagot? Diba ako yung mahal niya? Pero bakit siya?
Agad na akong umalis dahil hindi ko na kaya, baka dun pa tumulo yung mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Pumunta ako sa may upuan, hindi ko inaasahan na...
Bakit ngayon pa? Ngayon pa umulan?
Sa bagay, mas okay na 'to, hindi nila makikita na umiiyak ako.
"Tyler!" sigaw ng isang babae.
"Oh ate Rachel, anong ginagawa mo dito? Baka magka-sakit ka nyan"
"Ang sabihin mo, baka ikaw yung magka-sakit, ang lakas ng ulan tas naka-upo ka lang dito sa bench, imbis na sumilong ka. Tara na nga" hihilain niya sana ako kaso agad kong tinanggal yung kamay ko.
"Mauna kana, pupunta muna ako sa clinic" sabay walk out ko.
Hindi naman talaga ako pupunta ng clinic, tatawagan ko lang sina Mommy ko.
"Hello Ma" sabi ko sa kabilang linya.
"Ano anak? Payag ka na?"
"Opo, kailan po ba?" tanong ko. Dapat kasi hindi ako sasama kina Mommy papuntang America dahil baka maging kami pa ni ate Rachel, siya lang naman yung dahilan ko para hindi pumunta sa America pero ngayon, wala na.
"Actually, bukas na yung flight namin, aayusin na lang namin yung sayo para makasabay ka na samin"
"Ah. Sige po. Bye" tas inend call ko na.
"Goodbye ate Rachel. I love you" bulong ko.
(EndOfFlashback)
"Yan ang story nung song na "Oh Baby I". Ngayon ko lang naikwento sayo 'to dahil nasa Pilipinas tayo" nung pumunta ako sa ibang bansa, naging maganda naman yung buhay ko dun.
Nang dahil sa sinabi ni ate Rachel na dapat pinapakita ko tung mga talents ko, sumikat ako. Sikat na sikat na singer at actor.
it's been 5 years narin pero hindi ko pa makalimutan si ate Rachel.
"Ah. Kaya pala wala ka pang nagiging girlfriend. Kala ko nga nun bakla ka eh. So mahal mo parin ba siya?" tanong ni Xyza.
"Yeah" sagot ko nalang.
Ni minsan, hindi ko siya nakalimutan.
Lagi akong ginugulo ng isip ko, tinatanong kung... Sila pa ba ni Gelo. Meron na kaya siyang bago at kumusta na kaya siya.
"Ah" yan lang ang nasabi niya.
"Geh. Punta na ako sa stage"
Oo nga pala, kakantahin ko nyan yung Oh Baby I. Everytime na may concert ako naghahanap yung mga kasama ko ng babaeng pwede kong maka-duet sa pagkanta ng Oh Baby I, mamimili sila sa mga audience tas kung sino man yung pipiliin nila, binibigyan ko ng flowers with letter on it para yun na yung thank you dahil pumayag yung babae na maka-duet ko.
BINABASA MO ANG
At the right time
RomanceKung mahal mo talaga ang isang tao, gagawin at gagawin mo ang lahat para lang magkita kayo ulit. Gagawin mo ang lahat para lang mapasaya siya.