Chapter 4

30 2 0
                                    

(Tyler's POV)

Saturday ngayon so ibig sabihin ngayon na yung party.

Hayyy, wala na talaga akong ma-isip na pwedeng ilagay sa song, hanggang dun nalang ata talaga ako, dun sa natapos ko nung monday.

By the way, ewan ko kung good news 'to o bad. Hmm... I think may nararamdaman ako kay ate Rachel pero hindi ko pa sure kasi naman kapag kasama niya yung manliligaw niya, para akong nasasaktan tas naiinis.

Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon. Kasi naman, naiinis na talaga ako dahil sobrang sweet na nila tas dumagdag pa yung isa kong classmate na iniinis ako, I'm not in a mood pa nun so ayun, sinuntok ko tas nagsuntukan na kami. Buti nalang at siya yung napagalitan, sabi ko kasi, naiinis na talaga ako sa kanya lagi kasi siyang nangbu-bully, buti ay nakalusot.

Ligo na muna ako.

"Ya, paki tawag po si kuya Ben" sabi ko sa yaya namin nung matapos na akong maligo.

"Ah. Osige po"

•••••

Nasa labas na ako ngayon ng bahay nina ate Rachel.

Makapag-door bell na nga.

Mga ilang seconds lang ay may bumukas na ng gate.

"Ready na po ba si ate Rachel?" tanong ko dun sa nagbukas ng gate.

"Ah. Tawagin ko lang po"

Hayyy, ang tagal naman. Naiinip nako. Mga ilang minutes na din akong naghihintay dito sa labas, ni hindi man ako pinapasok tas hindi bumalik yung babae kanina, maid ata nila yun eh.

"Tyler!" hindi ako tumingin. Nuko! Ang tagal niya kaya akong pinaghintay sa labas, ang lamig pa naman.

"Uyy" sabay kaway malapit sa mukha ko.

"Ang tagal---Wow" napanganga nalang ako. Grabe! Ang ganda niya, siya na ata ang pinaka-magandang nakita ko.

"Oi, bibig mo, sara mo, baka may pumasok na insekto dyan" natatawa niyang sabi niya.

Agad ko namang sinara bibig ko. Nakakahiya.

Gusto kong sabihin na maganda siya kaso lang nahihiya ako.

"So tara na?" tumango naman siya.

•••••

(Tyler's POV)

May naisip na naman akong lyric, buti nalang at dinala ko yung paper pati yung pencil.

Tinignan ko naman si ate Rachel, mukhang bored na siya, nakatingin lang kasi siya dun sa mga sumasayaw.

"Hmmm. Ate. Hmm." nakatingin lang siya sakin. Pano ko ba 'to sasabihin.

"Gusto mo bang sumayaw?"

"Kala ko hindi ka na magtatanong" nakangiti niyang sabi.

Nilahad ko sa kanya yung kamay ko at inabot naman niya 'to.

Nung pagka-punta namin sa dance floor. Bigla namang tumugtog yung love song.

Hayy, wala akong nagawa kung hindi ilagay yung dalawa kong kamay sa waist niya. Medyo nakakahiya 'to.

"Tyler, alam mo ang dami mong talent pero hindi mo lang pinapakita. Bakit?" seryoso na tanong niya.

"Hmmm" bakit out of nowhere tong tanong niya? Hindi tuloy ako ready. Tsk "Kasi naman nakakahiya eh. Tsaka pano niyo po nasabi na marami akong talent?"

"Ah. Kasi ano. Hmmm. Feel ko lang"

"Ah"

"Alam mo, kung ako sayo, ipakita mo yang mga talents mo, sayang naman kung hindi mo magagamit at walang makakakita"

Mga ilang minutes na din kaming sumasayaw so we decided na umupo na.

"Uy, tara labas tayo" sabi ni ate Rachel.

"Huh? San naman tayo pupunta?" saan nga ba?

"Basta" tas bigla niya akong hinili basta. Hayy.

"Wow" ang ganda dito ha, meron palang ganito dito.

"Yan ka na naman. Bibig mo" agad ko naman sinara. Bakit everytime na naa-amaze ako, laging akong napapa-nganga.

Garden ata 'to eh, grabe sobrang ganda, hindi ko tuloy ma-explain. Basta may pond tas meron christmas light tas mga flowers.

"Tara, upo tayo dun" at ayun, hinila na naman ako.

"Pwede mo bang kantahin yung ginagawa mong song kanina?"

"H-huh?"

"Yung song. Dali na, diba close friends naman tayo" medyo may kumirot ng konti sa puso ko pero konti lang naman.

"Okay. Okay" huminga muna akong ng malalim "Oh. Baby I think that I'm falling inlove with you. Give you my heart and come in to my life. You are the one. Yeah. Now stay with me, gazed at me, our love will go on forever. Everything your looking to my eyes, feeling so good to have you by my side. Yeah, when you give me a smile. My heart is out of control. Yeah. I want to tell that your so cute tonight, maybe I'm not a prince charming for you. Wanna give you my soul. Do u have the same feelings with me?... hanggang dun pa lang ako, wala na akong maisip eh" kulang pa kasi yan.

"Ah. May naisip na ako, gusto mo duet tayo?" nakangiti niyang tanong.

"Good idea ate" nakangiti kong sabi.

"Sige. I add mo 'to. Ito yung mga lines ko ha... I love the way you call my name oh baby. Everytime I'm close to you I go crazy. Yeah. Always on my mind, I just want to give you my love. Oh baby I think that I'm falling in love with you..." ganda pala ng boses niya.

Inayos na namin yung mga song hanggang sa matapos na kami.

"Tyler, may sasabihin sana ako sayo" bakit parang kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"Ano yun, Ate?"

"Gusto kita, Tyler. Nung una palang kitang nakita, nagustuhan na kita. Ewan ko nga kung bakit. Nung una ginawa ko ay umiwas muna ako sayo pero hindi ko pala dapat ginawa yun, dahil mas lalo akong nahulog sayo pero mas lalo akong nahulog sayo nung naging close na kita. I tried na mawala yung nararamdaman ko sayo pero I failed, dahil satingin ko ay mahal na kita" totoo ba 'tong naririnig ko? "Hindi ko 'to sinasabi sayo para magustuhan mo ako, alam ko naman na may gusto ka ng iba. Alam mo bang mahirap para sakin na paglapitin kayo ni Zariyah? Pero kailangan kong kawin eh dahil yun ang ikakasaya ng taong mahal ko, yun ang ikakasaya mo"

Umiiyak na siya.

"Everytime na magkasama kayo, parang nadudurog yung puso ko. Kaya ang ginawa ko, sumasama ako kay Gelo para kahit papano ay maging masaya naman ako...Please Tyler, after ng conversation na 'to, wag mong pilitin na magustuhan ako, dahil ikakasama ng loob ko yun dahil nga alam ko na naaawa ka lang sakin" hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na gusto ko din siya dahil hindi pa naman ako sure kung gusto ko nga talaga siya.

"Ate..." pinunasan ko yung mga luha niya " Hindi ko---" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil agad niya akong niyakap.

"Tyler, please promise me na hindi ka lalayo sakin. Promise me na hindi magbabago ang tingin mo sakin, after ng cofession ko sayo, let's get back to normal, yung para bang walang nangyari" sana talaga alam ko na kung ano yung feelings ko sayo para hindi ka na nahihirapan.

"Sorry ate" sabi ko sa utak ko.

At the right timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon