Chapter Seven

190 6 0
                                    

Maaga pa lang inayos na ni Kathryn ang mga gamit na dadalhin nya, tinulungan din sya ni Sofia dahil ala'siete pa lang ng umaga nasa kanila na ito.

Kathryn POV:
Nagulat talaga ako ng pag bukas ko ng pinto mukha agad ni Sofia ang nakita ko.

"Good morning Kath!!"

Masayang bati nya na may malapad na ngiti.

"Anong meron?"

Tanong ko sa kanya bago niluwagan ang bukas ng pinto, pumasok naman sya agad.

"Wala lang. Makikikain ako ng breakfast."

Sagot nya naman.
Sinara ko muna ang pinto bago sumunod sa kanya na naupo sa may sofa.
Sakto naman at lumabas mula sa kusina si mama, halos sabay namang bumababa mula sa hagdanan sila papa at kuya.

"O, Sofia. Andito ka pala."

Sabi ni kuya.
Nag smile naman si Sofia sa kanila pag katapos nito bumati ng good morning at humalik sa pisngi ng tatlo at nag mano kay papa.

"Makikikain po kasi ako ng breakfast dito kaya inagahan ko na ang pag punta. Alam ko po kasi na masarap mag luto si tita ninang. "

Sabi nya na kina ngiti ni papa.

"Sakto naman at tapos na rin ako mag luto, kumain na tayo."

Pag aaya ni mama kaya nag punta na kami sa dinning area.
Masaya sana ang naging breakfast namin dahil sa kadaldalan ni Sofia pero naikwento nya rin ang tungkol sa arrange marriage na magaganap.

"You mean, engaged kana sa anak ng mga Loyzaga? How come?"

Gulat na tanong ni papa kay Sofia.

"Because of Dad, Tito ninong. Its purely a Business matter. Gusto nya kasi na lumawak pa ang business na kasama ang mga Loyzaga."

Sagot naman ni Sofia at pilit na ngumiti.

"But how about your happiness, ija?
It's nice to commit your life with someone you love."

Sabi naman ni mama na halatang malungkot dahil sa nalaman.

"My parents doesn't care about me and my feelings tita ninang, ang gusto lang nila ay mapa lawak ang negosyo ng pamilya at kasama na dun ang ipakasal ako sa taong diko kilala."

Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi nya.

"I will talk to your parents about this Sofia. Just because of that stupid business mapipilitan ka nang mag pakasal? What kind of reason is that!?"

Seryosong sabi ni papa, hinawakan naman ni mama ang kamay ni papa para pakalmahin, Halata na kasing medyo galit na ito.

"You don't need to do that Tito Ninong, I'm going to be okay."

Sofia said, trying to hold her tears, tumayo naman si mama at papa para yakapin sya.

"I'f you need our help, don't hesitate to tell us, okay? Parang anak kana rin namin."

Sabi ni mama, tumango naman agad si Sofia at ngumiti.

"Ano ba yan, Pina lungkot ko pa kayo."

Natatawang sabi ni Sof, sabay singhot kaya natawa na din kami.
Bumalik na sa pwesto nila sina mama at papa.
Natapos namin ang almusal ng masaya dahil na rin sa mga kwento ni kuya coco tungkol sa taping nya.
After namin mag almusal umakyat na kami ni Sofia sa kwarto ko.

"Anong oras ka pala Susunduin ni Daniel mamaya?"

Tanong nya at umupo sa kama ko.

"Mga 5 na siguro."

Escort BoyfriendWhere stories live. Discover now