Chapter Thirty

150 12 3
                                    

Daniel POV:
Oras na lang ang bibilangin at babalik na kami sa dati ni Kathryn, pero sisiguraduhin ko na hindi lang dito matatapos ang lahat na nabuo sa pagitan naming dalawa.

"Deej, kung ice cream lang si Kathryn, kanina pa sya natunaw dahil sa titig mo."

Sabi ni Patrick, matapos nya akong mahinang sikohin.
Hindi kasi kami mag katabi ngayon ni Kath, agad kasi sya hinila ni Julia para tumabi sa kanila sa may unahan tapos kami naman ni Patrick ay nandito sa may sulok.

"Lagi naman kayo mag kasama at mag kadikit, but for now samin muna si Kath ha, Daniel."

Sabi pa ni Julia kanina kaya napa tango na lang ako.

"Ano na ba ang plano mo?"

Tanong nya pa bago tumingin sa relo nya.

"You still have... 10 hours bago matapos ang deal nyo. Ano? Dead end na ba?"

Parang showbiz reporter na tanong nya ulit.

"Ang chismoso mo, Pat."

Naiiling na sabi ko kaya natawa sya.

"Fan na kasi ako ng love team nyong dalawa, kaya sabihin mo na sa akin kung ano na ang plano mo."

Tumingin ulit ako kay Kathryn na nakiki pag tawanan sa kanila Julia, napa ngiti ako when she looked at me too and smiled sweetly.

"After this reunion, plano ko ng ligawan sya ng pormal."

Simpleng sagot ko.

"Yun oh! Good thing at naka pag isip kana na ligawan na sya. Base on my observation kasi totoo na ang ipinapakita ninyong sweetness sa isa't-isa umpisa pa lang. Ayaw nyo lang aminin sa mga sarili nyo na totoong nahulog na kayo. Lalo ka na Deej! May pa- Your just imagining things ka pang nalalaman nun, eh! halos ibulsa mo na  nga si Kathryn nung lapitan at kausapin sya nung dalawang tisoy na naka laro natin ng volleyball."

Natatawang sabi ni Patrick kaya pati ako ay natawa na din ng maalala ko yun.
Nag di-deny pa ako nun pero ang totoo bwiset na ako sa dalawang yun na umaligid agad kay Kathryn ng lumayo kami ni Pat sandali para makapag usap.

"Mukhang seryoso ang pinag uusapan nyo ah."

Sabi ni Marco sabay patong ng beer sa mesa namin at naupo.

"O? Bakit may alak? Akala ko ba bawal ang alak ngayon."

Tanong ni Pat.
Tiningnan ko naman sila Kathryn na kasalukuyan ng umiinom na din ng beer.

"Ni' request ni Myrtle eh. Chaka last night na rin naman ng reunion."

Sagot ni Marco at naupo sa tabi ni Patrick.
Bigla nalang naningkit ang mata ko ng may lumapit na dalawang mga lalaki sa pwesto nila Kathryn.

"Hi, your Kathryn right?"

Halata naman na di sila kilala ni Kathryn dahil naka kunot ang noo nya pero tumango parin sya sa tanong ng isa.
Ngumiti ang dalawa kay Kathryn.

"I'm Ricci at sya naman si Joshua. Same University lang tayo."

Sabi ng isa kaya simpleng ngumiti sa kanila si Kathryn.
Napa simangot ako.

Ako lang ang dapat na ngitian nya eh!

'"Actually, kanina ka pa talaga namin tinitingnan kasi you really look familiar at tama nga ako na ikaw nga si Kathryn."

Dagdag na sabi pa nung Ricci.

"Kilala nyo ako?"

Tanong ni Kathryn.
Sabay naman na tumango ang dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Escort BoyfriendWhere stories live. Discover now