Chapter Eight

188 5 0
                                    

Parehong na' shock sina Michelle at Miles.
Kaya napa lakas ang boses nila sa pag sabi ng pangalan ni Kathryn kaya naman nakuha nila ang atensyon ng iba pa nilang classmates noon.

"Ikaw ba talaga yan Kathryn?"
"Ang ganda-ganda mo naman."
"Julia was right, ang laki na ng pinag bago mo."
"Your so pretty."

Ilan lang yan sa mga komento ng mga dati nilang classmates.
Kaya nahiya naman bigla si Kathryn at awkward na ngumiti.
Pag katapos ng kamustahan nag decide na ang lahat na pumunta na sa kani-kanilang room. 
Hinatid naman sila ni Julia sa magiging kwarto nila.

"This will be your room. Pahinga na kayong dalawa."

Sabi ni Julia.

"You too. Pahinga ka na rin. And thank you."

Sabi naman ni Kathryn, bigla naman syang niyakap ulit ni Julia.

"I'm happy to see you now, and I'm glad you made to this reunion, kahit na alam nating hindi maganda ang nangyari noon."

Malumanay nitong sabi bago kumalas sa yakapan nilang dalawa.

"Ano kaba. Okay na yun. It's just part of the past na dapat na nating kalimutan. Cut the drama and let's enjoy this reunion."

Kathryn said while smiling.

"Right. O Sige na tomorrow na lang tayo mag chikahan. Good night Kath, sayo din Daniel."

Paalam ni Julia.

"Good night Julia."

Sabay pang sabi nila Kathryn at Daniel bago pumasok sa loob ng room at isara iyon.
Naupo naman si Daniel sa may sofa.

"Dito na ako sa sofa matutulog at dyan kana sa kama."

Sabi nito habang nag tatanggal ng sapatos.

"No. Ako na dyan sa sofa at ikaw dito sa kama."

Sabi naman ni Kathryn.

" magiging okay lang ako dito."

Pilit naman nitong si Daniel.

"Wag mo nga akong lokohin. We both know that sleeping there in the sofa is not comfortable specially to you, sa tangkad mo ba namang yan."

Komento ni Kathryn.

"Kesa namang ikaw ang mahirapan."

Daniel seriously said while looking at Kathryn, napa buntong hininga naman ang isa.

"Fine. Dito na lang tayo pareho sa kama."

Kaya ang ending, mag katabi silang natulog na dalawa.

Kaya ang ending, mag katabi silang natulog na dalawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinabukasan, naunang nagising si Daniel.
Tinitigan nya ang babaeng katabi nya at naka yakap sa kanya.
Napa ngiti sya at hinalikan nya ito sa noo bago maingat na bumangon mula sa kama.
Nag hilamos muna sya bago nag palit ng T-shirt at Jogging pants, nag suot din aya ng running shoes at nag lagay ng headset sa tenga nya, balak nya muna mag jogging sa may dalampasigan.
Habang nag j-joging napansin ni Daniel na may sumabay sa kanya, pag lingon nya sa gilid si Michelle pala.

Escort BoyfriendWhere stories live. Discover now