Naka tingin silang lahat kay Michelle na naka tayo sa labas ng cottage tapos ay tumingin din kay Myrtel.
"I'm sorry. Alam kong nasira ko ang oras nyong lahat ngayon, but I'm here to say sorry to you Myrtel and also to Tony."
Simula ni Michelle.
Natahimik naman lahat."Sorry talaga kung muntik ng masira ang relasyon nyo because of me. It's not really my intension to flirt with Tony, nadala lang talaga ako ng alak ng gabing yun at di ko na ginamit ang utak ko. Sorry Myrtel kung nasira ko ang tiwala mo. But believe me I treat you like a real friend and a sister too, kaya kung di mo man ako mapatawad because of what happend I will truly understand."
Dagdag pa nya at yumuko.
"Ang gusto ko lang talaga ngayon ay mag apologize sa inyong dalawa bago kayo umalis. Mag iingat sana kayo at salamat sa friendship na di ko pina halagahan."
Sabi pa ni Michelle bago tumalikod na.
Paalis na sana sya ng tawagin sya ni Myrtel kaya lumingon sya ulit.
Tumayo si Myrtel at lumapit aa kanya."Gosh! Baka sampalin nya si Michelle."
Nag aalalang bulong ni Kiray.
At tama nga dahil bigla ngang sinampal ni Myrtel si Michelle.
Napa singhap ang lahat dahil sa nangyari.
Agad naman tumayo si Tony para lapitan sana ang dalawa ng pigilan sya ni Dan."Hayaan mo sila."
Sabi agad ni Dominique.
Kaya kahit parang labag sa kalooban ni Tony ay umupo sya ulit."Live drama with action."
Sabi ni Alex kaya binatukan sya ni Arisse.
"Loko ka talaga! Anong Live drama with action. Tumahimik ka na nga lang."
Naka irap na saway nya.
Kita naman na hindi na rin nagulat si Michelle sa ginawa sa kanya ni Myrtel."Yeah right, muntik mo na nga masira ang relasyon namin ni Tony. Of all people Michelle, ikaw pa talaga ang ta'traydor sa akin? Bakit?"
Tanong ni Myrtel habang naka titig kay Michelle na naka yuko lang.
"May gusto ka ba kay Tony kaya ginawa mo yun sa akin?"
Dagdag tanong pa nya.
Kaya biglang tumingin sa kanya si Michelle sabay iling."Syempre wala! Believe me Myrtel totoong nadala lang ako dahil sa kalasingan ko. Tony didn't respond to that kiss tinulak pa nga nya ako at sinabi nya kung gaano ka nya ka mahal."
Tumingin sya sa direksyon nila Kathryn.
"Siguro nga, naiinggit lang ako sa inyo nila Kathryn dahil may mga lalaki ang sobrang nag mamahal sa inyo. Kay Miles na nabigyan ng second chance ang love story nila ni Marco. Kay Ae na papakasalan na ni Patrick. At kay Arisse na may boyfriend na caring and supportive."
Sabi pa ni Michelle at malungkot na ngumiti.
"Samantalang ako? Iniiwan pag katapos ko ibigay lahat. Bakit? Hindi ko ba deserve ang mahalin din?"
Ramdam naman ng lahat ang kalungkutan ni Michelle.
"Hindi lang naman ikaw ang single ah! Ako din naman. Pati si Dominique , Alex, Niel at Julia ay mga single din. "
Sabat ni Kiray.
"Oo nga. Hindi naman masama ang maging single eh! Bakit? Requirements na ba ang status ngayon?"
Segunda naman ni Alex.
"Hindi lang naman ikaw ang iniwanan. Marami din ang naka ranas ng ganyan, but it doesn't mean na pwede ka ng gumawa ng isang bagay na makaka sakit ka sa ibang tao dahil lang sa naiinggit ka."
YOU ARE READING
Escort Boyfriend
FanfictionKung marami sa atin ay inenjoy ang high school life, si Kathryn naman ay hindi, dahil sa ginawang pamamahiya sa kanya ng mga ka'batch nya sa high school noon. Tutok sya sa pag aaral at wala syang oras sa Love Life kaya NBSB, Hindi rin sya kagaya n...