Chapter 6'Teen

129 8 0
                                    

Daniel POV:
Excited ang lahat ng malapit na kami sa isla.
Private Island daw yun sabi ng bangkero pero pinapayagan ang mga turista na bumisita doon para makita  ang pinag mamalaking Isla ng may ari na si Don JuanDanilo.

"Ang isla po na iyan ay ang Villa Chandria. Ipinangalan ni Don Juan Danilo sa pinaka mamahal nyang asawa na si Doña Chandria Manuela."

Pag bibigay impormasyon ng bangkero.

"Ang yaman siguro nila no?"

Tanong ni Niel.
Tumango naman ang bangkero.

"Sobrang yaman po! Halos kalahati nitong probinsya ay pag mamay ari nila. Alam nyo po yung CGC?"

Tanong nya sa amin.
Tumango naman ako kaya napa tingin sa akin ang lahat.

"Chandria Group of Company. Top 1 Biggest and Powerful Business Group in the world. Actually, partner ko sila sa pag papatakbo ng airline na hawak ko. DP Airline and Chandria Airline are business partners."

Sabi ko na kina mangha nila pati na rin si Pat.

"Bat di ko Alam ang tungkol dyan?"

Tanong nya.

"You hate to attend meeting right? And you said that it was very boring."

Sagot ko sabay ngisi.
Napapa iling nalang si Patrick at para talaga syang nang hihinayang dahil sa di nya pag sama sa mga meeting noon.

"May sarili ka palang airline, brad!?"

Tanong ni Dominique kaya tumango ako.

"Actually, sa Dad ko yun. Sinasanay pa lang nya ako sa pag papatakbo ng family business namin kaya ako ang humahawak ngayon."

Sagot ko naman.

"Daniel is a Pilot by profession, di lang halata hahaha."

Sabi ni Patrick.
Nagulat naman sila.

"Piloto ka pala! Ba! Pag kami ang pasahero mo, dapat libre. Okay narin kahit discount na lang. Hahaha"

Naka tawang sabi naman ni Alex.

"Piloto pala yang jowa mo, Kath. Naka sakay kana ba sa kanya?"

Tanong naman ni Kiray.

"Ha?"

Nag tatakang tanong naman ni Kathryn na salubong pa ang mga kilay.

"Ay? Di gets?"

Natatawang sabi ni Kiray.
Hinampas naman sya ni Julia.

"Aray! Jul's, maka hampas naman."

Reklamo ni Kiray pero natatawa parin.

"Para ka talagang ewan! Di mo naman kagaya si Kath na mahilig sumakay kahit saan eh!"

Julia said while looking at Kathryn who still doesn't know what they are talking about.
Napapa iling na lang ako.
My Sweet and Innocent Woman.

"Wow! Ang ganda naman pala talaga ng Villa Chandria."

Manghang sabi ni Arrise kaya tiningnan din namin.
And yes! It was very beautiful!
Kitang-kita ang napaka laking puting bahay na napapalibutan ng ibat-ibang uri ng bulaklak na nag sisilbi nitong bakod at puno ng niyog sa bawat gilid.
Pagkatapos namin mamangha sa Villa, ay bumaba na kaming lahat sa bangka.

"Ah, mga ma'am sir? Iwasan na lang po natin ang mag iwan ng kalat at isa pa po pala may border line po dito, palatandaan kung hanggang saan lang pwede pumunta."

Paliwanag ng bangkero, tumango naman kami bago sya bumalik at sumampa sa bangka.

"Hintayin ko nalang po kayo dito sa bangka."

Escort BoyfriendWhere stories live. Discover now