Kathryn POV:
Mamayang 7 pm pa ang start ng surprise party nila Myrtel kaya andito muna ako sa kwarto namin ni Daniel at naka higa lang sa kama habang naka titig sa kisame.
Naiimagine ko ang mga nangyari sa aming dalawa ni Daniel nitong mga naka raang araw.
The day after tomorrow, parang ayoko ng dumating kasi for sure mag iiba na ang lahat.
Nasa ganoon akong sitwasyon ng datnan ako ni Daniel."O? Anong nangyari sayo?"
Tanong nya habang naka ngiti at naka tingin lang sa akin.
Umiling lang ako bago bumangon at naupo sa kama.
Umupo din sya sa tabi ko."Any problem, love?"
Tanong nya pero umiling lang ulit ako.
Lumapit pa sya sa akin at niyakap ako."Come on, love. You can tell me what you were thinking."
Pangungumbinsi pa nya kaya napa buntong hininga ako at tiningnan sya.
"After nitong reunion, babalik na ang lahat sa dati... Tapos na ang pag papanggap natin. Magiging busy na tayong pareho sa kanya-kanya nating buhay. Ikaw sa trabaho mo at ako naman sa pag aaral ko."
Sagot ko sabay yuko.
"Mamimiss mo ba ako?"
Tanong nya na nag paangat ng tingin ko sa kanya.
Naka titig lang sya sa mukha ko habang hinihintay nya ang sagot ko.
Marahan naman akong tumango."Don't worry, aayusin ko lang ang mga naiwan kong trabaho sa kumpanya then after that sisimulan ko ng ligawan ka."
Sabi nya.
"Hindi nakaka tawa yang sinasabi mo."
Naka simangot na sabi ko sa kanya.
"Bakit? Sino ba ang nag sabi sayo na nag papatawa ako? I'm serious Kath, liligawan kita. Kaya wag mo ako mashadong ma' miss kasi pag sinimulan ko ng ligawan ka baka ikaw pa ang mag sawa sa mukha ko."
Sabi nya sabay kiss sa pisngi ko, kaya nag blush naman ako.
"But for now, girlfriend parin kita kasi hindi pa tapos ang reunion nyo. Kaya wag ka ng mag mukmok dyan at mag lakad- lakad na lang tayo sa may beach."
Pag aaya nya sabay hila sa akin patayo.
Mag kahawak-kamay kaming lumabas ng kwarto at nag lakad-lakad."Love, bili tayo ng souvenirs para sa parents mo pati na rin kay Kuya Coco."
Sabi nya.
"Sige Love. Ibibili ko na rin si Sofia. Baka mag tampo pa yun pag hindi ko sya naibili kahit souvenir man lang."
Kaya ayun, bumili nga kami ng souvenirs para sa pamilya at kaibigan namin.
Bukas nalang yung mga pasalubong bago kami bumiyahe pabalik ng manila.
After namin namili ay bumalik na kami sa room namin at napag desisyunan ko ng maligo."Sabay na tayong maligo, love."
Sabi nya habang tumataas baba ang kilay nya.
Tinaasan ko sya ng kilay pero ngumisi lang sya sa akin.
Kinuha nya ang towel nya at akma ng papasok ng banyo ng mag ring ang phone nya na naka patong sa kama."Sagutin mo na at baka importante yan."
Sabi ko dahil tiningnan lang nya ang cellphone nya habang tumutunog iyon.
Lumapit sya sa kama at kinuha ang phone nya bago tiningnan kung sino ang tumatawag.
Nag salubong ang kilay nya ng mabasa ang tumatawag."Love. Mauna ka ng mag shower. I need to answer this call."
Sabi nya kaya tumango naman ako bago isinara ang pinto ng cr at nag Simula ng maligo.
YOU ARE READING
Escort Boyfriend
FanfictionKung marami sa atin ay inenjoy ang high school life, si Kathryn naman ay hindi, dahil sa ginawang pamamahiya sa kanya ng mga ka'batch nya sa high school noon. Tutok sya sa pag aaral at wala syang oras sa Love Life kaya NBSB, Hindi rin sya kagaya n...