Still Kathryn POV:
Nasa tapat na kami ng bahay ngayon kasi pinilit nya akong hinatid."Pasok ka muna. Ipapakilala kita sa parents at sa kuya ko."
Pag aaya ko sa kanya.
"Okay lang ba?"
Tanong naman nya.
Tumango naman ako.
Pag pasok namin sa loob nakita naming nanonood sila ng movie.
Agad ako lumapit sa kanila at hinalikan sila sa pisngi."Hi po. Pa, Ma and Kuya."
Bati ko sa kanila.
Sabay- sabay na nagulat sila sa itchura ko."Anong nangyari sayo!?" (Kuya)
"Sino yang lalaking kasama mo? (Papa)
"Kumain na ba kayo?" (Mama)Sabay-sabay din nilang sabi.
"Opo, Kumain na kami. Sya naman po si Daniel, kaibigan ko. At kuya nag pa'salon ako pag katapos namin pumunta sa Gallery."
Sagot ko naman.
"Hi Po."
Bati ni Daniel sa kanila.
Tumango si Papa at ngumiti naman si mama."Ahh, ganon ba. O Sige. Daniel upo ka muna. What do you like? Coffee or tea?"
Tanong ni mama at tumayo.
"Coffee will do, maam. Thank you"
Magalang na sagot naman ni Daniel.
Ngumiti naman si mama."Drop the formalities ijo. Call me tita."
Tumango naman si Daniel.
"Kath tulungan mo ako maghanda ng kape sa kusina ."
Sabi nya.
"Opo ma."
Sabi ko at tiningnan si Daniel.
Tumango naman sya at ngumiti sakin na parang pinapahiwatig nya na okay lang sya.
Pag dating sa kusina agad nag timpla si mama ng kape.
Kinuha ko naman ang bi'nake kong cookies na nasa ref.
"Manliligaw mo ba yun Kathryn?"Tanong ni mama habang hinahalo ang kape.
"Hindi po. Kaibigan ko lang si Daniel."
Sagot ko Habang nilalagay sa plato ang mga cookies.
Pag balik namin sa sala nadatnan na namin sila na masayang nag ku'kwentuhan."Mukhang nag kakasiyahan kayo ah."
Komento ni mama bago ilapag ang mga tasa na may kape.
Ibinaba ko na rin ang plato ng cookies at umupo sa tabi ni Daniel."Kinilatis lang namin ng mabuti si Daniel, mama."
Sabi ni kuya.
"Hindi kaba nila tinakot Daniel?"
Tanong naman ni mama.
"Naku! Hindi po, tita. Actually niyaya nga po ako ni kuya coco na mag laro ng basketball."
Sagot ni Daniel.
"Ea, ikaw Hon? Baka naman tinakot mo yang si Daniel ha. Gaya ng ginagawa mo sa mga kaibigan ni Coco."
Tanong ni mama pag katapos humigop ng kape.
"Hay naku! Ma. Mag ka sundong mag ka sundo ang dalawang yan. Kulang na nga lang sila na ang mag ama at ako na ang bisita."
Reklamo ni Kuya kaya natawa kami.
Ilang oras pa at nag paalam na si Daniel."Salamat po sa pag tanggap sa akin pati na rin sa kape, tita."
Sabi nya bago tumayo.
Tumayo na rin kami."Salamat din sa pag hatid sa aming anak."
Sabi ni papa at nakipag shake hand kay Daniel.
"Next time, Kumain ka dito sa amin."
Pag aaya ni mama.
Ngumiti naman si Daniel bago tumango."Sure, tita."
"O! Kath hatid mo na si Daniel sa labas."
Utos ni papa.
"Yes, pa."
Sabi ko.
Kaya lumabas na kami ni Daniel."Thank you."
Sabi nya.
"Ako nga ang dapat ba mag thank you ea. Thank you, Daniel."
Sabi ko naman.
Ngumiti naman sya at tumango bago lumakad na papunta sa kotse nya."Good night, Kath."
Sabi nya.
At tuluyan ng pumasok sa loob ng kotse.
Pinaandar na nya ang makina, at kumaway naman ako sa kanya ng umalis na sya.END OF CHAPTER THREE
YOU ARE READING
Escort Boyfriend
FanfictionKung marami sa atin ay inenjoy ang high school life, si Kathryn naman ay hindi, dahil sa ginawang pamamahiya sa kanya ng mga ka'batch nya sa high school noon. Tutok sya sa pag aaral at wala syang oras sa Love Life kaya NBSB, Hindi rin sya kagaya n...