YRENEA
Sa wakas! Friday na ngayon!
Sa loob na apat na araw hindi ko nakita si Isidro sa company. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na hindi ko siya nakita or masasaktan dahil hindi ko nasilayan ang mukha niya.
Pauwi na ako sa bahay, niyayaya kasi ako nila Aica na mag-bar ngayon, hindi naman ako tumanggi. Kailangan ko ngayon iyon dahil sa pagod na ginawa ko sa isang linggo. Need ko rin naman maglibang.
Pagkarating, nag-shower lang ako saglit at agad na nagbihis. Sinuot ko ang black skirt na above the knee, white tube and black leather jacket, pinaresan ko ito ng black boots. I really don't know pero ito ang gusto ko ngayon. Naglagay ng kaunting blush-on, lipstick and I'm ready to go.
Pinasadahan ko muna ng tingin ang sarili ko at saka bumaba. Nagtext na kasi si Dona sa akin, nasa baba na raw silang dalawa.
"Mom, aalis na po kami!" Sigaw na paalam ko kay Mommy. Nasa kusina kasi ito at nagluluto.
"Okay, sweetheart, enjoy!" At, tuluyang lumabas.
Nakita ko roon ang dalawang kaibigan ko na kasama ang mga boyfriend nila.
I'm fifth wheel again!
Pumasok sa back seat, tumabi ako kay Aica, bale napapagitnaan namin ni Patrick si Aica.
"Okay! I'm the fifth wheel again!" Sarcastic kong sabi sa kanilang apat, tumawa lang ang mga ito sa akin.
"Find a boyfriend later, Yre! Make some moves!" Ani ni Dona at binaba-taas pa ang kanyang kilay sa akin.
Hindi ko na lang sila pinansin. Napapailing na lang ako sa kanila.
Nang makarating sa bar, pinark ni Oliver ang kotse malapit sa entrance ng bar para malapit kapag mga lasing na sila mamaya.
Pumuwesto kami sa bandang gitna ng bar, masyadong masikip kapag doon sa may unahan, nandoon kasi iyong mga nagsasayawan.
"What do you want, girls?" Pagtatanong sa amin ni Patrick.
"Ladies drinks," sagot ko rito.
Hindi naman ako masyado iinom. Ayokong sumakit ang ulo kinabukasan at sumuka nang sumuka.
Sila umorder ng beer. Good luck sa kanila bukas.
Dumating ang mga order namin. Lalong umingay ang mga tao dahil sa pinapatugtog ng DJ. Marami na ring pumupunta sa dance floor.
Eww. Iyong iba d'yan mga nanananching lang at dumadamoves.
"Yre, dito ka lang? Pupunta na kami sa dance floor. Wanna come?"
Hiyaw na ngumiti ako kay Aica, "no thanks. Papanoorin ko na lang kayo rito." At, pinagtatabuyan sila.
Nakamasid lang ako sa kanila habang nagsasayawan ang mga ito. Humalo sila sa maraming tao na nasa dance floor kaya halos 'di ko na sila makita roon.
Tumayo ako sa table namin, wala naman aagaw sa table namin as long as may nakalagay sa taas na occupied.
Hinawi ko ang mga tao para makaraan ako papunta sa restroom, kanina pa ako naiihi.
Sumingit ako sa mga nagkukumpulan, nakaharang kasi alam na daanan 'to.
"Ano ba! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan!" Ani ko sa lalaking sumisiroy-siroy na naglalakad habang may hawak na shot glass.
Tinignan lang ako nito at naglakad na ulit. Paliko-liko ako nahihilo sa kanya.
Pumasok na ako sa restroom buti na lang konti lang tao, iyong iba rito mga nag-re-retouch lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/245171432-288-k924786.jpg)
BINABASA MO ANG
YOUNG: YRENEA ALEJANDRO ( Daddy's Series #8 ) ✓
Ficción GeneralCOMPLETED. UNEDITED. R-18. MATURE CONTENT. SPG Hiker and Tour guide. DATE FINISHED: February 5, 2021