YRENEA
"Girl! Sobrang blooming mo today! Ilang dilig ba ang binigay sayo ng Daddy Isidro mo?" Napailing na lang ako kay Aica.
"Ganito naman ako kapag nagkikita tayo, ha?" Ani ko rito at umupo sa tabi niya.
Hinihintay pa namin si Dona lagi talagang late niyon sa usapan. Iyong on the way niya it's means naliligo pa lang iyon.
"Anyway, sasama raw ba siya sa bakasyon natin?" Tumango ako kay Aica.
"Yes, last week ko pa sinabi sa kanya ang tungkol doon." Sagot ko sa kanya.
Umorder kami ng frappe baka kasi palayasin kami rito at sabihing nakiki-aircon at nakikigamit lang ng wifi.
"Always late." Sabay naming sabi ni Aica sa bagong rating na si Dona.
"Sorry, guys. Nakalimutan ko, e. Buti na lang nagtext ka Aica hehe." Sabay tawa nito sa amin.
"Tuloy ba tayo this week? Nagtatanong kasi Oliver kung tuloy us para raw makapag-leave na siya." Tanong nito sa amin habang naglalakad.
Nagpasya kaming maglakad, maglibot-libot dito sa mall baka may mabili rin kami.
"Yes, Dona. Sana naman 'wag kang ma-late that time. Van niyo gagamitin. Baka nakanganga kaming maghintay sa inyo ni Oliver." Sabay tawa namin sa sinabi ni Aica.
Hinampas niya si Aica sa braso, "hindi kami mala-late that day. Kanina lang kasi nga traffic."
Pumasok kami sa department store para tumingin-tingin ng p'wede naming maisuot sa outing namin.
"Look, oh?" Tinaas ni Aica ang isang two piece na swimsuit sa amin.
"Ang ganda diba?" Tumango kami sa kanya. Red ang kulay ng swimsuit na tinaas niya at white naman sa mga gilid nito. Nilagay niya iyon sa cart na tulak-tulak ko.
Bumili rin ako ng dalawang swimsuit at gano'n din si Dona. Papunta na sana kami sa Cashier na magsalita si Dona.
"Teka lang, guys. Punta muna tayo sa children's clothes. May pinapabili kasi si Mommy sa akin na damit para kay Timothy." Tumango kami sa sinabi niya.
Timothy is her younger brother. Six years old pa lang yata ang bunso nilang kapatid.
"Casual wear ba bibilhin mo? O, pambahay lang niya?" Ani ko rito.
Kanina pa kami naglilibot dito wala pa siyang napipili para sa kapatid niya. Sumasakit na iyong paa ko. And, I miss Daddy already.
Ano kaya ginagawa niya ngayon?
"Dona and Aica, balikan niyo na lang ako rito kapag may napili na kayo, ha? Ang sakit na ng mga paa ko." Malakas na sabi ko sa kanila, nag-thumbs-up lang sila sa akin.
Naka-upo ako rito sa isa mga nakapalibot na upuan sa department store.
Nililibot ko ang mga tingin sa mga damit pambabae na naririto. Kapag ako nagka-anak gusto ko girl para mabihisan ko siya ng mga ganitong kagandang damit.
Ang ku-cute talaga ng mga damit pambabae.
Napalingon ako ng may kumalabit sa akin na isang magandang batang babae. Napakurap ako sa kanya.
"Ate? Paabot po nito." Anito at tinuro ang isang pink na bag na may tatak na barbie.
Dali akong tumayo at binigay sa kanya ang tinuturo niya. Hindi niya abot kaya kinalabit niya ako.
"Thank you," sabay ngiti nito sa akin.
Tumakbo siya paalis sa harapan ko at sinalubong ang isang lalaki. Tatay niya siguro.
Hindi ko na sana papansinin ng mabosesan ang boses na iyon.
"I told you, Therese to wait me," ang boses na iyon.
"Sorry, Daddy. But, big sister is help me to reached that bag, Daddy!"
"You say thank you to her?"
"Yes, Daddy! I said thank you to her. She's here!" Hindi ko alam kung anong ginagawa nila.
Hindi ko sila tinitignan. Kinakabahan ako. Baka kaboses niya lang, Yre.
Nakayuko at nakita ko ang dalawang pares na sapatos na nasa harapan ko.
"Ms? Thank you for helping my daughter." Baritonong pagsasalamat nito sa akin.
Unti-unting kong tinaas ang aking tingin sa taong nasa harapan ko ngayon.
"Oh my gosh!" Napatayo ako ng makita ito.
S-siya nga.
"Y-yrenea..."
"Daddy, do you know her?" Tanong niya sa lalaking nasa harapan ko habang nakaturo ang maliit niyang mga daliri sa akin.
"L-let me explain..."
Hindi ko alam pero agad kong hinila ang cart na dala ko at umalis sa harapan nila.
Bakit gano'n? May anak na siya? Bakit hindi ko man lang nalaman. Sinisira ko iyong buhay ng anak niya dahil sa ginawa ko.
Ilang araw na ang nakakaraan ng mangyari iyon. Pero, hanggang ngayon hindi ko pa rin siya kinakausap.
Ilan beses siyang nagtetext sa akin, tumatawag pero hindi ko sinasagot ang mga ito.
Pumupunta rin siya rito sa bahay pero hindi ko rin siya nilalabas. Ilang araw na rin akong nagmumukmok dito sa loob ng room ko.
Sobrang makasalanan ako.
Nagtalukbong ako ng maramdamang may papasok sa aking k'warto.
"Yrenea, ilang araw ka pa ba magtatago rito sa k'warto mo? Nag-aalala na ang Daddy mo sa'yo. Ilang beses na ring dumadalaw rito si Isidro pero hindi mo nilalabas man lang. May nangyari ba sa inyong dalawa?"
Hindi ko inalis ang kumot na nagtatakip sa buong katawan ko.
Umiling ako kay Mommy, "m-mom... N-nakita ko siya sa mall ilang araw na ang nakakalipas, may kasama siyang batang babae at tinawag siyang Daddy nu'ng bata..."
Naramdaman kong umupo sa gilid ko si Mommy, "dahil ba roon kaya hindi mo siya kinakausap?"
Tumango ako sa kanya, "hindi niya ho sinabi sa akin, na... Na may anak na siya, Mommy." Sabay hikbi ko.
"Hindi mo ba hiningi ang paliwanag niya? Hindi mo ba siya pinakinggan muna?"
Napakagat ako sa tanong ni Mommy. Hindi ko alam kung ano isasagot sa kanya.
"Wala ako sa p'westo para sabihin ang tungkol doon, anak... Si Isidro lang makakasagot sa'yo tungkol doon. Tawagan mo siya and i-e-explain niya lahat ng gusto mong mayaman tungkol doon." At, narinig ko na lang ulit ay pagtunog ng pinto ko.
Napaupo ako sa kama ko at iniisip ang sinabi ni Mommy. Hindi ko nga man lang siya pinakinggan.
Nakatingin ako sa cellphone at dinial ang kanyang cellphone number.
I'm ready.
•••
Let me know your thoughts through comments and please votes.
Thank you, loves!! 😸💛
![](https://img.wattpad.com/cover/245171432-288-k924786.jpg)
BINABASA MO ANG
YOUNG: YRENEA ALEJANDRO ( Daddy's Series #8 ) ✓
Fiksi UmumCOMPLETED. UNEDITED. R-18. MATURE CONTENT. SPG Hiker and Tour guide. DATE FINISHED: February 5, 2021