•10•

22.1K 339 19
                                    

YRENEA

"Do you think na magugustuhan niya itong regalo ko sa kanya, Daddy?" I asked Isidro.

Kanina pa ako kinakabahan. Hindi na nga ako mapakali rito sa inuupuan ko habang papunta sa bahay ng parents niya.

Bitbit ko ang regalo kong dress sa kanya, actually terno kami. Uso ngayon iyon.

"We're here, baby. Are you ready?" Napatingin ako sa labas ng bintana at sinilip ang bahay ng parents niya.

Dito kasi muna pansamantalang tumitira si Therese dahil nga hindi ko pa alam ang tungkol sa kanya.

Lumingon ako sa kanya at tumango.

Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin or nagtatampo dahil sa nangyari nu'ng nakaraang araw. Sana hindi.

"Don't worry, baby kanina ka pa rin niya hinahanap. Kahapon pa siya masaya ng sabihin kong dadalawin mo siya at gusto mo siyang makilala."

Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ang sinabi ni Isidro.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at siya na rin ang nagbuhat ng regalo ko para kay Therese.

"You're so pretty, baby..." Inangilan ko na lang siya.

Kanina pa niya kasi sinasabi niyan. Ang ganda ko raw, wala raw papantay sa aking kagandahan. Ang mga lalaki talaga.

Pagkapasok namin, sinalubong kami ng parents niya.

"Good day po, Tita, Tito..." Malumanay na bati ko sa kanila.

Bumeso sa akin si Tita at tumango ako kay Tito.

"Good day also to my beautiful daughter-in-law, Yrenea. Kanina pa naghihintay si Therese sa inyong dalawa. Patatawagin ko na siya sa yaya niya." Umiling ako kay Tita.

"Ako na lang po ang tatawag kay Therese, Tita, may ibibigay rin po ako sa kanya." Sabay angat ng paper bag.

Lumingon ako kay Isidro kaya sinamahan niya ako paakyat sa room ni Therese.

"Magugustuhan kaya ni Therese 'to, Daddy?" Hindi talaga ako mapakali, e.

"Of course, magugustuhan niya iyan. Trust me, okay?" Napakagat ako sa aking labi at tumuloy sa pag-akyat.

"We're here, baby. Sasamahan pa kita?"

Tumingin ako sa pinto, pink door and may nakasabit na Princess is here.

Tinignan ko si Isidro at saka umiling sa kanya.

"Hindi na, Daddy. Hintayin mo na lang kami sa baba." Sabay ngiti ko sa kanya.

Tinignan ko siya hanggang makababa ulit siya sa sala. Inayos ko muna ang aking sarili at saka kumatok.

"Hi po, Tita Yrenea!" Masayang bati nito ng buksan niya ang pinto.

Lumingon siya sa gilid ko at parang may hinahanap, "nasa baba po si Daddy?" Tumango ako sa kanya.

"Tara po, Tita!" Sabay bukas nito sa pinto at minuwestro ang kanyang kamay papasok sa loob ng k'warto niya.

Pumasok ako, bumungad sa akin ang kulay pink. Puro pink ang k'warto niya. Pink wallpaper, pink bedsheet and pillowcase, pink curtain and lahat ng stuff niya ay kulay pink.

"You like pink?" Anong klaseng tanong niyong Yrenea?

Halata naman sa k'warto niya diba?

Tumango-tango ito sa akin, "Opo, Tita! Kasi po ang ganda at ang lamig po sa mata ang kulay pink! Sabi po ni Daddy, you also like pink po." Umupo siya sa kanyang kama.

Sumunod ako sa kanya, "Yes," nadako ang paningin ko sa picture frame sa table niya.

"Totoo ko pong magulang, Tita." Tumayo siya at saka kinuha ang picture frame.

"Sila po totoo kong mga magulang, Tita..." Nakita kong nangingilid na ang kanyang mga mata.

"It's okay, Therese. Nandito na kami ng Daddy Isidro mo..."

Lumaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko, "you can be my Mom, Tita?"

"Of course! I'm willing to be your Mom, Therese." Masayang sabi ko sa kanya.

"Really po? Waaah!" Sabay talon niya, "Mommy na po kita?" Tumango ako rito at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you po, Tita Yre- este Mommy po!"

Tumayo ako at saka inabot ang paper bag na kanina ko pa bitbit.

"Para sayo 'to."

Kinuha niya ito at saka binuksan, "wow! Sa akin po ito?" Tumango ako sa kanya, "Thank you po, Mommy!" Sabay labas niya ang isang dress, "we're same po?" Tumango ako sa kanya at ngumiti.

Nagulat ako at bigla siyang pumasok sa bathroom niya, pagkalabas niya suot-suot na niya ang regalo ko sa kanya.

"We're twins, Mommy!" Sabay ikot niya sa akin.

Eksaktong-eksakto lang sa kanya.

Tumayo ako saka siya dinala sa vanity mirror niya, inayusan ko ang kanyang buhok, finishtail ko ang kanyang buhok.

"Come on? Kanina pa nila tayo hinihintay." Humawak siya sa aking kanang kamay at sabay kaming bumaba.

####

"Mommy? Daddy is here na!" Bumukas ang pinto at niluwal nito ang panganay naming si Therese.

Inadopt talaga namin siya ng tuluyan.

"Mommy, Daddy is here na po!" Pumasok at saka pinanggigilan ang kanyang kapatid.

"Mommy, kailan po siya lalaki katulad ng height ko po?" Tanong nito sa akin at saka pinaghahalik-halikan ang kapatid sa mukha.

Isang taon na ang nakakaraan ng ikasal kaming dalawa. Pagka-kasal namin doon namin nalamang nagdadalang tao na rin ako.

"Mga ilang taon pa, ate..." Sabi ko rito at nilagay ang damit ni Isaiah sa lalagyanan.

"Daddy!" Lumingon ako at nakita ko si Isidro.

Nilapitan niya ang bunso namin at kinarga ito.

"How's my baby boy? Daddy is here na." Sabay halik niya sa tungki ng ilong.

Hinalikan niya rin si Therese sa noo, "how's my ate Therese also?"

"Tapos na ako sa piano lesson ko, Daddy! Sabi ni Teacher bukas daw po magpeperform kami!"

"Really? Dapat manood tayo bukas, Daddy. May gagawin ka ba sa office niyo?" I asked at saka kinuha si Isaiah sa kanya.

"I'll cancel my appointment tomorrow."

"Yes! Thank you Daddy and Mommy! Promise gagalingan ko bukas!"

"Always mo naman ginagalingan, ate. Kaya sobrang proud kami sayo." Ani ko rito at niyakap siya.

Sa isang taon, never niya kaming binigo. She always stand-out no matter what. Kaya sobra kaming proud sa kanya.

"Of course, Mommy para maging masaya kayo ni Daddy!"

"Palagi kaming masaya Therese simula nu'ng mapunta ka sa amin. Si Mommy and Daddy ay sobrang proud sa'yo, okay? You're my only daughter." Tumango ako sa sinabi ni Isidro.

"Pero, daddy gusto ko rin po magkaroon ng kapatid na babae! Siguro kapag malaki na si Isaiah!"

Sa isang taon pagsasama namin, matatag na pamilya ang binubuo naming dalawa.

Paano pa kaya sa susunod na taon kung saan dadami kami at lalaki ang aming pamilya paniguradong matatag pa rin kaming lahat.

•••

- THE END -

Let me know your thoughts through comments and please votes.

Thank you, loves!! 😸💛

YOUNG: YRENEA ALEJANDRO ( Daddy's Series #8 ) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon