•4•

24.1K 278 19
                                    

YRENEA

Hanggang ngayon nakatulala pa rin ako sa kanya. Si Isidro ba talaga iyon?

Totoo ba iyong nakikita ko?

A-akala ko tour guide siya sa Mt. Pulag?

"Uy, Yre? Anong hinihintay mo r'yan? Nakakalayo na si Mr. Wesley sa atin." Nawala ako sa iniisip ko ng hilahin ako ni Rose at sinundan ang bulto ni Isidro.

H-hindi ko alam na mayaman siya. Tapos, isa siya sa investor namin!

Oh gosh!

Nakasunod lang kami sa likod habang papunta sa office ni Dad. Office of the President.

Ilan kaya ang share niyo rito?

Napakurap ako ng makitang nasa loob na sila ng elevator. Bakit ako kinakabahan?

Nakita kong nakatingin ito sa akin at ngumisi ng pumasok kami sa elevator.

Bakit gano'n siya makatingin sa akin, naiilang ako sa ginagawa niya.

Nang makarating sa floor kung sa'n ang office ni Dad, bumaba na kami at naghihintay roon si Dad.

"Good day, Mr. Alejandro." Bati nito kay Dad at yumako pa.

"Good day also, Mr. Wesley, thank you for choosing our company to invest here. I will surely your investment is safe." Ani ni Dad at pinapasok na si Isidro sa loob habang kami ay naiwan dito sa labas.

Nababaliw na ako. Anong gagawin ko?

"Uy, okay ka lang? Kanina ka pa tulala r'yan nu'ng makita mo si Mr. Wesley, Yre."

Lumingon ako sa paligid, wala naman nakatingin sa amin.

Hinawakan ko ang kanyang braso at lumayo kaunti sa kanila na naghihintay sa labas ng office ni Dad.

"Rose... S-siya iyong tinutukoy ko sayo kanina. Siya si Isidro i-iyong naging tour guide namin sa Mt. Pulag." Mahina at kinakabahan kong sabi sa kanya.

Nakita kong nabigla ito sa sinabi ko, "sigurado ka ba, Yre? B-baka kamukha lang niya?"

Umiling ako sa kanya, "h-hindi, Rose. Siya talaga iyon! Nginisihan pa nga niya ko kanina! Anong gagawin ko?" Pagtatanong ko rito habang nakatingin sa pinto at bumukas ito.

T-tapos na agad sila? Parang ang bilis naman ng diskasyon nila sa loob.

Bumalik kami sa aming p'westo para salubungin ulit si Mr. Wesley.

Nakita kong nagtatawanan sila ni Dad palabas ng office.

"So, it's a deal, Mr. Alejandro? Thank you!" Deal?

"Sure, Mr. Wesley. Thank you for trusting our company!" Isidro nodded to Dad.

Nahagip ng paningin ko ang pagtingin sa akin ni Isidro.

Oh lupa, kainin mo na ako ngayon na!

##

"Girls! Siya talaga iyon! Si Isidro na tour guide sa Mt. Pulag ay si Mr. Wesley na isa sa mga investor sa company namin!"  Balita ko sa kanila Dona at Aica.

"Yre, seryoso ka ba d'yan? Baka kamukha lang niya?"

Umiling ako kay Aica kahit hindi niya ako nakikita, "no! Siya talaga iyon, Aica! Ningitian at ningisihan pa nga niya ako! Siya talaga iyon! Siya talaga si Isidro na tour guide natin sa Mt. Pulag."

"Oh girl, you're so lucky! Tadhana na ang nagpapalapit sa inyong dalawa. Then, grab it! Malay mo may gusto rin ang isang iyon sayo, diba?" Suhestiyon ni Dona sa akin.

Meant to be?

Tadhana?

Kaming dalawa?

"Anyway, girls, got to go na maaga pa ako bukas sa company, e. May pinapaasikaso sa akin si Dad. Good night, Yre and Aica!" Sabay baba nito sa phone call namin.

"Got to go na rin, Yre! Good night! Seduce him, okay? Para maisampal mo na rin kay Raphael na tapos ka na sa kanya! Good night!"

"Good night," sabay baba naming dalawa.

Seduce him? Paano? Eh, isa siya sa mga investor namin!

Napapakagat na ako ng labi rito, paano kung nandoon siya bukas? Anong gagawin ko?

Ano ba naman, Yre, wala siya roon for sure. Hindi naman madalas pumupunta ang mga investor sa company except kapag may meeting lang sila kaya paniguradong wala siya roon.

Pero, paano nga kung nandoon siya? Iiwasan ko ba siya? Or, gagawin kung anong sinabi ni Aica?

Napailing na lang ako at bumaba ng kama, iinom na lang ako ng gatas para makatulog na ako.

Nagtimpla ako at inisang lagok ko lang din ito. Iniwan ang baso sa sink at umakyat na rin agad.

Matutulog na sana ako ng mag-ring ang cellphone ko. Sino na naman ito?

Inangat ko ang aking phone, unknown caller.

Napakunot ang noo ko? Prank call na naman ba ito? Maraming nagsulputan na prank call ngayong taon.

Nag-aalinlangan man na sagutin, inaccept ko ang tawag.

Hindi ako sumagot at hinihintay sabihin ang salitang prank call.

"Hello... Yrenea, gising ka pa ba?"

Ang boses na iyon!

"Hello? I want to say, thank you for giving me another light to live."

S-si Isidro. Wala na akong narinig na kahit anong boses sa kabilang linya, tinignan ko ang cellphone pinatay na pala niya.

Oh my! Oh my! P-paano niya nakuha number ko?

Binigay ko ba sa kanya iyong cell number ko? Diba hindi? Paano niya nakuha at saan siya nakahingi ng number ko?

Sigurado na ako, gagawin ko ang sinabi ni Aica. Seduce him!

•••

Let me know your thoughts through comments and please votes.

Thank you, loves!! 😸💛

[ After ng ilang buwan, nakapag-ud ulit. Hehe. Try ko ulit mag-ud later!! Thank you! Sa mga nagtatanong sa Miren's Blood every Sunday na ang update!! ]

YOUNG: YRENEA ALEJANDRO ( Daddy's Series #8 ) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon