THERESE
"Mom! I saw ate Therese! I know it's her!" Napalingon ako sa pinto ng marinig ang matinis na boses ni Yrenice.
"Yrenice! Lower your voice!"
"But Mom! I saw her with Sequence! Alam naman niyang crush ko si Sequence! Gusto niya kasi lagi nasa kanya iyong atensyon!"
Napakagat ako ng aking labi na marinig ang sinabi ng kapatid ko. Sequence and I are friends. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya.
"Yrenice Wesley! Ilan beses ko bang sasabihin sa'yo galangin mo ang ate Therese mo! Call her ate, Yrenice!" Rinig kong suway niya kay Yrenice.
Kinuha ko ang aking airpods at nagpatugtog na lang. Alam ko namang may gusto siya kay Sequence kaya nga ginagawa ko lahat para magustuhan din siya nito.
Sinasabi ko ang lahat kay Sequence ang tungko kay Yrenice, hindi naman siya manhid na may gusto ang kapatid ko sa kanya pero sinagot niya lang ako na hindi natuturuan ang puso kung sino ang dapat nating mahalin.
Napalingon ako ng bumukas ang pinto ng aking k'warto at niluwal nito ay si Isaiah.
"Don't mind her, ate. Nilamon na siya ng pag-ibig dahil kay Kuya Sequence kaya nagkakaganyan iyon. Hindi niya matanggap na iyong atensyon ni Kuya ay nasa sayo. Attention seeker si Yrenice." Napangiti ako sa sinabi niya.
Humiga siya sa kama ko at tinaas ang kanyang cellphone.
"May pupuntahan kayo today?" I asked habang mabilis na nagtitipa sa kanyang phone.
He nodded na hindi umaalis ang paningin sa kanyang phone.
"Yeah, ate. Nagyaya si Ashton sa kanila, dadaanan na lang ako nila Harvy rito. Saka, hihintayin ko pa si Dad." Umangat siya sa pagkakahiga at saka umupo sa kama.
"See, ate? Wala na iyong nakakairitang boses ni Yrenice. Pinagalitan na siya ni Mom, for sure yari rin siya kay Dad!" Ani nito sa akin.
Tinanggal ko ang isang airpods ko at pinakinggan ang ingay sa labas, wala na nga.
"Hindi ko talaga alam sa mga babae kung bakit nila pinipilit ang kanilang sarili sa mga lalaki na hindi naman sila mahal. Hindi naman kayo masochist para ipalit ang sarili niyo. Hindi ko ba alam d'yan kay Yrenice." Sabay iling nito sa akin.
Mas matanda pa siya kung magsalita sa akin. Napaka-mature talaga niya mag-isip.
"Hindi ko rin alam sa mga lalaki kung bakit takot na takot magtapat sa mga babaeng mahal nila. Wala naman dapat ikatakot. Kapag mahal mo iyong isang babae dapat sabihin mo agad malay mo parehas lang kayong nararamdaman sa isa't-isa..." Sabay iling nito.
"May nagugustuhan ka na ba, Isaiah?" Napaangat ito ng tingin sa akin.
Umiling ito, "wala pa, Ate! Pero, kapag nagkagusto na ako sa isang babae, sasabihin ko agad sa'yo. For now, wala pa, e. Wala pa ako nahahanap katulad ni Mommy." Sabay ngiti nito.
Nilapag niya ang kanyang phone sa side table ko at saka tumayo at nag-unat-unat.
"Nandyan na sila?" I asked at lumapit sa terasa para makita kung nandito na sila.
"Yeah. Sabi kong ihuli na akong sunduin dahil wala pa si Daddy."
Nakita ko nga ang isang van at saka bumaba ang tatlong lalaki.
Naramdaman kong lumapit si Isaiah sa tabi ko.
"Isaiah, my friend! We're here!" Sabay kaway ni Harvy sa amin.
"Hi, ate Therese!" Dagdag niya ng makita ako.
Nakasunod sa kanya sina Synjin Allan and Laxon Axille -- Anderson Twins. Magkaibang-iba talaga silang dalawa.
"Nasaan si Sevi?" Tanong nitong katabi ko.
"Nandoon na kila Ashton, magkapit-bahay lang ang dalawang iyon. Come on, dude! Kanina pa raw nababanas sila Sevi dahil kay Sahara, tanong nang tanong kung nasa'n na 'tong mga to." Sigaw nito.
Nagsisigawan sila. Bakit hindi na lang sila magkita sa sala at doon mag-usap. Hindi ko talaga alam sa mga ito. Napailing na lang ako.
"Bababa na ako!" Sigaw ng kapatid ko at umalis sa terasa.
"Hindi ko alam kay Ate Sahara kung ano nakita sa kambal na iyon, sobrang seryoso ng dalawang iyon. Kawawa si Ate Sahara." Sabay iling nito sa akin.
Napalabi na lang ako sa kanya.
"Sige, Ate, alis na kami. Sabihan ko na lang si Mom na siya na magsabi kay Dad na umalis ako."
Sinarado ko ang pinto at saka humiga sa kama. Hindi ko na alam kung paano pakikisamahan si Yrenice kung laging nakatatak sa isip niya na inaagaw ko si Sequence sa kanya.
Speaking of Sequence, naka-receive ako ng text message sa kanya, kailangan na namin gawin iyong project for Chemistry class this weekend.
Two years lang ang agwat naming dalawa, sa sobrang talino katulad ng Anderson Twins naging accelerated sila.
Hindi na lang ako nagreply sa kanya. Hindi ko rin alam kung ano irereply ko, e. Saka, baka hindi ako payagan ni Daddy sa bahay nila, pipilitin ni Daddy na rito na lang gawin.
Sa loob ng ilang taon, hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila, na ampon ako. Sobra iyong pagmamahal na binigay nila sa akin lalo na si Mommy.
Sobrang swerte ko dahil napunta ako sa kanila, at si Daddy ang nakakuha sa akin.
•••
Let me know your thoughts through comments and please votes.
Thank you, loves!! 😸💛
[ Pensive gentleman #2 ]
BINABASA MO ANG
YOUNG: YRENEA ALEJANDRO ( Daddy's Series #8 ) ✓
Fiction généraleCOMPLETED. UNEDITED. R-18. MATURE CONTENT. SPG Hiker and Tour guide. DATE FINISHED: February 5, 2021