DOSE

10 2 0
                                    

Continuation of flashbacks lang sa chapter na 'to.

DOSE.



"I j-just want t-to be y-your friend.. I-im s-sorry," naiiyak niyang salita. Wait, what? Did he just speak? Nakakapagsalita siya? at higit sa lahat, BAKIT SIYA UMIIYAK?!

"H-ha? T-teka bakit ka umiiyak— huy, hala! Huwag ka umiyak baka mapagalitan ako!" Pag-aalo ko rito pero mas lalo lang lumakas ang pag-iyak. Bakit ba lagi na lang umiiyak ang isang 'to?!

"Shh, s-sige. Friends na tayo from now on," pagpapakalma ko, "Uy, 'wag ka nang umiyak." Tumigil naman ito pero paminsan minsan ay humihikbi parin, sumisinghot-singhot pa tapos magpupunas using the back of his arms. Ew, gross.

Inilabas ko 'yung bago kong handkerchief para punasan ang mukha niya, "Bakit ba palagi ka nalang umiiyak?" iritado kong bulong na mukha namang narinig niya.

"Eh k-kasi, n-natatakot ako s-sayo eh." What? Ano namang ginawa ko para matakot siya? Mas nakakatakot pa nga 'yung mga bullies kaysa sa'kin. "Bakit parang kasalanan ko pang duduwag-duwag siya?" Bulong ko sa hangin pagkatapos ko siyang punasan.

"Okay ka na? 'Wag ka na ulit iiyak 'pag kasama ako, baka mamaya sabihin nila binunully kita." Tumango-tango siya, "Anyway, since were friends now. What's your name?" napipilitan kong tanong sa kaniya.

"Lex..5th Grade." Ngumiti siya. 

Umabot na'ko sa chorus ng kanta, reminiscing my middle school days, "How can I move on when I'm still in love with you?" I'm not in love with the kid I met in middle school, he's just.. my best-est friend except from Carrie. 

"'Cause if one day you wake up and find that you're missing me.." I strummed a bit louder when I reached the chorus while flashback flooded my memories.

"Rai! Sabay na tayong mag-recess, may isa pa'kong baon. Pinabaon ni Mommy kasi sabi ko may new friend ako!" Masigla niyang sabi sa'kin nang makasalubong niya ako sa hallway.

"Ha?" I was trying to avoid him as much as I can. Kasi na-aawkward ako.

"Let's have lunch together, sabi ko!" Pagkasabi niya n'un ay hinila niya ako papunta sa cafeteria.



"And your heart starts to wonder where on this earth I could be.." 



"Lex, meet Carrie. My friend. Carrie, this is Lex," bored kong pagpapakilala sa kanila. Ito kasing si Carrie, kinukulit akong sino raw 'yung 5th grader na kumakalat na boyfriend ko.

Like what? He's like my little brother na! And I'm just grade 6 for pete's sake!

"Hi Carrie." Napalingon ako kay Lex, come to think of it. I didn't even know his full name. Well nevermind.

"Hoy, Lex. Address her as Ate Carrie. Napansin ko rin na 'di mo'ko tinatawag na ate ha! Learn to respect someone who's older than you!"

"Opo, Lola Rai," pang-aasar nito, "Aba't! Lex!" He stucked out his tongue kaya lalong sumama ang tingin ko sa kaniya tsaka siya tumakbo, "Come back here, you little squirt!" Tsaka ko siya hinabol. 

"Dahan-dahan sa pagtabo, Lola Rai! Baka sumakit tuhod niyo po!" pang-aasar pa nito habang tumatakbo kaya lalo akong nairita, "Kapag ikaw talaga nahuli ko!"



"Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet.."



"Rai! I aced the test!" Masaya niyang bungad sa'kin nang magkita nanaman kami sa playground ng neighborhood namin. Nung nagsimula na kaming maging close, nalaman kong taga-dito lang din pala siya sa neighborhood namin.

I hate you, Arrogant Guy.Where stories live. Discover now