SIETE

10 3 0
                                    

SEVEN.



"Goodmorning, class," bati samin ng adviser namin.

"Goodmorning, Sir Arellano," bati namin pabalik.

Binaba niya ang mga hawak niyang libro at kung ano pa mang kaechosan sa table niya.

"Today we won't be having a class, instead we will do the planning for this upcoming festival."

"We start with what booth will our section present?"

Kung ano-anong mga requests ang mga sinabi nila, may horror booth-- which is very common, may face paint booth-- hindi pwede dahil bilang lang samin ang mastered ang arts, may food booth syempre, which is maliit ang chance na mag-success since mukhang marami nang nakaisip n'un.

Sa hinaba-haba ng arguement, nakatingin lang ako sa labas. Hindi naman ako aattend diyan kasi, delikado. It will kill me for sure. I bet.

Ok, ang OA na. It's just sana walang makaisip nung dating booth, not that there are so many men who want to date me, I don't want to be assuming but all the running and hiding thing sa buong event is what I loathe about that booth. I hate to sweat. Ew.

After a very long conversation between our adviser and our classmates, na hindi naman considered as conversation, kasi sabay sabay silang nagsasalita, much better if we describe them as a choir, they ended up picking marriage booth.

Meh, so lame. Who wants to be married at a young age anyway? I rolled my eyes in such nonsense.

"Ang taray ha," komento naman nitong katabi ko. "Hindi ka interesado?"

"Do I look like the kind of person who loves going to such crowded places?"

"No." Umiling siya. "Because you are not good at interacting with other people."

"Oh shut up, Lex."

"Pero hindi nga? Wala ka bang crush? Pwede mo siyang ipakasal sa'yo."

"What the hell? I'd rather be an old hag with 12 cats than marrying bullshits."

Humawak naman siya sa dibdib niya at umarteng nasasaktan, "Ouch. Tinawag mo ang mga lalake na bullshits. Nasaktan mo pride ko bilang lalake."

"Lalake ka pala. 'Di ako nainform."

"Wooh, ang sungit. Mukhang may bisita."

"Fuck off, Lex."

Natahimik kami nang mapansing pinapanuod kami ng buong klase, including our adviser na nakangisi.

"I never thought you were this vocal, Miss Fontanilla. I haven't heard you spoke a lot these past semesters."

"Ok class, moving on. Let's find our representative as Mr. and Ms. Phlinians."

Maya-maya ay may nag-taas ng kamay sa mga kaklase naming lalake, "Sir! I nominate Lexus Cuevas, sir!" agad namang sumang-ayon ang iba naming kaklase.

Natahimik naman si Lex at halatang naiinis. Natawa ako kaya tinignan niya ako ng masama, naiinis siguro dahil siya ang napagtripang isali.

At the end, nag-agree ang lahat na si Lex ang gawing representative ng course namin. Tinapik ko naman siya sa balikat at kunwaring naaawa sa kanya.

Inirapan niya lang ako, what a gay!

"All right, now that we already have our representative for Mr. Phlinians, let's find our representative for Ms."

As usual, ang na-nominate is si Lilienne, well she's not that bad. She's a beauty and brains. Kaso minsan 'di niya ginagamit brain niya.

Nagkibit-balikat lang ako. I won't attend the festival anyway, I could slouch on my bed. Imagining plushies in my dre-

"Sir, I won't be attending the pageant if it's not Railan Fontanilla who will be my partner." Napalingon ako sa kanya nanlalaki ang mata habang ang mga kaklase naman namin ay nagsipag-angalan.

What the hell! I was already imagining my sweet haven since I'm not going and now, this?!

"What the fuck are you talking about, Lexus?" madiin kong bulong kaya nginisian niya lang ako.

Argh! This kind of his comebacks! I swear I'll cut his throat off!

"So Ms. Fontanilla?" tinignan ako ng buong klase.

"Sir, I'm declining," huminga ako ng malalim, "I don't have plans on attending the festival, sir." Madiin kong sagot kaya nakaani ako ng reklamo sa mga kaklase ko.

"Rai naman oh!"

"Ang arte naman!"

"Si Lilienne nalang kasi!"

"Daming alam ni Lexus!"

"Then I won't be going too, Sir," kampanteng litanya ni Lexus habang naka-cross arms at prenteng nakasandal sa upuan niya.

Wait 'til our break time Lexus, you'll be dead meat!

"Ms. Fontanilla, I'll give you extra credits if you will join the pageant."

Oh, a negotiation. Should I accept it?

Bumuntong-hininga ako at humarap kay Lexus, "Why me?" nagkibit-balikat lang siya.

"Fine, sir," bago pa makisabat ang mga kaklase ko, "And I'm not accepting the extra credits. I want to play fair."





"Huy, Rai!" Did I just hear something? Nope.

"Rai naman eh!" I'm not informed that air can talk. Unbelievable.

"Rai, sorry na!" Nilampasan ko lang siya nang hinarangan niya ako sa hallway.

Talk to my freaking hand, Cuevas!

"Rai naman, gusto ko lang naman umattend ka sa festival. You see, wala akong makakasama dun."

Hinarap ko siya, "Gusto mo pala ako umattend, sana sinabi mo. Hindi yung hinila mo pa ako diyan sa letcheng contest na yan," tsaka ko siya tinalikuran.

Manigas ka, Cuevas! Manigas ka!





Saktong kakatapos lang namin mag-practice nang may nakita akong nakasimangot na siopao— este babae.

"Agang sibangot naman." Tinignan niya ako ng masama.

Lumapit ako sa kanya, may naka-plaster na ngisi sa mga labi ko, "Tingin mo makakalimutan ko ang ginawa mo sakin?" sabay turo ko sa pasa ko.

Ngumiti naman siya, "Syempre hindi. Ako may gawa niyan eh."

Aba at proud pa!

"Ginasgasan mo ang gwapo kong mukha!"

"Kung tinigilan mo kasi agad ako, hindi magagasgasan 'yang mukha mo."

"Gwapong mukha ko!" pagtatama ko.

Tinignan niya ulit ako ng masama, "Wala akong pake. Get out of my way."

"Paano kung ayoko?" pang-aasar ko at lalong humarang sa daan niya.

"Ayaw mo? So that means gusto mong ipantay ko yang black-eye mo? Sa kabila naman."

Sumipol ako, "Looks like someone is in a bad mood."

"Sisihin mo yung lalakeng yon!" turo niya sa lalakeng humahabol sa kanya at hinihingal. Paglingon ko, nakaalis na siya.

Awit, may lahing ninja.

"Pre naman, sana pinigilan mong makaalis," hinihingal na sambit nung tinuro ni Rai kanina.

"Ba't banas yun Lex? May ginawa kang kagaguhan no?" tanong ko sa kanya, of course kilala ko na siya. Mutual circle of friends. Kung 'di ko lang tropa 'to ay baka binangasan ko siya sa paglapit-lapit kay Rai.

Napangiti naman siya ng alanganin, "Oo. Pinasali ko siya sa pageant."

Tinapik ko nalang ang balikat niya tsaka umalis.

Napangisi ako ng may naisip akong idea, stay still Railan. Wala ka nang kawala pag nasagawa ko na ang plano ko..

-----

>_<

I hate you, Arrogant Guy.Where stories live. Discover now