NINE.
"What now?" Tanong ko nang nasa harapan na kami ng pintuan ng studio nila.
Hindi niya ako pinansin at pumasok sa loob ng studio, ako naman ay nananatiling nakatayo sa labas.
Bahala siya kumausap diyan.
Maya-maya ay sumilip ang ulo niya sa pinto, nakakunot ang noo na tinanong ako, "Anong ginagawa mo diyan?"
"Kinakausap yung sahig," sarkastiko kong sagot kaya tinignan niya ako ng masama.
"Pumasok ka nga dito," pinahinto ko siya, "At bakit?"
"Natural, sino bang magtatalent? Ako ba? Ako?" Nakangiwi niyang sagot.
Napairap nalang ako at sumunod sa kaniya, whatever noisy ass.
"Hey, guys," tumikhim siya, "As I said kanina, nung wala pa yung candidate," sinadya niyang diinan yung sinabi niya habang nilingon ako, "Sir Arellano assigned us to help their representative for her talent."
"Ano namang itatalent mo, Ate? Bukod sa pagbabasa ng libro." Nagtawanan naman ang mga ka-grupo ni Raf dahil sa pang-aasar niya kaya nakatanggap siya ng masamang tingin mula sa'kin.
"I can punch really hard, Raf. Especially boys who are a year younger than me," I smirked.
Raf made faces, then I felt an arm wrapping around my shoulders, "Yeah, proven and tested."
Nagtawanan naman ang mga ka-grupo nila nang marealize nila ang sinabi ni Vince, "But, damn, hindi naman ako 1 year younger sa'yo, bakit yung sapak mo parang may halong galit na tinago mo sa loob ng ilang taon?" Tsaka siya ngumiwi at humawak sa mukha niya na may bakas pa ng suntok ko.
Bagay sa'yo, mukha kang dalmatian.
"You deserve it." Umirap ako.
Nagtatalo pa kami nang may tumikhim sa kagrupo nila, "So ayun, kala ko ba may pag-uusapan tayo dito? Para kayong mag-asawang nagtatalo diyan." Nagsipagtawanan nanaman sila.
Wow, happy kayo diyan?
Ngumiwi naman ako habang nakangisi si Vince, tuwang-tuwa ang talinpadas.
"As I was saying, Sir Arellano recommended us to help her with her talent, and he is suggesting that Ms. Fontanilla here," ngumiti naman siya ng nakakaloko paglingon sa'kin, "do a dance act."
Natahimik silang lahat, ang magaling kong kapatid ang unang-una na bumasag ng katahimikan.
Humagalpak siya ng tawa habang hinahampas hampas ang binti niya, "Si Ate? Papasayawin niyo?" Tumawa nanaman siya, habang ang mga kagrupo niya ay napapantastikuhang tumingin sa kaniya, "Matigas pa ata sa bakal katawan niyan eh."
Damn you, Raf!
Ang tinutukoy niya kasi is yung napilitan akong pinasayaw noong family reunion namin which is, I think 9 to 10 years ago.
Siya lang naman hindi makalimot!
"Shut up, Raf," napipikon kong sagot.
"Trust me, iba nalang ipatalent niyo kay Ate. It would be very horrible if you ask her to dance." Ang OA niya! Nakakairita!
I rolled my eyes, "I better leave. No need to help me for the talent, I can do it on my own. And I'll make sure na walang makakarating kay Sir na walang naganap na tulong tulong about sa talent," tsaka ko sila tinalikuran.
YOU ARE READING
I hate you, Arrogant Guy.
Fiksi RemajaRailan was always being faithed to see Vince. An arrogant cold guy who is a man of few words. But Rai didn't know, that this Vince is always keeping an eye on her, but he can't come close to her. Until time comes when he already fought his fear and...