FIVE.
Kakatapos lang ng routine namin nang makisuyo sa'kin si Raf.
"Vince, baka pwedeng ikaw na magbukas ng pinto. Magc-cr lang ako."
Tinignan ko lang s'ya kaya napangiwi s'ya.
"Sige na oh, ayaw kasi n'yang pinaghihintay s'ya."
"Girlfriend mo?" tanong ni RJ.
"Basta, Vince ikaw na magbukas," tyaka s'ya tuloy tuloy na umalis.
"Bak-" bakit kailangang ako magbukas? Bastos amputa, kinakausap pa eh.
Napipilitan akong tumayo at lumapit sa pinto.
"Andiyan ba si Raf?" Pucha.
Seryoso ba'to? Tang'na mo Raf.
Tumango nalang ako. Hindi ako makapagsalita.
Nagkandaleche-leche na talaga.
Kaya ba ako yung pinagbukas ni Raf ng pinto? Alam ba n'ya? Kung oo, paano? Sinabi ba ni Kian sa kanya?
Puta, ano na?
Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayang nakapasok na s'ya.
Maya-maya lumapit sa kanya si Raf. Magkaano-ano sila?
Girlfriend? Bestfriend? Mag-pinsan?
I'd rather choose the latter.
Kumuyom ang kamao ko nang makitang inakbayan ni Rai si Raf.
Pinagmamasdan ko lang sila mag-usap, kung paano kumapit ang kamay ni Raf sa damit ni Rai, kung paano dumampi ang kamay n'ya sa braso nito.
Ano 'to torture?
Maya-maya ay lumapit sa'kin si Kian at bumulong, "Easy-han mo lang, Vinvin."
Nag-simula na kaming mag-practice ulit, at hindi ko mapigilang tignan pabalik-balik si Rai.
"Vince!" Hindi ko alam kung pang-ilang beses na nabanggit ni Manager ang pangalan ko, "From the top!"
Sunod-sunod na umangal ang mga kagrupo ko.
Sisihin n'yo 'yung babaeng naka-upo sa gilid na parang walang pakielam sa mundo!
Maya-maya ay lumapit nanaman sakin si Kian, "Vinvin, mahahalata ka n'yan eh. 'Wag mo titigan masyado, baka matunaw," pang-aasar n'ya sakin kaya tinignan ko s'ya ng masama.
Natapos ng matiwasay ang practice namin, kahit na ilang beses nanaman ako nasita.
Sino ba 'yang babaeng 'yan para guluhin ang focus mo, Vince?!
Nakatanggap ako ng sandamakmak na batok, hampas at suntok galing sa mga ka-grupo ko.
Though pabiro lang naman, masakit parin kasi mabibigat kamay nila.
Dahil nga binugbog ako ng mga ka-grupo ko, hindi ko na namalayang naka-alis na sila Rai at Raf.
Shit. Saan naman pupunta ang mga 'yun?!
Pagka-uwi ko ng condo, dumiretso agad ako sa kwarto ko at pinabayaang bumagsak ang katawan sa kama.
I can almost hear the plushies in my dreams when I heard a noise.
A loud and continuous knocks, specifically.
Irita akong bumangon habang papikit-pikit pa.
YOU ARE READING
I hate you, Arrogant Guy.
Novela JuvenilRailan was always being faithed to see Vince. An arrogant cold guy who is a man of few words. But Rai didn't know, that this Vince is always keeping an eye on her, but he can't come close to her. Until time comes when he already fought his fear and...