THREE.
Nasa kalagitnaan ako ng klase ko sa Calculus nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko.
Pasimple ko itong kinuha sa bulsa ng skirt ko, only to see a text from my brother.
I thought it was important, so I opened it.
From: RafArfArf
Ate, punta ka ng practice ko mamayang 4pm. Pls. :3
Napairap ako sa message n'ya pero muntik na'kong matawa nang makita ang name n'ya sa contacts ko. S'ya ata nagset n'yan.
Kabaliwan, magkapatid ba talaga kami?
Of course, parehas kayong may sapak sa utak.
Tinignan ko ang oras, at nakita kong malapit nang matapos ang klase.
Tinago ko ang phone ko, mamaya nalang ako magrereply. Baka madetention pa'ko.
Nang makalabas ako agad kong nilabas ang phone ko at nagtipa ng reply para dun sa kapatid ko.
To: RafArfArf
Can't. My bed's calling me.
Nagsimula na'kong maglakad, nang bigla nanaman s'yang nagreply.
From: RafArfArf
Sige na, ate. Ngayon lang naman eh. Please?
Nagtipa nanaman ako ng reply sa kanya nang may nakabangga ako kaya nahulog ang cellphone ko.
"Shit!" Yumuko ako at dinampot ang phone ko, still checking kung may damage kaya I tried to turn it on.
Nakahinga ako ng maluwag nang mag-on s'ya.
Thank God.
Tinignan ko ang nakabangga ko, "Ikaw na naman?" naiirita kong tanong.
Pinadaanan n'ya lang ako ng tingin saka bumaba ang tingin n'ya sa phone ko.
"What?" takang tanong ko.
He's weird.
Tumingin lang s'ya ulit sakin, saka ako nilampasan. Just like the first time we saw each other in the bookstore.
Ew, it sounds so cringe.
Umirap nalang ako, saka tinawagan si Raf. Baka mamaya may makabangga nanaman ako.
Hindi na kakayanin ng braincells ko.
"Oh ate?" bungad n'ya.
Hindi ba uso ang hello? hi?
"Really can't go," maiksi ko lang na sagot.
Nakarinig naman ako na parang may nagshuffle shuffle sa paligid. May narinig din akong tugtog at mga boses. Mukang nasa studio siya.
"Napatawag ka pa para sabihin yan?"
"Ah kasi.." baka may makabangga nanaman akong asungot, "I just don't want to. Bakit ba gusto mo 'kong pumunta jan?"
"Basta Ate, punta kana. Susumbong kita kay Papa, na bumili ka nanaman ng mga plushies nung isang araw," pananakot n'ya.
"Paano mo nala—" pinutol n'ya ang sasabihin ko.
"Ang isda nga naman, nahuhuli sa sarili n'yang bibig. Basta punta ka ate ha, or baka pagdating mo sa condo mo, wala na plushies mo. Bye, Ate!" Bigla nalang naputol yung linya. Tsk. Naisahan na naman n'ya ako.
Napabuntong hininga ako at bumalik papuntang Main Building.
I curse you, Raf! I curse you from the top of my lungs!
YOU ARE READING
I hate you, Arrogant Guy.
Teen FictionRailan was always being faithed to see Vince. An arrogant cold guy who is a man of few words. But Rai didn't know, that this Vince is always keeping an eye on her, but he can't come close to her. Until time comes when he already fought his fear and...