••CHAPTER TWELVE••
"Malapit naba?" pabulong kong tanong kay Baste.
"oo ayan na malapit na,lalabas na"nakangiti at pabulong nitong tugon.
jusq kinakabahan ako sa ginagawa namin.
"Bea lalabas na bilisan mo."mahinang usal nito.
Binilisan ko naman ang kilos ko habang hawak hawak ang matigas na bagay sa kamay ko.
takte hinihingal na nga ako sa kaba ambobo neto.
Parang sasabog sa kaba puso ko habang sinisilip si Atana na papunta sa may garden namin na kakalabas lang ng gate nila.
Nakatago ako ngayon sa may halamanan hawak ang isang matigas na itlog na dipa luto habang si Baste naman ay nasa di kalayuan ko lang naka pwesto.
Kala niyo naman kung ano na?mga utak niyo rin e jusq andudumi!
Birthday kasi ni Atana ngayon at may gagawin kaming katarantaduhan sa kanya kaya kinakabahan ako kasi baka ibalibag niya kami papuntang ilog pasig pagkatapos naming gawin yung plano namin sa kanya HAHAHAH.
"Kuya san si barbara?"naka-
pameywang na tanong neto kay Baste."Abay ewan bat mo sakin hinahanap,tanungan ba ako ng mga nawawalang tao."pagkukunwari ni Baste.
Nakita ko naman napa irap si Atana sa kanya.
"dami mong dada,nakita ko siya kasama mo kanina paglabas ko ng gate.bat ba siya nagtatago su-surprise nyoko no?"untag niya habang naka ngiting asong buang.
Sinilip ni Atana ang mga halaman sa kabilang banda ng garden dahil akala niyang dun ako nagtatago pero nang di niya ako nakita dun ay lumipat na siya sa may bandang pinagtataguan ko.
Akmang hahawiin niya na sana ang halaman na pinagtataguan ko nang lumundag ako patungo sa kanya at pilano ang itlog na hawak ko sa ulo niya mismo.
"HAPPY BIRTHDAY ATANAAA"Sabay naming bati at tawa ni Baste dahil tagumpay ang plano namin.
Si Atana naman tila nasemento sa kanyang kinatatayuan habang dahan dahang umaagos sa katawan niya ang itlog mula sa ulo niya.
"AYOKO NA SA INYOOO ANG BABABOY NIYOOOO!"buong lakas na sigaw neto pero busy parin kami sa pagtawa ni Baste.
"ang unfair mo barbara ha!hindi kita biniyakan ng itlog sa ulo mo nung birthday mo!"inis nitong bulyaw sakin.
"uy diko kasalanan yuuun HAHAHAHAH"sabi sabay pahid sa mata ko naluluha na kakatawa.
"ang baboy niyo pramis!"naiiyak netong usal
Kawawang nilalang HAHAHA
Maya maya pa ay dumating na din si Evan sa garden,agad namang nagsumbong ang bruha sa kanya.
"Evan oh biniyakan ako ng itlog sa ulo ng tarantado mong kapatid"pabebe netong sabi
"bat niyo naman ginawa yun alam niyo namang birthday niya ngayon tas gaganyanin nyo"sabi neto sabay punas sa mukha ni Atana na may itlog."oh happy birthday nga pala babe"patuloy nito sabay halik sa pisngi ni Atana at dahan dahang kinuha sa bulsa at pinalo sa ulo ni Atana ang itlog na buti nalang di nabiyak sa loob ng short niya.
Halos mamatay na kami kakatawa sa reaksyon ni Atana nang maramdaman niyang biniyakan din siya ni Evan ng itlog sa ulo.
"Ang baboy mo!akala ko iba ka sa kanila."pagdadrama nito at naupo sa may bandang basang lupa.
"Babe alam mo namang parang tradisyon na natin yang pagbibiyak ng ulo sa itlog ay tanga I mean pag bibiyak ng itlog sa ulo tuwing may birthday"halatang kinakabahang sabi ni Evan at dahan dahang lumapit kay Atana na ngayon ay tinatakpan ang mukha gamit ang mga palad niya na para bang umiiyak.
YOU ARE READING
Luckily Unlucky
RomanceIn every happiness there are different cruel consequences. -Zane Beatrixx Corchavez ×ON GOING×