CAPITULO SIETE

10 2 0
                                    

••CHAPTER SEVEN••

Masaya akong gumising maaga para maghanda sa muling pagpasok ko sa school,tagal ko din nawala e.Mahigit two months,namiss ko din mga badjao kong kaklase at lalong lalo na siya.ehe.

Two days after naming malaman ang result ay dinala agad ako nila mama papuntang Spain para dun operahan.Binilin naman nila si Evan kina mama Meg.Nandun kasi ang foster parent ni papa na lolo ko,siya rin nagbayad ng pampa opera ko at pinag stay ako dun ng one month para daw makapag bonding kami kasi di daw namin alam kung kelan siya mamatay.

Pure pinoy si lolo inadopt niya si papa nang makita niya ito sa isang bahay ampunan kung saan siya nagbibigay ng mga donations noon,nabaitan at naawa daw siya kay papa kaya niya inampon tsaka wala din siyang asawa't anak kaya yun.

Nung nag 15 si papa ay lumipat na sila ni lolo sa Spain dahil nandun na ang trabaho ni lolo.Pero nung nag 24 si papa e nagdecide siyang umuwi ng Pilipinas para sana hanapin mga totoong magulang niya kaso nabigo siya,pero dahil sa pag uwi niya ng Pilipinas nakilala niya naman si mama.

Tapos sinama niya si mama pabalik ng Spain dun sila nagpakasal at dun kami ipinanganak.

Nung 10 years old na kami ni Evan saka lang kami bumalik ng Pilipinas at dito na nanirahan.



Ayaw pa sana ni lolo na umuwi ako kaso wala din siyang choice kasi nag aaral din ako.Then one month din akong nag stay dito sa bahay para sa full recovery ko kaya sobrang nakakamiss talaga pumasok at gumala.

"Piglet!handa kana ba?"tanong ni Evan sakin nang pumasok siya sa kwarto ko.

"oo tara na"tugon ko naman.

Bumaba na kami at nag paalam kay mama,wala na si papa maaga siyang umalis.

Sumakay na kami sa kotse pero may napansin ako na parang may kulang.

"bat wala ata si Baste?"tanong ko kay Evan.

"ay nilagnat ang gago kaya di muna papasok"natatawang sagot naman nito.

"nadadapuan din pala ng sakit yun?HAHAHA"pabiro kong namang baling.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa maka abot na kami sa gate ng school.
Nauna naman ako sa kanya dahil may gagawin lang daw siya sandali sa kotse.Ano kaya yun?ay dumi ng utak mo beh lika linisan natin!HAHA

Habang naglalakad ako sa hallway ay may napansin akong malaking tarpaulin na nakasabit sa labas ng student council office.

Nang makalapit na ako dun ay huminto muna ako at tinignan kung ano yun.

'Congratulation new Student Council Officers'

Yun ang pinaka unang nakasulat doon.Bumaba naman ang tingin ko sa Student Council president.

Tsk.nalintikan na talaga,siya talaga ang nanalo.Walang hiyang Elizundo!mabaog ka sana animal ka!

Sunod ko namang tinignan ang Vice president,halos lumabas ang mata sa pagkabigla.Di ako makapaniwala!

'SC VICE PRESIDENT:LIAM LUX FIBLANCO'

SHIT!seryoso to?!tumakbo siya?whoa!

Pagkatapos kong tignan lahat ng mga nanalo ay naglakad na ulit ako papuntang room.

Di parin ako makapaniwala na tumakbo siya,napaka out of the blue rin naman kasi e.Sa pag kakaalam ko wala siyang plano sa mga ganyan.Pero ewan malalaman ko nalang pala bigla na siya na ang bagong SC vice president hanep! .

Nang nasa harap ng pintuan na ako ng classroom namin ay nagtaka ako kung bat naka sarado ito,naka close lahat ng bintana at sobrang tahimik na parang walang tao sa loob.

Luckily UnluckyWhere stories live. Discover now