The Magic Now Begins~ Chapter 4♥

31 1 1
                                    

*Elaisa's Pov*

"Christian!?" Nagulat ako. At ganun din ang ekspresyong nakapinta sa mukha niya at ng mga kaibigan ko.

Ang lalaking ito ay isang certified PLAYBOY! Opo, tama kayo ng rinig. PLAYBOY! Muntik na nga akong madale niyan! Buti nalang....

"I thought your gonna stay away from us!" I hissed.

"Tch. Shut up you filthy bitch. You don't wanna hook up with me anyway. So I'm gonna take away your friend." Muntik nya na sanang hatakin si Cassiopeia kung hindi lang dumating itong si Adrielle.

"Hey." Hawak ni Adrielle sa kamay ni Christian "Yan, stop it this instance if you don't wanna mess up with Yverson."

At parang sira, itong si bhespren eh biglang natauhan ata nung narinig ang pangalan ni Yverson. "Yverson? Ampupupu! Ampanget naman noooon eh!"

"Panget ba kamo!?" Aniya ng panget nagang katabi ni Adrielle at agad na hinigit ang kamay ni bhes at hinatak papalayo kay Yan (nickname ni Christian! Kapangalan pa nga ng ampupu na taong iyon eh *points at Yverson*)

"Musta na dear brother..." Yan grinned as Yverson's face was dark.

Brother?! Brother ba kamo!? Huh! /(*_*)\

*Yverson's POV*

#Earlier#

"Yow!" Bati sakin ni Adrielle. Bakit ba ang good mood nito ngayon? Nakakabad-vibes! Tch! Palibhasa kasi inlove at pinapansin.

Matapos ang ball na inyong nabasa a few chapters ago, eh si Cassiopeia (I prefer her to call her by her full name) ay naging ubod ng ganda sa mga mata ko na parang isang palakang biglang hinalikan ng prinsipe ay lumabas ang ganda! Tsaka!!!!

Anyway highway back to our convo...

"I heard that your brother is here!" -Adrielle

"And so?" I calmly said "what if Christian is here?"

" He might actually get your girl."

"Get my girl?" I repeated. What is he trying to explain?

"Cassiopeia?" He stood up and turned his back at me "you don't want to lose that girl don't yah?" And he walked away.

Don't wanna lose that girl, huh...

***

"Aaaaaaaaaah!" Sigaw niya sa tenga ko hanggang sa makarating kame sa likod ng school building. Binuhat ko siya hanggang roon kasi kanina...kanina...

Teka! Bakit nga ba ko siya binuhat!!!!!

Baka kasi nakakaalibadbad ung mukha ni Yan...?

Baka kasi ang ingay ng cafeteria...?

Baka kasi...nagseselos ako kay Yan at Eya?













Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Anung nangyayare sau Yverson!

"Hoooy!" Kaway niya sa mukha ko. "Hooooy~! Pwede mo naman akong ibaba :P"

Ibinababa ko siya at pilit niyang inayos ung sabog-sabog niyang buhok.

"Anyare sayo ha Yverson?" Sabay kunot ng noo niya at nag-indian seat ang upo "I need an explanation!"

"Wow ah, maka pang hingi ng explanation to kala mo girlfriend ko..."Singhal ko

Namula siya ng todo. Nakita ko yuuuuun! "Bakit!? Ano naman masama kung magtanong sayo ang tao ah!?" Tapos tumayo na siya at kinurot ung ilong ko "porket ba matangkad ka! Gwapo ka! Crush kita eh gaganyanin mo na lng ang katulad ko ha!?"

Crush daw niya akooooooo -O- wow!

"Cresh meh ekeh?" Malango-ngo kong sabi kasi nga diba piningot niya yung ilong ko?!

"Oo!" Tapos parang narealise niya yung sinasabi niya eh bigla nya akong sinapak at tinadjakan at piningot ng todo todo ung matangos kong ilooooong! Owwwww!

"Anong bang probl---"

"Ikaw!" Hinampas niya yung braso ko ng sobrang lakas habang nakapingot paren sa ilong ko. Yung mukha nya pulang-pula parang kamatis. Hindi ko alam kung sa galit ba niya o kilig. Pero ng makita ko ang mga mata niya, parang naguluhan ako.

Bakit siya umiiyak?

"Ikaw ang problema! Ikaw! Bakit kasi ang gwapo mo! Bakit kasi ang payat mo! Yang singkit mong mga mata nakikita ba ako!? Epal ka eh. Masaya naman ako nung una. Zero kasi ako pagdating sa test ng pag-ibig! Gumive-up na ako dian na parang sa mga Physics exam ko na kelan man ay hindi ko na maiintindihan pa! Pero ano to!? Ha!? Bakit nung gabing yun, ambilis ng tibok ng puso ko habang nakangiti ka sakin? Bakit nung gabing iyon pinaalala mo sakin na may solution pa...? Kailangan ko lang imemorize yung formula sa pagsolve ng problemang ito!? Bakit?" Tapos tinanggal niya ang pagkakapingot nya sa ilong ko at humagolgol nalang sa aking harapan

Wala akong magawa. Hindi ko alam kung pano siya patatahanin. Hindi ko alam.

"Alam mo kung bakit ako ganito kagulo ngayon?" Matamlay na ngisi niya sa akin

Tahimik paren ako sa kanyang harap at gusto ko siyang hawakan at hagkan kasi dito sa dibdiban ko ay parang may kumikirot .

"Dahil sa mga sinabi mo nung gabing iyon." At tinalikuran niya na ako para tumakbo palayo sa akin.

Isa lang ang naramdaman ko nun...

Masakit pala ang iwan ka...

Masakit...

A/N: hi guys. Nakapag-ud na ako ah haha! XD hugot ko galing sa physics test namen kanina na wala akong masagot! XP haha dedicate ko ren pala ung hugot na yun sa crush ko lolers

One Night Cinderella (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon