Lj - LALAiNE JEY'S POINT OF VIEW
Nagising ako dahil sa tawag na nanggagaling sa cellphone ko, at pagtingin ko sa screen kung sino 'yung tumatawag ay agad kong sinagot iyon..
"O bakit? Ang aga pa e.." agad na tanong ko habang kinukusot-kusot ko pa ang mata ko..
("bunso, gising na..ngayon ang pasok mo sa school diba? bumangon kana dyan..maligo kana okay? Okay na yung files mo, kahit huli ka nang 2 weeks, nagawan ko naman nang paraan.. Wag mong kalimutang kumain nang breakfast.. at saka kumain ka nang marami and---")
"opo, alam ko na po, wag ka nang mag-alala, iingatan ko po ang sarili ko dito..kayang-kaya ko na 'to, no need to worry okay? Dalaga na po ako kuya, huwag muna akong tratuhin na parang baby.."
("good, that's my girl.. concern lang naman ako sayo bunso,e.. basta, mag-iingat ka dyan ah? Okay sige na, I'll call u later okay? maligo ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo.. i love you!")
"okay kuya, i love you too.. bye!"
Pagkatapos naming mag-usap ay napabuntong hininga na lamang ako.. kahit gusto ko pang Matulog, ay pilit kung ibinubuka ang mga mata ko. agad na akong bumangon at mabilis kong tinungo ang banyo para maligo.
Im LALAiNE JEY 'Lj' RAMIREZ.. 19, business management student, dalawa lang kaming magkakapatid, namatay ang daddy ko dahil sa car accident noong 16years old palang ako.at 24years old naman ang kuya LEXTER ko noon.
Wala pang isang taon nang mamatay si dad ay binawain din nang buhay si mom.. hindi ko alam kung ano ang ikinamatay nya, si kuya lang ang nakakaalam sa bagay na yun, ayaw naman nyang sabihin sa akin, kaya hindi nalang ako nagpupumilit.
27 years old na ngayon si kuya lexter, may girlfriend na sya pero wala pa syang balak na mag-asawa, nasa states sya ngayon, sya ang namamahala sa kompanya namin doon na ipinamana sa kanya ni dad nung nabubuhay pa ito..
sabi nya sa akin na doon ko nalang daw tapusin ang pag-aaral ko, pero tinanggihan ko sya, kasi ang gusto ko dito lang ako makapagtapos nang pag-aaral sa pilipinas.
Isinama ako ni kuya nun sa amerika pagkatapos nang libing ni mommy..kakagraduate ko lang nun sa high school.. 3 years din akong nanatili dun.
pinilit ko si kuya na gusto kung e.continue ang studies ko dito sa Pilipinas, 3rd year college na pala ako ngayon.
nung una, hindi sya pumayag, pero.. kalaunan ay pinayagan nya rin ako.. hindi kasi ako matiis nun.
Nag rent ako nang apartment dito sa manila.
naibenta na kasi ni kuya ang bahay namin noon. hindi nya kasi alam ang plano ko, kung alam nya lang daw na babalik ako dito sa Pilipinas, edi sana di nalang daw nya ibenenta ang bahay namin.
Pero, okay nalang din yun, kasi pag naiisip ko na ako lang yung tao sa bahay, baka, maiyak lang ako sa subrang lungkot, hindi ko talaga mapigilang maalala ang mga panahong nabubuhay pa ang mga magulang namin.. nakakamiss, sobra..
Pagkatapos kung maligo ay agad na akong nagbihis, 8:30 na pala, 9:00am naman ang 1st subject ko.. nalaman ko na sa saint claire university ako mag-aaral.. sinilip ko lang sya nung Friday..okay lang naman sya..maganda rin. malaki at mayayamang studyante lang ang nag-aaral dun.
Nagsimula na ang klase, 'nung last last week pa.. mabuti nalang at nagawan ni kuya nang paraan para makapasok ako dun kahit huli na'ko.
"DOON NALANG SIGURO AKO KAKAIN SA SCHOOL, BAKA MA-LATE PA AKO NITO."
Mabilis akong lumabas sa apartment ko at patakbo sa may waiting area. Mabuti nalang at may paparating agad na taxi.. sana naman hindi ako ma late nito, kahiya naman sa prof. namin..
BINABASA MO ANG
SOMEONE i LOVE -- imraiRML
Romance( COMPLETED ) Hindi uso sa akin ang salitang SERYOSO -- KENT ------ “Napangiti naman ako, nang makita ko ang mukha nang isang babae na nagsisilbing liwanag NGAYON ng buhay ko---ang masayahing mukha ni lalaine, habang nakatingala pa rin ako sa malawa...