KC'S POV
6pm na nang dumating na kami sa apartment nya.. hindi pa nya ako pinauuwi kasi gusto nya sanang manood nang movie..
Hindi naman ako makatanggi.. at saka syempre, gusto ko rin naman yun no.. lihim akong nagdiriwang sa isip ko pag pinipigilan nya akong huwag munang umalis. Nasa may sala kami ngayon at magkatabing naka-upo..
MY GIRL AND I ang pinapanood namin, medyo boring nung umpisa pero, maganda rin naman habang tumatagal.. nakakalungkot lang kasi namatay yung babae..
Si lalaine naman.. ayun, napaiyak na lang..
"Kainis naman, bakit namatay yung girl? Kawawa naman yung guy, nawala 'yung babaeng pinakamamahal nya.."
"pagsabihan mo yung gumawa nang kwento na yan, e-request mo na buhayin yung babae para happy ending na ang labas.." pagbibiro ko..
mabilis naman nya akong Pinalo sa braso..
"aw!"
"kung pwede lang sana, e.. ginawa ko na.. ikaw talaga..Kita nang nag eemote yung tao,e.."
"pinapatawa lang kita.. huwag ka nang umiyak.. tumingin ka nga sa salamin, nagmumukha ka nang multo, e.. kumalat na 'yong ang eye-liner mo sa mata."
"oh! talaga? naku, teka lang ha.."
Mabilis syang tumayo at nagtatatakbo patungo sa kwarto.. Napailing na lamang ako at dinampot ang V-CUT sa center table at saka isinubo iyon.. magsasalin na sana ako nang panibagong movie nang biglang dumilim ang buong paligid..
Naknang---Bakit ngayon pa? Paupo na sana ako sa sofa nang marinig ko ang malakas na sigaw ni lalaine.
"aaaaaaah!"
Agad naman akong nataranta at mabilis na tinungo ang kwarto nya kahit madilim ang buong paligid ay wala akong pakialam kung may masagi ba akong bagay papunta sa silid nya, bubuksan ko na sana ang pinto nang mabilis na iniluwa sya nito at agad na napatalon sa akin.
Bumagsak kaming dalawa sa sahig.. at dahil 'dun nauntog naman ang ulo ko.
panay pa rin ang pagsisisigaw ni lalaine habang nakadagan sa akin..
"aaaaah! Aaaah!"
"teka! ano bang nangyari? Huwag kang masyadong gumalaw.. nabibigatan ako.."
"ipis! Ipis.. ipis!!!! Aahh!" pagpupumiglas nya..
"t-teka, n-asan? h-huwag ka muna kasing masyadong gumalaw,e.. nabibigitan nga ako!"
Pero, panay pa rin ang pagpapanic nya habang nasa ibabaw ko..
"ayaw umalis nang ipis! Aaaah! Tanggalin mo! Tanggalin mo!" Sigaw parin nya habang nakasubsub ang mukha nya sa may bandang leeg ko.
"teka! Nasaan? Sabihin mo naman kung nasaan ngayon ang bwesit na ipis na 'yan! Kung bakit ba kasi ngayon pa nawalan nang ilaw,e.. wala tuloy akong makita!"
"nasa may hita ko! bilis tanggalin mo! Tanggalin mo! Aaah! Ayoko sa ipis! Ayoko talaga!!"
Mabilis ko namang kinapa ang dalawang hita nya.. habang nagpapanic pa rin sya..
"bilis! Bilis!"
"oo na. teka lang.. ang dilim, e.. kalma lang kasi!"
Nang makapa ko na ang ipis, ay agad kong kinuha ito at itinapon sa kung saan..bahala na, basta mailayo ko lang sya kay lalaine.
"o, wala na.. huwag ka nang magpanic.." Napabuntong hininga na lamang ako at kumalma na rin sya..
"hay! Mabuti nalang.." narinig ko rin ang pag buntong-hininga nya..
BINABASA MO ANG
SOMEONE i LOVE -- imraiRML
Romansa( COMPLETED ) Hindi uso sa akin ang salitang SERYOSO -- KENT ------ “Napangiti naman ako, nang makita ko ang mukha nang isang babae na nagsisilbing liwanag NGAYON ng buhay ko---ang masayahing mukha ni lalaine, habang nakatingala pa rin ako sa malawa...