CHAPTER 9

49 1 0
                                        

KC'S POV

"sigurado ka ba talaga na ayaw mong tanggapin ang regalo namin?"---jai

naiinis na sinagot ko si jai. "oo huwag na, at saka, sa inyo nalang yang mga regalo na natanggap ko kanina, iuwi nyo na kung gusto nyo, hindi ko kailangan ang mga yan.. isa lang ang kailangan ko,e.. tapos---arrghh! nakakainis talaga, bakit ba hindi nya man lang ako binati?"

"sino? Si lalaine sungit mo?"---jai

"sino pa nga ba? Maganda pa naman ang gising ko kanina.. tapos sinundo ko pa sya, niha-niho.. wala! Parang nakalimutan nya yata na birthday ko ngayon,e.. nginitian nya lang ako, tapos tinanong nya pa ako kung hindi ba daw masyadong makapal ang make-up nya, ewan ko ba dun..tapos nung lunch, nakita nyo naman diba, na.. panay lang ang tawa nya dahil sa mga jokes mo.. kahit nga kiss..wala,e!"

"wow! Ang saklap naman.. baka ayaw na nya sayo pare.." pagbibiro sa akin ni jai

Agad ko naman syang tiningnan nang masama. "anong sabi mo!?"

"ah.. hehe, joke lang naman yun, ikaw naman, di ka mabiro.." sabay kamot sa ulo nya.

"psssh! Hindi magandang biro yan jai 'a.. alam kong Mahal nya 'ko.. ramdam ko yun.."

"oo na, sorry na. nakikita rin naman namin,e.."---jai

"baka naman, marami lang syang iniisip kent kaya hindi ka nya nabati kanina.." singit naman agad ni matt.

"marami syang iniisip kaya hindi nya ako binati? Imposible naman ata yun..kainis naman talaga,o! kapag nakalimutan nya talaga, humanda talaga sya sa akin mamaya.."

Dahil sa inis ko, buong-lakas kong Sinipa ang upuan sa harap, mabuti nalang at tapos na ang klase.. at kami nalang tatlo ang naiwan dito sa loob nang classroom..

"o, kalma ka lang birthday boy.. kawawa naman yang upoan, yan pa ang napagdiskitahan mo.."---jairuz

"gusto mo, sayo ko nalang ibaling ang inis ko?"

"ah, hehe.. huwag naman, sayang naman 'tong mukha ko dre."---jai

"baka naghihintay na sayo yun kc.. halika na, sabay na natin syang sunduin.." agad namang tumayo si matt..

napa buntong-hininga na lamang ako at tumayo na rin.

"ang lalim nun kc.." asar na naman ulit sa akin ni jai..

"tumahimik ka nga! wala ka talagang magawa..sipain kita dyan,e.." kunot-noong binalingan naman sya ni matt.

"tayo na nga, ang bagal-bagal nyo naman.. mauna na ako,a..kc akin nalang tong mga regalo mo,ha.. hindi ko bibigyan ang isa dyan.." at mabilis na syang naglakad palabas.

Napailing na lamang ako, si matt naman, halatang nagpipigil nang tawa.

"ang sabihin mo, takot ka lang!" pang-aasar naman ni matt kay jai.

Napahinto naman agad sya, at mabilis nya kaming nilingon.. "hindi,a.. ako? takot? Mukha mo! baka naghihintay na dun si lalaine,e.. kaya bilisan nyo na dyan.."

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni matt, at sabay namin syang sinigawan..

"palusot mo, bulok! Hahahaha!" hindi na namin napigilan ang matawa.

kahit papano naman, ay nawala bigla ang inis ko.. hindi talaga ako nagsisisi na naging kaibigan ko ang dalawang ugok na'to. Ang saya pala kapag may isang abnormal sa grupo nyo..

------------------

"bakit ang sungit mo yata ngayon panget? Anong nangyari sayo?"

"NAGTATANONG KA PA TALAGA,HA?" "bakit dapat ba akong matuwa na makita kang nakikipagharutan sa classmate mong mukhang tilapia?"

SOMEONE i LOVE -- imraiRMLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon