KC'S POV
Nasa kwarto ako ngayon, Nakahiga sa kama habang pinagmamasdan ko ang mga larawan naming dalawa.. ang ganda nya talaga, kahit saang anggulo tingnan.. Habang tumatagal, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya..
Magtatatlong buwan na kami.. at sa loob nang tatlong buwan na yun ay mas lalo pa naming nakikilala ang isa't-isa..
Minsan napapansin ko na parang moody sya.. tinatawan rin nya kahit hindi gaanong nakakatawa ang mga jokes ni jai.. at saka minsan napapansin ko na parang nagiging clumsy na sya.. minsan rin, pinagtitripan ako---kunwari hindi nya nariririnig ang mga sinasabi ko tapos bigla nalang syang tatawa.. agad ko syang kinikiliti kapag ginagawa nya yun, ang sarap sa pakiramdam kapag naririnig ko ang bawat halakhak nya..
Kahit ganun sya minsan.. tanggap ko sya.. Mahal na Mahal ko talaga ang babaeng yun.. wala nang makakahigit pa sa kanya, sa kanya na umiikot ang mundo ko..
..sa kanya lang.
Agad akong napaigtad nang tumunog ang cellphone ko--mabilis kong sinagot yun..
"o,matt.. bakit?"
("PUB tayo, sama ka?")
"hmm, pass lang muna ako.."
("inuman lang naman tayo,e.. next week na ang birthday mo diba? sigurado akong, hindi kami ang makakasama mo sa araw na yun.")
"alam ko naman na, maiiintindihan nyo diba?"
("iintindihin ka namin hanggang sa huling hininga kc..ano, hindi ka ba talaga sasama dre? Wala namang babae,e.. inuman lang tayo..")
"pasensya na kayo matt pero, pass lang talaga muna ako.."
("o sya, sige na nga.. di na kita pipilitin.")
"salamat dre.. may lakad rin kasi ako ngayon, alam mo na.."
("yeah, yeah! I know.. ganyan talaga ang nagagawa nang pag-ibig.. cge, ingat ka.. ciao!")
"bye!"
Lj'S POV
"baby girl na naman,e.. ikaw talaga kuya..hindi na sabi ako baby.."
("o bakit naman? Masama ba? Sya nga pala bunso.. magsabi kanga nang totoo, minamahal ka ba nang boyfriend mo dyan? Baka mamaya, sasaktan ka lang nun 'a.. hindi talaga parin ako makapaniwala na may boyfriend ka na.. gusto ko pa naman sana na ako lang ang nag-iisang lalaki sa buhay mo..")
"si kuya talaga, nagtatampo.. syempre, pinaka special ka sa akin,no.. e, ikaw nga,e.. may baby ka rin dyan,e.."
("hahaha! Sino naman? Si Sandra? Hindi 'no..ikaw lang ang nag-iisang baby girl sa buhay ko.. at saka, ikaw rin ang pinaka special na babae sa buhay ko..")
"Inulit mo lang sinabi ko kanina,e.."
("hahaha. Totoo kaya yun.. kayong dalawa lang ni mommy ang pinaka special na babae sa buhay ko, wala nang iba.")
"e,talaga? Hala! Isusumbong kita kay ate sandra ha kuya..sigurado akong ibi-break ka nun.." pagbibiro ko.
Natawa naman sya lalo. ("huwag naman baby girl, syempre, special rin sya sa akin, pangatlo nga lang.. haha, at saka baby girl.. gusto ko na pagbutihan mo 'yong pag-aaral mo dyan 'ha? para sayo rin naman yan,e.. hindi ako mag-aasawa kapag hindi ka nakapagtapos nang pag-aaral.. may tamang panahon naman para dyan..")
BINABASA MO ANG
SOMEONE i LOVE -- imraiRML
Romance( COMPLETED ) Hindi uso sa akin ang salitang SERYOSO -- KENT ------ “Napangiti naman ako, nang makita ko ang mukha nang isang babae na nagsisilbing liwanag NGAYON ng buhay ko---ang masayahing mukha ni lalaine, habang nakatingala pa rin ako sa malawa...