CHAPTER 4

36 1 0
                                    

KC'S POV

"ano bang nangyari kc bakit sumusuko ka na, parang hindi ikaw si kc na kaibigan namin a.. hindi ka naman ganyan, nakukuha mo naman ang gusto mo kapag pinilit mo, at hindi uso sayo ang sumusuko kaagad.." sabi ni matt habang naka-akbay pa sa babae nya..

"oo nga dre. hindi ka naman dating ganyan.." wika naman ni jai habang hinihimas-himas pa nya ang hita nang babae nya.

Itinungga ko muna ang beer bago ko sila sinagot. "ewan, di ko alam.. basta ayoko na, at saka.. narinig ko na galing sa kanya ang matagal ko nang hinihintay, ang mag sorry sya sa akin.. tanggap ko nang talo na ako, kawawa naman kasi kayo, ako nalang palagi ang nananalo simula pa noon. Kaya ngayon pagbibigyan ko nalang muna kayo.. ayos ba?" sabay tango ko sa dalawa habang nginingitian ko sila nang nakakaloko.

"ayos 'a.. ikaw na talaga, ikaw na ang pinakamayabang.." sabi naman ni jai na halos Natatawa na.

"so, lalayuan mo na ang amasonang yun? tanggap mo na na hindi ka talaga magugustuhan nang babaeng yun kc?" tanong naman sa akin ni matt.

"tama nga kayo.. hindi ko nga mapapasagot ang babaeng yun.. hindi ko nalang ipipilit ang isang bagay na imposimbleng mangyari.. kaya, ayoko na, dito nalang ako kay cheska babe ko.. diba babe?" agad ko namang inakbayan ang babaeng nasa tabi ko.

"Chelsea babe, not cheska.." linaw pa nya sa akin.

"ow.. sorry." sabay halik ko sa pisngi nya.

"at ano ang plano mo ngayon kc?" tanong naman sa akin ni jai..

Napalingon naman ako sa kanya. "huh? Anong plano? Kanino naman? Kay miss sungit na yun? wala na uy, para saan pa, at saka.. hindi ko naman sineryoso yun no, naglilibang lang ako, kailan ba ako nagseryoso? ganun naman talaga diba? May hangganan ang lahat, Hindi ko na pagtitripan ang babaeng yun. hanap nalang tayo nang iba..marami naman dyan e." binalingan ko ulit si Chelsea na nasa kandungan ko ngayon. agad ko namang hinalikan ang leeg nya.

"wait babe, nakikiliti ako.."

"ang bango mo naman.. nakakagigil ka.." hindi ko parin tinatanggal ang mga labi ko sa leeg nya.. at pababa nang pababa iyon patungo sa dibdib nya habang nakapulupot ang braso nya sa leeg ko.

Napapitlag naman ako dahil may bumato sa ulo ko gamit ang bote ng mineral water.

"langya---ano ba?!" inis na sigaw ko.

"hoy kc! umalis na nga kayo.. wag kayo dito, doon kayo sa motel.." sabi naman ni matt na pilyong ngumiti sa akin.

"aish! Bwisit naman o.." mabilis na akong tumayo at agad na binalingan si chelsea "lets go babe.."

Habang papalabas kami nang PUB, narinig ko pang sumigaw ang dalawa..

"enjoy!" ---matt/jairuz

Hindi ko na nilingon ang dalawang ugok na yun, at itinaas ko nalang ang kamay ko, senyales na mauuna na ako sa kanila..

Nang makapasok na kami sa loob nang sasakyan, agad na naghubad si Chelsea, nakaramdam naman ako nang sobrang init sa katawan ko dahil sa ginawa nya.

"isuot mo yan, sa motel na natin ituloy okay? Malapit lang naman yun dito.. masyado kang hot babe.. hindi naman kita bibiguin e.." sabay kindat ko sa kanya.

"okay babe.. lets go.." at muli na nyang isinuot ang damit nya.

Napailing na lamang ako at agad na ipinaharurot ang sasakyan..






SOMEONE i LOVE -- imraiRMLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon