CHAPTER 5

29 0 0
                                    

KC'S POV

"hoy, kc.. sinong tinitingnan mo dyan?" tanong sa akin ni matt habang nasa 2nd floor kami ngayon nang building nang saint Claire.

kitang-kita ko dito si lalaine habang kumakain, kung hindi ako nagkakamali ang kinakain nya ngayon ay iyong ibinigay ko sa kanya kanina.. mabuti naman at kinain na rin nya. may napansin rin ako, bukod sa lalaking kasama nya.. naglagay ba sya nang lipstick sa labi nya? napangiti na lamang ako---mas lalo syang gumanda..

kaya lang, nawala ang ngiti ko nang mapansin ko na panay ang tawanan nila nang lalaking kasama nya, sino kaya 'yun?

"uy kc, besing-busy ah.. hoy!"--matt

"wag kang magulo, may pinagmamasdan lang ako.."

"SINO KAYA YUN? BOYFRIEND KAYA NYA?"

"alam namin dre na may tinitingnan ka, ang punto namin, kung sino yang pinagmamasdan mo?" tanong naman ni jai habang nakahawak pa sa balikat ko.

"si lalaine.." mabilis naman na sagot ko habang pinagmamasdan ko parin sya habang kumakain.

Hindi na sila umimik pa pagkatapos kong sagutin ang tanong nila, agad naman akong napatingin sa dalawa.

"o bakit? May problema ba?" may nakita akong pilyong ngiti sa mga labi nila at iyon ang nakapagtaka sa akin.

"akala ko ba kc, hindi mo na sya guguluhin pa? nagbago ata ang desisyon mo.. at saka diba, sabi mo pa nga, hindi mo ipipilit ang isang bagay na alam mo naman na hindi magiging sayo?" tanong naman ni matt na panay ang taas nang dalawang kilay habang pilyong nakangiti sa akin.

Agad naman akong napatingin sa gawi ni lalaine, pati na rin sa kasama nya..

"ewan, basta.. ang alam ko lang..gusto ko syang protektahan, ayokong may mananakit ulit sa kanya.. may nangyari kasi sa kanya kagabi, at mabuti nalang, ako mismo ang nakakita at tumulong sa kanya, kaya nga kita tinawagan kagabi jai diba, para mapaalis dito sa bansa ang lalaking nangbastos sa kanya.. sa tuwing naaalala ko ang pagmumukha nang lalaking yun, parang gusto ko syang patayin, e.. ang lakas nang loob nyang mang harass nang babae.. at si lalaine pa talaga ang natyempohan nya."

Nang mapansin ko na hindi na naman ulit sila nagsalita, agad na naman akong napalingon sa dalawa, hindi ko alam kung ano ang iniisip nang dalawang unggoy na 'to. ano kaya ang tumatakbo sa utak ng dalawang 'to?

"teka nga muna! kanina ko pa kayo napapansin na parang may mali talaga sa inyong dalawa,e.. may inililihim ba kayo sa kin? Bakit ganyan kayo? Ano yang tinatago nyo ha?"

Agad naman nila akong inakbayan.

"wala dre, masaya lang kami para sayo.."---jai

"huh? para saan naman?" pagtataka ko.

"malalaman mo rin ang ibig naming sabihin.. pero hindi pa sa ngayon." makahulugang ngiti naman sa akin ni matt.

"ano ba kasi yun?" pagpupumilit ko.

"basta!"---matt/jai

Tae naman o, bakit may palihim-lihim pang nalalaman ang dalawang ugok na'to?

---------------

Nasa labas na ako ngayon nang campus, 6pm na. hinihintay ko dito si lalaine. sa pagkakaalam ko.. tapos na ang klase nya ngayon.. yayayain ko sana syang magdinner.. sana, tanggapin nya ang alok ko.

Ilang minuto rin akong nakatayo, habang nakasandal ako sa labas nang kotse. sa wakas, nakita ko na rin sya, lalapitan ko na sana, nang mapansin ko na may kasama pala sya--teka lang..ito rin yung lalaking kasama nya kanina,a.. parang nagbibiruan pa silang dalawa, panay kasi ang tawa nya.. ngayon ko lang syang nakita na tumawa nang ganun.

SOMEONE i LOVE -- imraiRMLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon