Chapter One: First Day

207 10 1
                                    

A/N: Dedicated to @Rochenggg for correcting my mistakes ^^

Jona's Point Of View:

Yes! Sawakas pasukan na .. Natapos na rin ang napaka boring na bakasyon! Namiss ko 'tong school na to pati na yung amoy ng mga bagong notebook ng mga kaklase ko.

Sa mga kaklase ko lang.

Masyado akong poor . Pinagsama sama ko lang yung mga page na walang sulat sa luma kong notebook para maka gawa ng bago.

Back to amuyan session.

So ayon na nga, ang bango talaga ng mga note book. Kaso lang nasira yung pag-aamoy session ko .

Dumating nanaman kasi yung malanding lalaking kinaiinisan ko. Nag spray nanaman ng  nakakasulasok na pabango nya na 5 years na nyang ginagamit.

Pano ko nalaman? Kwinento nya sa'kin. Pero hindi kami close.

Nagkataon lang na rival kami pagdating sa academics at sadyang madaldal lang siya.

Hindi sya nauubusan nun kasi sila ang may-

ari ng pinakasikat na pagawaan ng pabango, ang KV Fragrance.

Tinakpan ko nalang tuloy yung ilong ko, like what I always do pag nandyan siya, tapos nag basa ng libro.

Well di pa pala ako nakakapag pa kilala. Ako nga pala si Jona Mae Dela Cruz, 16 years old at 4th year student palang ako. Ang family namin ang may ari ng isa sa pinaka sikat na restaurant sa Pinas, ang Bon Bon Bon Food Corp.

Mayaman talaga ako, hindi lang halata. Nag mana kasi ako sa mama at papa ko masyadong matipid.

"Hey miss arte .. wag mo nga takpan yang ilong mo."

May biglang kumalabit sa akin.

Paglingon ko si Mr.Baho lang pala. Bigla tuloy nag dilim yung paningin ko.

"Can't you see I'm reading?" masungit na tanong ko sa kanya.

"I don't care alam mo bang ikaw palang ang kaunaunahang taong nag sabing mabaho 'tong pabango ko."

Nasisiraan na ata 'to ng ulo.

"Bakit may sinabi ba akong mabaho yung pabango mo?" mataray na tanong ko.

"Parang ganun na rin yung pinaparating mo sa pag takip mo ng ilong mo no!"

Inirapan ko nalang sya at nag basa nalang ako. Nakakabwiset kasi!!

 

"Aba't ---"

Hindi na niya  naituloy yung sasabihin nya dahil hinatak nanaman siya ng mga malalanding babaeng laging nakabuntot sa kanya.

"Huy FL wag ka nang makipag usap dyan dito ka nalang samin para feeling heaven." sabi nung isang babaeng malandi. Yuck!

Wahahaha sawakas umalis na rin sila. Pero amoy ko pa rin yung pabango nya. Ang tapang eh!

Makalipat na nga lang ng upuan. Wala pa namang seating arrangement eh. Dun nalang ako sa dulo, para tahimik at di mabaho (pertaining to FL).

Hindi talaga FL yung pangalan nun. Yun lang yung tawag ng mga malalanding babae sa kanya.

Ang akala kasi ng mga bobita ang spelling ng 'Perfect' ay 'Ferpect' XD . So ang meaning ng FL ay Ferpect Lucas. Lucas kasi yung true name nun.

Napunta lang sila dito sa section 1 kasi mayayaman binayaran daw nila yung principal para mapunta dito at makita si FL nila.

Biglang dumating yung teacher namin, babae, mukang bata pa, maganda siya pero mas maganda pa rin ako XD. JOKE LANG.

"Okay class I am Mrs.Sherllaine Ramirez your adviser and also your teacher in Science." sabi niya.

My Gay Casanova Prince (or princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon