Chapter Three: Weird Feeling

73 8 0
                                    

Jona's Point of View

Grabeh! Napasarap ata tulog ko! Male-late na ako, 4:30 AM na.

Dali-dali akong kumain, nag-toothbrush at naligo.

"Bye anak! Bye Bon!" Kumaway pa si mommy bago ako umalis.

Hindi ako sumakay sa kotse nag-commute nalang ako kasi ayaw kong malaman nilang mayaman ako. Gusto ko ng matahimikna buhay (Ang Drama ko! Pa Peymut.).

Nakarating na rin ako sa school. Pag kapasok na pagkapasok ko sa gate nag tilian agad ang mga studyante.

Kala ko ako ang tinilian hindi pala. Masyado akong assuming. Nasa likod pala ang mga lalaking casanova. Hindi naman silang lahat si Lucas lang at yung isa na hindi ko kilala.

Gumilid ako. Baka kasi kuyugin ako mamaya, ang sama na kasi ng tingin ng mga malalanding babae sa akin.

Nagdire-diretso ako papunta sa room. Medyo malayo yun kasi sobrang laki ng school na 'to. May limang clinic na parang hospital, 100+ na CR na laging malinis at higit sa lahat may FREE WIFI! Oh saan ka pa?

Maya-maya may kumalabit sa akin. Nakakagulat, si Diana lang pala.

"Huy! Jona! May kumakalat na chismis sa boong university. Nakakaloka!" sabi niya sa akin na may pagka baliw.

Napa poker face na lang ako. Wala akong pake dun. Hindi ako chismosa.

"I'm not interested sa mga rumors na ganyan."

Napatingin siya sa'kin at huminto sa pag-lalakad kaya napahinto rin ako.

"This is not a simple rumor."

Nabalutan siya bigla ng serious aura. Nakakaloka talaga 'tong babaeng 'to ang galing sa pag mu-mood swing.

"Tungkol saan ba yan?" tanong ko sa kanya.

"Someone here inside the university is pregnant."

ㅇㅅㅇ

Nagpatuloy ako sa pag-lalakad.

"Don't waste my time. Late na tayo. Wag kang maniniwala sa mga ganyan, lahat ng tao dito sa loob ng university ay matitinong tao."

Tumakbo siya papunta sa'kin at inakbayan ako.

"Sorry naman Jona. Malay mo kasi totoo."

Hindi ko namalayan na nasa harapan na kami ng room namin. Pumasok na kami sakto naman yung pag-pasok ng teacher namin.

"Okay class. I am Mr. Kim your math and values teacher." pagpapakilala niya.

Pwede pala yun, dalawang subject yung tinuturo.

"So bago tayo mag simula ng lesson ay mag da-diagnostic test muna tayu. Ang makapasa ay magkakaroon ng +2 sa total average sa math."

Wow. Galing mag bigay ni sir ng grade. Ipapasa ko 'to kailangan kong matalo si Lucas!

Dinistribute na ang mga test papers. Pagkabasa na pagkabasa ko nun nosebleed agad ang inabot ko. Sobrang hirap talaga.

Tumingin ako kay Lucas. Naka smile lang siya habang nag-tetest. Siguro sobrang dali lang nito sa kanya.

"Hoy bawal kumopya." sabi niya na nakatingin pa rin sa test paper niya.

Pagnakatingin sa katabi nangongopya agad? Nakakainis talaga 'tong bahong 'to eh.

"Hoy for your info. hindi ako nangongopya!"

Tumingin siya sa akin at binigay sa akin ang test paper niya.

My Gay Casanova Prince (or princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon