Chapter Eight: Preparation

29 5 0
                                    


Jona's Point Of View

One month na rin ang nakalipas pagkatapos magtapat ng feelings si Lucas. Sa ngayon, wala masyadong bago at kasama niya palagi yung mga kabarkada niya.

"Ang boring talaga pag walang pasok. Lagi nalang tayong nag gagala sa mall. Wala namang nag babago dito." sabi ni Diana

Kasalukuyan kasi kaming nasa mall ngayon, nakaupo sa isang bench.

"Oo nga. Ang boring! Mag isip naman tayo ng ibang gawain." dagdag naman ni Belle.

"Ano kaya kung pumunta tayo sa perya malapit dun sa school." suggestion ni Cha.

"Hay nako Cha. Huli ka talaga sa balita. Tinanggal na yung peryang yun kasi malapit sa school." -Charmaine

Napa buntong hinga sila tapos nag isip ulit.

"Ah alam ko na." -Belle

Napatingin kami sa kanya.

"O ano? May na isip ka na?" tanong ko.

"Oo! Punta kami sa inyo!" sabi niya sa'kin.

Nagulat naman ako dun. Ang dumi kaya sa bahay. Nakakahiya mag papunta ng bwisita.

"Wag na madumi dun." sabi ko tapos may hand gesture pa.

"Okay lang. Tutulong kami sa pag lilinis." sabi nila.

"Eh ano bang gagawin niyo dun?" tanong ko.

Nag bulungan sila. Nakakainis talaga 'tong mga 'to.

"Oh ano?" tanong ko.

Ilang segundo rin ay tumingin na ulit sila sa'kin.

"GIRLS PARTY!" sabay sabay na sigaw nila.

Napatayo ako tapos nag lakad palayo.

"Bahala kayo diyan." sabi ko.

Hinabol nila ako tapos kinapitan.

"Kami bahala sa gastusin, pagkain at paglilinis!" sabi ni Belle.

Nang narinig ko yung word na PAGKAIN, napahinto ako. Nakwento ko na ba na magaling mag luto 'tong mga 'to?

"Sure kayo dyan?" tanong ko.

Tumango tango lang sila.

"Sige na nga!"

Nagtatalon ang mga babaita. Haiist. For sure uulit-ulitin nila 'to.

Sinamahan ko silang mamili sa grocery. Ang dami nilang binibiling kung ano-anong mamahaling ingredients. Okay lang sila naman ang gagastos.

Napahinto kami nang biglang may sinabi si Charmaine.

"Uy! Uy! Si Gerome yun diba?" tanong ni Charmaine habang nakaturo kay Gerome.

Napatingin kami kay Cha.....

Si ate nag make-up na!

"Hoy Cha super ka naman! Akala mo naman mapapansin ka niya!" sabi ni Diana.

"Mapapansin niya ako for sure!" sabi naman ni Cha.

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad pero napahinto kami nang may kumalabit kay Cha.

Si Gerome lang pala. For sure sasabog na sa kilig yang si Cha.

"Ah anong ginagawa niyo dito?" tanong sa'min ni Gerome.

"A-ah bumibili kami ng pagkain para sa party." nauutal na sagot ni Cha. Sus halatang kinikilig.

"Ah ganon." -Gerome

"Eh ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman.

"Wala. Bumibili lang ng tsitsirya. Wala akong makain sa bahay eh." sagot niya.

"Gusto mong sumama sa'min!?" hyper na tanong ni Cha kaya nag 'subukan-mong-isama-siya-lagot-ka-sakin' look.

Napahinto naman siya sa pagiging hyper pero nakasagot na si Gerome.

"O sige"

Hayy naku! Ang girls party nahaluan.

--

Diana's Point Of View

Maya maya rin ay nakarating na kami sa bahay nila Jona. Sa labas nito ay may malaking garden. Ang ganda ganda ng mga bulaklak! Nagpaalam muna ako kanila Jona na mag gagala muna ako dito sa garden.

Naglakad lakad ako para makita ang lahat ng bulaklak. Ang gaganda talaga!

Anyway, ako nga pala si Diana Siege, half scottish half filipina. My mother is a novelist, siya ang nag sulat ng famous novel na 'Day and Kite' (A/N: Gawa gawa ko lang po yang day and kite XD) .Ang papa ko naman ay isang piloto.

Napahinto ako sa paglalakad nang may nakita akong isang magandang Daffodil. Mas matingkad ang pagka dilaw nito kaysa sa iba.

Bubunutin ko na sana kaso bigla kong na-realize na malalanta lang siya sa'kin.

Naglakad ako palayo na nakatingin parin sa bulaklak.

Aray! Natapilok ako!

Natumba tuloy ako. Ang sakit talaga.

"Okay ka lang ba miss?"

Hindi ko kilala yung boses. Biglang may nagtayo sa'kin. Pag katingala ko...

OMG

Ang Gwapooo!

"A-a okay lang ako. S-salamat ah." nauutal kong sabi, nahihiya kasi ako.

"Welocome. Anyway, anong name mo?" tanong niya sa'kin.

"Diana."

Inabot niya ang kamay niya.

"Nice to meet you Diana. Ako nga pala si Mark?"

Nag shake hands kami.

"Kasama mo ba sila Jona?"

Tumango tango ako.

"Ah ihahatid na kita sa bahay."

Pagkatapos nun naglakad na kami.

--

Jona's Point Of View

Nagpaalam si Diana, pupunta daw muna siya sa garden.

Pagpasok namin sa bahay, hinati agad kami ni Belle sa tatlong grupo. Sila Belle at Charmaine yung magluluto. Sila Cha at Gerome daw yung mag dedesign. Nung una tumututol pa si Cha pero hindi na siya nakatangi. Kami naman ni Diana ang bahala sa paglilinis.

So kinuha ko na ang walis. Akala ko pa naman exempted ako sa gawain.

Nag simula na akong magwalis. Ngayon ko lang napansin na wala pa pala si Diana. Ang dami ko ng nalinis tapos wala pa siya.

Kanina ko pa napapansin na sobrang sweet ni Cha at Gerome.

Pa simpleng akbay si Gerome. Sus! Gusto rin pala niya si Cha.

Maya maya dumating na sila Diana kasama si kuya Mark.

"Salamat kuya Mark." sabi ni Diana kay kuya Mark.

Nag smile lang si kuya Mark tapos umalis na rin.

"Oy Diana! Mag linis ka dito!" sabi ko kay Diana tapos inabot ko sakanya yung walis.

Kinuha niya yung walis tapos nilinisan niya na yung part na 'di ko pa nawawalisan.

Ang laki ng smile niya. Mukhang alam ko na kung bakit.

"Oi ba't ang wide ng smile mo diyan?" tanong ko sa kanya.

"A wala." tapos tinanggal niya yung ngiti niya.

"Sus! Kung dahil yan kay Mark wag ka na umasa! May syota na yun!!."

***************

A/N: Pangeeettt!!!! Wahahaha!!!

Gusto kong mag update agad

My Gay Casanova Prince (or princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon