Chapter Two: Car Kissing

108 7 0
                                    


Lucas' Point Of View

Katatapos lang ng klase naging masaya naman. Lalo na kanina bago ako umalis. Ang cute kasi ni Jona. Siya lagi yung gusto kong inisin. Pag galit kasi siya mas lalo siyang nagiging cute!

Anyway, ako nga pala si John Lucas Domingo, 15 years old. Single and ready to mingle. Pero inuuna ko ang pag aaral. Kailangan kong ma-maintain yung pagiging Top 1 ko sa klase. Good Boy kaya 'to.

Kasama ko ang mga kabarkada kong sila Ferdie, Ray, Cookie, Jonel, at si Gerome papunta kami sa bahay NAMIN, opo may sarili kaming bahay. May sarisarili kaming kwarto dun kaya masaya. At dahil mayaman ang family nila Cookie binigyan kami ng tatay niya ng sarili naming kotse para sa aming mag kakabarkada lang.

Gusto pa ngang makisabay ng mga babae sa'min eh hahaha, ang pogi talaga namin.

Umupo ako sa likod katabi ko si Jonel. Sa harapan naman namin nakaupo sila Gerome at Cookie. Ang driver naman ay si Ferdie katabi nya si Ray.

Ang ingay sa loob. May kanya kanya silang gawain.

Si Ferdie nakikipag kwentuhan kay Ray. Hope hindi kami mabangga.

Si Cookie naman nag lalaro ng gameboy DS. Naka full pa yung sound.

Si Gerome naman may sariling mundo kanina pa nakangiti tapos kwento ng kwento tungkol dun sa crush niyang Cha daw yung pangalan. Nag kausap daw kasi sila kanina.

Eto namang katabi ko inom ng inom ng alak, nang yaya pa nga eh. Na basted daw kasi siya ng crush nya kaya ayun lumaklak ng lumaklak.

Ako ? Sobrang naiinip. Makatulog na nga lang.

--

Jona's Point of View

Kasabay ko sa pag uwi ang mga BFFs ko. Magkakahiwalay kami ng bahay. Si Belle dumiretso na sa ibang daan. Iba kasi yung daan papunta sa bahay nila eh.

"Girls.. Anong tingin nyu kay Ferdie? Mukha ba siyang mabait?" tanong ni Diana.

Huh? Sinong Ferdie? Yun ba yung kabarkada nila Lucas? Gwapo naman at mukhang mabait pero di ko type.

"Sus bakit mo natanong? Crush mo no?" pang aasar ni Charmaine kay Diana

"Gaga ka ba hindi no. Kanina kasi tinanong niya ako kung pwede niya daw akong ligawan.. Sabi ko naman pag iisipan ko.. ewan ko ba dun hindi ko pa nga ka close nag tanong agad. tss." sabi ni Diana

Na-shock naman kaming tatlo nung sinabi niya yun.

"Wow girl ang haba ng buhok mo muntik ko nang ma apakan. Nag jojoke ka no?" sabi ko.

"Ano namang mapapala ko kung mag sisinungaling ako?"   sabi naman ni Diana

Shemsz ang ganda niya naman kaingit. May nag kakagusto kaya sakin?

Hindi na ako mag aassume.

"Umoo kana Diana .. Minsan lang yang chance na yan .. tapos si Ferdie pa yung nag kagusto sayo, isa kaya yun sa pinaka poging nilalang dito sa school." -Cha

"Hay nako Diana wag kang makikinig dyan kay Cha .. Kilalanin mo muna yung lalaki bago ka pumayag na mag paligaw.. Atsaka kaibigan kaya yun ng casanovang si Lucas malay mo pag laruan ka rin lang nun.."-Charmaine

"Eh ikaw Jona ano sa tingin mo?" tanong sakin ni Diana.

Ah ako? Ano nga ba?

"Ikaw bahala buhay mo naman yan, kaya dapat ikaw ang mag disisyon."sabi ko nalang ..

"Okay.." sabi ni Diana

Nakarating na ako sa bahay namin. Nag paalam na rin ako sa kanila.

Pagkapasok ko sa bahay, nakita ko agad si mama nag luluto sa kusina.

My Gay Casanova Prince (or princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon