Chapter Seven: Rise of LuNa

37 6 0
                                    

Jona's Point Of View

"Sa tingin ko nagugustuhan na rin kita. Masyado akong naapektohan. Siguro kasi you're something especial to me." sabi ko sa kanya.

Tapos niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya.

"Aaayyyiiiieeee...!"

0.0

Ang dami na palang taong nakatingin. Halos lahat ng tao sa school! (Author: Exaggerated!)

Namumula na ako sa hiya.
0////0

Ang daming camerang nakatapat sa'min!! Wah masisira na ang matahimik kong buhay! (Anu daw? Ang drama!)

Humiwalay ako sa pagkakayakap pero hindi niya ako pinakawalan.

"Everyone! This girl is mine so no one can touch her because soon she will be my girlfriend." announcement niya sa lahat.

Wah nakakahiya! Pero kinilig ako dun. Siguro siya na talaga ang para sa'kin. Hindi ko alam kung paano, basta mayron siyang katangian na nagustuhan ko.

"Eeiiieeehh LuNa!" malakas na sigaw ni Belle kaya napatingin yung lahat sa kanya.

"LuNa! LuNa! LuNa! Ang loveteam ng taon!" sigaw nilang lahat.

Nakakahiya naman! Pag uusapan na ako sa school tapos mabubugbog na ako ng mga obsess na babae! Sira na ang future ko!

Nung pinakawalan na ako ni Lucas umalis na rin yung mga tao tapos nilapitan kami ng mga BFFs ko.

"Sweet. Nakaka inggit. Ang torpe kasi ng papa Gerome ko eh." sabi ni Cha tapos napatawa kaming lahat.

"Hayaan mo kalausapin ko si Gerome." tapos tinapiktapik ni Lucas si Cha.

"Seriously Lucas. Hindi pa ako pwede eh .Pwede bang hanggang friend lang muna? I promise pag graduate natin sasagutin kita." sabi ko kay Lucas

"Mag hihintay ako. Since isang week palang tayo close kilalanin mo muna ako."

"Kilala na kita Lucas, at alam ko isa kang mabait na tao."

"Salamat.."

Tinapiktapik niya ako sa balikat.

"Tama na ang mga pangako. Male-late na tayo sa next subject." sabi sa'min ni Diana.

Naglakad na kami pabalik sa room.

--

Ray's Point Of View

Pagkatapos kong kausapin si Lucas bumalik na ako sa table naming mag kalaibigan.

"O pre saan ka galing?" tanong sa'kin ni Ferdie.

"Kinausap ko lang si Lucas tapos bumili na rin ng pagkain." sagot ko.

Nilapag ko yung noodles na binili ko tapos kinuha kovyung kutsara't tinidor.

"O kamusta naman daw siya?" tanong ulit sa'kin Ferdie.

Sumubo ako ng isa.

"Okay lang naman daw siya pero matatagalan daw yung balik niya sa bahay kasi nag request pa yung mama niya ng isa pang buwan para makasama siya." sagot ko.

Sumubo ulit ako tapos humarap kay Ferdie.

"Pero parang may nagbago sa kanya." sabi ko tapos humigop ako ng sabaw.

"Ano?" tanong sa'kin ni Cookie.

Sumubo ulit ako ng isa.

"Para kasing nababakla na siya."

Nabulunan naman sila nung sinabi ko yun.

"Weh?" sabay sabay sila kaso wala si Gerome, absent.

"Napapansin ko kasi sa pag kilos at pag sasalita niya." sabi ko.

"Ano ba yung bago?" tanong sa'kin ni Jonel. Ang pangit pa rin ng accent niya.

"Kasi nung kinakausap ko siya inirapan niya ako. Tapos nag palusot pa siya na napuwing siya e hindi naman halata."

Napatawa silang lahat.

"It's that true?" natatawa pang tanong ni Jonel.

Tumango tango lang ako.

Naubos ko na yung kinakain ko.

"Hey guys! Look there it's Lucas diba? Nilalandi nanaman siya nila Xiolla." nakaturo si Jonel kanila Lucas.

Oo nga no. Mukhang malala na yung nangyayari kaya lumapit na kami.

Saktong pag dating namin, hinalikan ni Xiolla si Lucas.

"You Flirt!" dinuro ni Lucas si Xiolla tapos tumakbo. Nakita ko na hinahabol niya pala si Jona.

Sinundan namin sila. Nakita nalang namin si Lucas na nakayakap kay Jona.

"Ayiiieeeehhh..." panunukso ng mga tao.

Mali ba yung akala ko? Baka nga praning lang ako.

--

Gerome's Point Of View

Umabsent ako ngayon. Tinatamad kasi akong pumasok. Pero ngayon ko lang nalaman na mas nakakatmad pala dito sa bahay.

Tapos ko ng laruin 'tong Pokemon X sa 3DS wala nanaman tuloy akong magawa.

Makapag conputer na nga lang.

Binuksan ko yung FB account ko. Ang dami kong notifications ngayon ah.

Nag click ako ng isa. Napunta ako sa page na ang pangalan ay 'LuNa' ang daming likes umabot sa 500,000.

Nung nakita ko yung DP nagulat ako. Si Lucas at si Jona yun na magkayakap. Kaya pa LuNa (Lucas+Jona).

Nawala lang ako ng isang araw ang dami na agad ng nangyari.

We? Totoo ba 'to? Kaya pala di sumasama si Lucas sa amin nag papacute pala siya kay Jona.

Nakakainggit naman. Sana hindi ako ganito ka torpe pag dating kay Cha.

Sinearch ko yung pangalan niya sa FB. Chasel Mirabelle Ramirez.

Shemay. Ang ganda ng bago niyang DP! Hanggang ngayon hindi ko siya ma-add sa FB. Nakakahiya naman baka sabihin niya sa'kin stalker ako. Ma-download na nga lang yung mga picture niya.

--

Xiolla's Point Of View

I can't believe it! Nag bago na talaga si Lucas! Nilason siya ng babaitang yun.

"Deka! Mag isip ka ng bagong plano!" utos ko kay Deka.

"Sige mag iisip ako." sagot niya naman. Wala talaga siyang kabuhay buhay.

Anyway, ako nga pala si Xiolla Gonzaga. 16 years old at ang pinakamayaman at sikat na nilalang dito sa school!

"Jam paki abot naman ng Laptop ko kasi naman 'di na ako nakaka open ng FB."

Inabot niya sa'kin yung laptop ko tapos nag sign-in ako sa FB.

"What the h*ck!" sigaw ko sa gulat nang makita yung nakakasulasok na picture nung babaita at ni FL.

'LuNa'? Hindi pwedeeeeee! Akin lang ang FL ko at hindi ako papayag na eextra yung asungot na yun! Kailangan ko na siyang alisin sa landas ko.

*****************
A/N: Walang POV si Lucas dito. Sabi ko kasi wag muna mag tapat kay Jona.

Anyway, panget na UD ulit. XD

Vote.. Comment.. And eat oatmels. XD

Walang nag babasa so tatagalan ko na ang pag update.

Happy Valentines and Chinese New Year!!

My Gay Casanova Prince (or princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon