Chapter Four: Cookie's Novel

36 8 0
                                    

A/N : Medyo korni 'tong chapter na 'to. Wag nyu ng basahin kung ayaw niyo.

***********

Cookie's Point Of View

Naglakad ako papunta sa table ko kung saan nakalagay ang nobelang sinusulat ko.

Nasulat ko na ang pinakabagong kabanata sa kwento. Mukhang napapalapit na si Lucas kay Jona. Dapat mas gawin ko silang close.

Iniikot ko sa kamay ko yung lapis habang nag-iisip ng bagong eksena.

Mukhang may naisip na ako.

Tinawag ko si Deka.

"Deka! Halika dito may naisip na akong karugtong."

Bumukas yung pinto at pumasok si Deka. Nilapitan niya na ako. Siguro'y napansin niya na may bago ng kabanata ang kwento kaya kinuha niya ito.

"Ang ganda. Parang gusto ko tuloy mag suggest."

Tumingin siya sa akin. Minsan talaga gusto niyang may pinaglalaruan.

Ngumiti ako sa kanya, hudyat na pwede siyang mag bigay ng ideya.

"Agahan natin yung pagbabago ni Lucas."

Mukhang magandang ideya. Pero sa tingin ko mahirap gawin ang kanyang plano.

"Well... maganda nga 'yan, pero sure ka bang kaya mo yang gawin?" tanong ko.

Inagaw niya sa'kin yung hawak kong lapis at 'yon ang pinaglaruan niya.

Ngumiti siya.

"Oo naman. Magiging madali lahat."

Sinagot ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Tungkol nga pala sa naisip ko." sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa nobelag sinusulat ko.

"Ano 'yon? Wag mo ako masyadong pahirapan."

"Gumawa ka ng kahit anong pwedeng mag palapit sa dalawa. Kontrolado mo naman ang mga teacher diba?"

Humarap siya sa'kin. Mukha namang nasiyahan siya.

"Yun lang pala eh. Kayang kaya ko yan. Isasabay ko na rin yung suggestion ko."

Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto.

"Ikaw ang bahala basta mapaganda mo ang kwento."

Umalis na ako. Marami pa akong. aasikasuhin.

--

Lucas' Point Of View

Dumiretso ako sa upuan ko. Naiinis pa rin ako kay Gerome. Sabi niya kasi sa'kin para daw akong babaeng may regla. Nainis kasi ako sa kanya kakina nung tinanong niya kung tungkol daw ba kanila Jona yung tula. Kasama ko kasi sila kanina.

Nakita ko si Xiolla na umiiyak. Tinitingnan pa nga ako ng mga alalay niya, si Deka at si Jam. Hindi ko nalang sila pinansin nag papaimpress lang yang mga yan.

Wala akong makausap. Hays nakakatamad talaga dapat kasi binabawasan ang oras ng lunch.

Tumingin ako sa pinto dahil pumasok yung mga katropa ko. Dumiretso sila sa'kin.

"Oy ikaw Lucas ah! Nag papapoints ka kay Jona ah!" -Ferdie

"Gagi ka!" sabi ko tapos tumawa sila.

Hindi ba halita na naiilang ako sa kanila? Napatingin ako kay Jonel. Hindi siya nakikitawa. Siguro alam niya yung nangyari kahapon.

"Oi mamaya sumabay ka na sa'min pag uwi ah." sabi sa'kin ni Ferdie.

Pumunta na sila sa mga upuan nila.

My Gay Casanova Prince (or princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon