Chapter Nine: Drunken

36 4 0
                                    

Diana's Point Of View

"Sus! Kung dahil yan kay Mark wag ka na umasa! May syota na yun!!." sabi ni Jona.

Muntik na gumuho yung hawak kong walis pag karinig ko nun!

Huwaaahh! Grabe pinaasa ako ni Mark huhu. T.T. Todo pa-cute pa siya sakin kanina, yun pala may syota na siya! (Well hindi talaga siya nag pacute. Ilusyonada lang ako.

"Hoy FYI lang focus na focus ako dito sa kakawalis. Masaya lang ako kasi may party mamaya." palusot ko.

"Tsk. tsk. Palusot."

Inirapan ko siya ng bonggang bongga at nagpatuloy na ako sa pagwawalis.

Mayamaya rin tapos na mag luto sila Belle at Charmaine. Si Cha at si Gerome naman tapos ng mag install ng disco lights at sound system.

Pagkatapos ng ilang minuto parang naging bar na ang buong lugar. Umupo kami sa mga upuang nasa tapat ng table na punong puno ng pagkain.

"Espesyal ang niluto namin ngayon!" sabi ni Belle na sobrang hyper.

Napatingin tuloy ako sa mga pagkain. Mukhang masasarap naman. Pero biglang may nahagip yung mata ko.

Woahh..

Ano 'to? FRIED RICE?

"Bakit may fried rice?" tanong ko habbang nakaturo sa fried rice.

"Hindi lang yan basta fried rice..." sagot ni Charmaine.

"Eh ano yan?"

" Isa yang.... SUPER DUPER FRIED RICE!!"

Na nga nga lang kami sa sagot niya.

"E anong kaibahan niyan sa ordinaryong fried rice?" tanong naman ni Jona.

"Well... Nilagyan namin 'to ng sobrang daming sahog! Nilagyan din namin 'to ng konting alak. Para may tama." 

Napa nga nga ulit kami sa sagot ni Charmaine.

"Ibig sabihin bawal ako kumain niyan.." sabi ko.

Tapos na pa 'huh' nalang sila.

"Huh? Bakit?" tanong ni Belle.

"Diba nga may sakit ako sa kidney. Bawal akong kumain o uminom ng kahit anong may alkohol." sagot ko naman.

Totoo yun. Nahawa kasi ako sa papa kong may sakit sa kidney.

"Ah ganon ba? Wag ka nalang kumain ng fried rice, marami pa naman kaming niluto."

Napatingin ako sa ibang pagkain. Mukha namang pwede sa'kin.

Maya maya rin ay sinimulan na nila ang party. Sobrang lakas ng music. Kumakain kami nila Jona, Gerome at Cha. Si Charmaine naman nagluluto, ang bilis daw kasi naming naubos yung ibang pagkain. Si Belle sumasayaw na parang tanga.

"Hoy Belle tama na yan! May bagong pagkain!" tawag ni Charmaine kay Belle. Hindi ko napansin na tapos na siyang magluto.

Kumain na ulit kami ng magkakasama. Kuha sila ng kuha ng super duper fried rice siguro masarap talaga. Nakakaingit.

"Hoy Belle! Nice work! Itong fried rice mo ang pinakamasarap!" sabi ni Jona kay Belle.

"Wag kayong masyadong kumain niyan dahil mayron pa tayong ganito...."

Biglang nilabas ni Belle ang sangkatutak na mga alak. Nag palakpakan naman sila. Wah! Plano ba nilang mag paka lasing?

"Diana yung chaser nalang yung inomin mo. Wag mong uubusin para hindi kami masyadong tamaan." ngumuso si Belle sa juice na nasa table.

My Gay Casanova Prince (or princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon