1 || Bestfriends

176 78 16
                                    

Chapter 1

Ang hirap kapag graduating student ka, ang daming kailangan ayusin. Requirements doon, requirements dito.

Yung mga classmates ko ayun kabang kaba na sila pero dahil ako si Ria, eto chillin' pa rin ako.

Sila busy sa acads, busy sa jowa, e ako? Isang hambog na manunulat.

"Woy lutang na naman Ria?" sabi ni Kian, ang pinakamagaling kong bestfriend.

Napatingin ako sa kanya "Hindi kaya, may iniisip lang ako"

"Ano na naman yang iniisip mo?" Tanong niya.

"Nothing."

"May iniisip daw tapos ngayon nothing? Kahit kailan ka talaga Ria."

"Gigil ka na niyan?" ngisi ko sa kanya.

"Sanay na ako sa'yo, bestfriend kita eh" smirk niya.

"Ay weh? Why naman I'm not informed na magbestfriend pala tayo?"

Kilala ko 'tong bestfriend ko, maya-maya bubugahan na ako ng apoy niyan, hambog yata ako.

Sa loob ng walong taon 'kong kaibigan 'yang si Kian, malabong hindi pa namin alam ang takbo ng utak ng bawat isa.

Masasabi mong we are the best of friends. Kilala niya ako, kilala ko siya.

Kilala namin ang isa't-isa, hindi sa paraan na kilala kami ng karamihan, kahit nga parents namin eh. Mas kilala pa namin yung isa't-isa and I am happy for that kasi I know na may tatakbuhan ako pag nangailangan ako. 'Wag nga lang pera, parehas kaming kuripot eh.

"Iba na ba bestfriend mo? Okay" singit niya sa pagmumuni ko.

"Yeah" I answered plainly.

"Okay, no worries" sambit niya ngunit ang kanyang mga mata ay sa bintana lang nakatitig.

Hindi na siya makatingin sa'kin so it means two things, it's either nagtatampo na or nagseselos na.

"Selos ka?" tanong ko

Napatitig lang siya sa 'kin "hindi ahh"

"Nagtatampo ang Kian ko?" pagdidiin sa salitang ko. Ayan ganyan gusto niya kapag nagtatampo or nagseselos yan, kailangan 'Kian ko' para mabilis masuyo.

"Sinong hindi magtatampo, puro ka na naman kalokohan"

"Okay, kalokohan pala eh" ako naman napikon.

Oo mabilis talaga ako mapikon lalo na pag sa mga taong kaclose ko na.

Deretso siya sa likod ko sabay yakap "Talagang 'di ka marunong manuyo eh hano?" tanong niya.

Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Nasabi ko na ba? May gusto nga pala ako sa bestfriend ko dati pero ngayon wala na, yata?

Yata? Hindi rin kasi talaga ako sure pero I'm moving forward naman na.

"Ria, naalala mo yung time na sinabi ko sa'yo na 'wag ako?" biglang tanong niya na kinalaki ng mga mata ko.

"Yeah why?" tanong ko.

"What if I tell you now na ituloy natin?"

Huh? Ituloy? The fuck.

Tinulak ko siya sa pagkakayakap niya sa'kin at pinagkatitigan ang mga mata niya.

"Huh? Gago ka ba? After mo sabihin sa'kin na 'wag ikaw, now you're absolutely telling me na ikaw nalang ulit ganon?"

A Beautiful Omission | On-goingWhere stories live. Discover now