Chapter 8
"Hoy Kian, ano yun?" tanong ko pagpasok namin sa isang sikat na restaurant.
Tinitigan na naman niya ako, okay enough na talaga ito "Alin, Ria?" tanong niya.
"Wtf? Kian, are you out of your mind?" medyo nainis ako sa sagot niya.
Argh Kian wag mo 'ko simulan ngayon ahh, hiyang-hiya ako sa mga pinaggagawa mo kanina!!!
"What? No!" depensa niya sa sarili niya.
Nagulat nalang ako sa bahagyang pagsigaw niya "Eh ano yung kanina?".
"Wala. Kailangan ba lahat may dahilan? Kailangan ba lahat ng gawin ko for you is may reason? Kailangan ba lagi mong ikukwestyon yung mga desisyon na ginagawa ko para sa'yo?"
"Hey, you know na I didn't mean that way Kian. Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ko.
"Anong nangyayari sa'kin Ria? Why not ask yourself then tell me what is it!" sambit niya.
Hayf ano bang nangyayari rito sa kaibigan ko at biglang nagkakaganito? Jusq wala naman ako ginawa kanina diba? Binili ko lang naman siya ng damit ahh?
Tinitigan ko nalang muna siya, wala naman kasing mangyayari sa'min if pati ako idadaan ko sa init ng ulo yung mga problema namin, if meron man kaming problema.
Inabot ko yung kamay niya kahit na nung una ay tinatanggal niya sa ibabaw ng kamay niya yung kamay ko. "Kian, can we eat first? Then later let's talk please" ginamit ko na yung pinakamahina kong beses.
Siguro in this way mahahalata na niyang ayaw ko ng away.
Nanatili nalang kaming tahimik habang hinihintay ang mga pagkain na inorder namin kanina.
"Ma'am, Sir, here's your order po" sambit ni kuya waiter.
"Thankyou po." tumango nalang si kuya at umalis.
Habang kumakain wala pa ring nagtangka na magsalita sa amin pero ramdam ko pa rin yung care ni Kian for me. Paano ba naman na hindi, na kahit alam kong nagtatampo or galit siya is pinagayos niya pa ako ng pagkain sa plate ko.
"Hey baby, sorry" salita niya.
Pero dahil gusto kong iparamdam sa kanya na naiinis ako, ganon na nga ang nangyari. "Eat first, we will talk later. Dun ka magalit, wag dito" pakiusap ko.
"Ria..." tawag pa niya.
Napatingin nalang ako sa kanya "Kian please, lets just eat at peace . I want to go home na eh."
Wala na siyang nagawa kundi ang tumango.
After a few minutes...
"Are you done, baby?" tanong niya.
"Yeah, lets go?" aya ko.
I want a peaceful talk.
I want to rest.
I want an assurance.
I want it all.
Ang hirap nung ganito na hindi ko na kilala yung sarili kong kaibigan. Na parang hindi na siya yung kaibigan ko. Na lagi nalang na para akong nangangapa sa dilim para malaman ang mga kinikilos at sinasabi niya.
"Ahh Kian, what really happened a while ago?" simula ko.
"Sorry, hindi ko rin magets kanina kung bakit ako naging ganon. I didn't mean it baby, nung nasigawan ka hindi ko talaga alam kung ano yung pumasok sa isip ko. Sorry." dere-deretso niyang sambit.