2 || Smile

126 74 13
                                    

Chapter 2

It was a sunny morning yet but the news said na uulan ngayon.

How come, sana huwag na po umula--

Biglang umambon, not just umambon but it is umulan.

Yung ulan na ang lalaki ng mga rain drops. Like after 'ko sabihin na na sana huwag uulan tapos biglang uulan? Wow, grabe.

"Anong kukunin mo na course this coming college, nak?" napaisip tuloy ako bigla.

After two months pasukan na pala ulit, kaso ang problema nga lang is hindi ko makikita mga kaklase ko through personal kasi syempre may kumakalat nga na virus so we need to keep ourselves safe.

Napatingin ako kay mommy "ano po?"

"Ano kako balak mo na kunin na course this college nak?" tanong niya

At dahil wala naman talaga sa kanya yung atensyon, para na naman akong lumulutang sa gedli.

"BS Nursing po"

"Ayaw mo talaga yung engineering, Ria?"

Medyo nakakaasar na kasi syempre, ang hirap kaya mag-aral tapos hindi mo pa gusto yung pinag-aaralan mo, like ako yung maghihirap na mag-aral diba? Dapat lang na ako yung mamili ng course. Pero dahil sila yung magulang at gusto ko makabawi sa kanila syempre kailangan na sundin yung gusto nila.

"Sige po mommy, kailan tayo mag-eenroll?" sana mapansin naman niya na ayoko talaga yung course na pinapakuha niya, na ako rin yung mahihirapan if ever na tutuloy ako sa course na ayaw ko naman talaga.

Umupo siya sa tabi ko "Nak, alam mo naman na wala na si daddy niyo so we need to adjust. Hindi lahat ng gusto makukuha kasi alam mo naman diba?"

"Opo"

-

Scroll

Scroll

Scroll

Heto na naman ako, lagi nalang walang magawa sa bahay. Lalo na pag wala yung bunso kong kapatid, lagi nalang apakatahimik ng bahay.

Well sino naman kasi makakausap ko eh lagi rin naman wala si mommy kasi syempre yung business namin, kailangan niya asikasuhin.

"Kian!!!"

"Bakit ba? Sigaw ka na naman ng sigaw, nawawala ka na naman Ria?"

"Hindi tanga, lagi ko nalang kasing nakikita to, tingnan mo kasi, halika nga kasi rito!!!" hinarap ko sa kanya yung phone ko.

"Kaingay mo, teka lang kasi wengya ka talaga. Anong titingnan ko jan?"

Lalapit din pala, kailangan pa marami sinasabi, kahit kailan talaga may boang akong kaibigan.

"Ere nga kasi, yung letter sa comment section Kian!" sigaw ko na naman, honestly masarap bwisitin 'tong kaibigan ko kasi pikon masyado hehe.

Tinititigan niya phone ko hanggang sa biglang nangunot ang kanyang noo "oh bakit ganyan itsura mo?" tanong ko na may halong pagtataka.

"Tanga binabasa ko kasi, masyado kang malikot kaya nahihirapan ako magbasa"

Tsk... "Eh kung sana hinawakan mo edi hindi malikot, hindi pa ako mangangawit hano?" pagtataray ko, sobrang nangangawit na kasi braso ko, ayaw manlang hawakan amp.

A Beautiful Omission | On-goingWhere stories live. Discover now