Chapter 5
"Nak, si Kian nasa labas" dinig kong sigaw ni mommy sa baba.
Huh? Bakit nandito?
"Yes mi, sandali lang po" sabi ko.
Tumayo ako at humarap sa salamin, ayan okay naman itsura ko. Yung buhok ko? Ahmm check, okay naman. "Huh? Bakit ka nagaayos Ria? Si Kian lang naman yun" naguguluhan man pero pinagpatuloy ko nalang din ang pagaayos sa sarili ko.
"Not bad, ang ganda mo grabe"
Hindi na ako mag-liptint kasi nasa bahay lang naman, ano pang use nun? Tsaka si Kian lang naman yun ahh.
Final look sa salamin and pak, deretso na sa pinto. Ngunit hindi ko pa tuluyang nabubuksan ay pumasok na si Kian.
"Oh hala Ria, sorry, masaktan ka baby?" Salo salo niya ako, buti nalang talaga mabilis ang reflexes niya.
Sakit ng noo ko, yun yata napuruhan dahil sa pagbangga ng pinto.
Argh bwiset, ansakit talaga.
Pashneya.
Bwiset na pinto.
Amp apakasakit naman, tumama na nga sa pindo, tipitik pa bwiset talaga tong kaibigan ko "oh bakit ba kasi?!"
"Wag mo 'ko sigawan, Ria. Kanina pa kita tinatawag at tinatanong!" sermon na naman.
"Eh ano ba kasing tanong mo? Apakasakit ng noo ko" reklamo ko.
"Malay ko sa'yo, kahit kelan ka!"
Ayy "Sinisigawan mo ako?" sambit ko.
"Kaya kitang sigawan? Tell me, kaya ko ba?" tanong niya na para bang naghahamon pa.
"Hindi po, sorry" hindi na mapakale yung daliri ko. Ganito ako kapag kinakabahan, nakatingin nalang ako sa baba at hinihintay yung sunod niyang sasabihin.
"Ria?" after ko marinig yun parang mas lalo akong kinabahan, hindi normal yung boses ni Kian.
Hindi normal na para bang may mangyayar---
Nagulat nalang ako nung bigla niyang hawakan ang baba ko at tinaas ang mukha ko kapantay niya.
Medyo nakalean forward pa siya kasi syempre nakaupo ako tapos siya nakatayo sa harap ko.
"Baby I said you are fine ba?" tanong niya.
Hayf ka Kian, bakit ganyan ka makatingin. Punyeta talaga. Daddy guide me please, tapos na akong mahulog sa bestfriend ko. Bawal na ulit, ayoko na po.
"Ha?" tanong ko.
"Ha?" ulit niya.
"Ay oo okay lang ako" sabay hawi ng kamay niya na nasa baba ko.
Sana alam niya na ilang na ilang ako, oo magkaibigan kami pero nandun pa rin kasi yung part na nagkagusto ako sa kanya dati at baka bumalik yun.
"Bakit mo tinanggal yung kamay ko, Ria? Naiilang baby ko?"
"Hey stop calling me that way" angil ko.
"Calling you what? Baby? Ahmm?"
"Yeah, please" sagot ko.
Nakatitig lang siya "Okay? But what's wrong calling you baby?"
"Nothing but I'm just worried"
"Worried about what?"
"My feelings, I just don't want it. I mean ayaw ko yung nangyari before kaya mas okay na iwasan nalang"